Chapter 6

4.2K 68 1
                                    

SIX

Bad Boys Girl

One month rule ang palageng sinusunod ng isang William Andress De Chavez sa pakikipagrelasyon.

Ang isang buwan niyang panunuyo sa kanyang latest conquest ay naging dalawang buwan. Kaya naging usap-usapan siya ng halos iba't ibang Department kong seryoso na daw ba siya kay joy.

"pen, ano, nagseryoso na ba ang babe mo? Akala ko ba hindi ka niya ipagpapalit sa kahit na sinong babae. Hindi ka ba nasasaktan?" pinandilatan at sinamaan ko ng tingin si lala. Anong sinasabi niya?

Kainis tong mga kaklase ko na to. Minsan tinawag ako ni andress ng babe ay yun na din ang tawag nila sa akin kapag nanjan si andress. Nakaka panget ng araw. Bakit ba nila ako tinatanong kong seryoso si De Chavez kay joy. Bakit kaya hindi yung tao ang tanungin nila. Nananahimik ako dito. Anong malay ko sa relasyon ng dalawang yun.

Nakapagtataka nga kasi hindi pa kahit kelan nadala ni andress sa mansiyon si joy. Halos lahat naman nadadala niya doon e. Kunwari may ipapakita si andress tapos isasama niya sa kwarto niya tapos yun na. Hindi na makakalabas yung babae ng walang nangyayaring milagro sa kanila.

Saka hindi na nakapagtataka na gustong gusto siyang tikman ng ibang babae na liberated din kagaya niya mag-isip. Kasi narinig ko minsan sa dati niya ka flavor of the month na magaling daw si andress. Sweet, malambing at magaling magpaligaya ng babae. Prinsesa ka nga kong ituring niya e. Pero my pattern at hanggang isang buwan lang. Wala ng hihigit pa doon.

Kaya kong ikaw game ka kapag natipuhan ka ng isang Andress De Chavez ay ihanda mo na ang puso mo. Wag paloloko at huwag umasa. Hindi magbabago ang isang playboy na gaya ni Andress. Masasaktan ka lang kapag pinilit mo siyang magbago.

"tara sa canteen pen" kasabay ko si lala papuntang canteen. Nagmamadali kame kasi baka maubusan kame ng pwesto at pagkaen.

Punuan pa naman kapag lunch time.

Pagpasok ko palang ay nakakagulat ang pagtahimik ng buong cafeteria. Wala ang maiingay na usapan ng bawat estudyante at tawanan.

Kunot noo na nilibot ko ang aking paningin.

Nasa gitna ng malawak na cafeteria ang mga kaibigan ni andress.

Si AJ na may hawak na WILL YOU

Si Fedil na may hawak na BE MY GIRLFRIEND

At si Pluto na may hawak na JOY-ANN?

Nasa gitna si Andress at nakaluhod habang mangiyak ngiyak na nakatingin sa kanya si joy. Ang laki ng ngiti neto kahit umiiyak. Nilahad ni andress ang sing-sing na binili niya. Yung pinahanap niya sa akin.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon