Chapter 3

4.5K 109 1
                                    

THREE

Senyora Antonina De Chavez

I cleared my throat. Kanina pa kame bumibiyahe. Busy si andress sa kanyang laptop or sa celfone. He makes a lot of calls.

Kahit magkatabi kame sa upuan, pakiramdam ko ay wala akong kasama at napapanis ang laway ko. Hindi niya na ako tinignan. Hindi ko naman sinagot ang tanong niya kanina ei.

Iginiya niya lang ako pababa at papasok sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan kame ng driver niya at ngayon nga ay mahigit isang oras na kameng bumibiyahe.

"uhm. Where are we going by the way?"

Kumunot ang noo niya. Ibinaba niya ang salamin niya at hinilot ang kanyang sentido. Napalunok ako. Ang gwapo niya talaga.

Kaya ka na inlove noon sa kanya kahit napaka babaero niya penelope. Napairap ako sa sarili.

Kahit kinakabahan ay hindi ko pinahahalata.

"my house" sagot ni andress

Namutla akong bigla. Shit! Hindi ako pwedeng pumunta sa kanila. Ang lakas ng kalabog ng puso ni penny.

Donya Antonina issued a TRO against her. Pagkatapos ng aksidente limang taon ang nakakaraan ay pinagbawalan siyang lumapit kay andress. Hindi siya pinayagang bisitahin si andress at alamin ang kalagayan neto. Mahirap. Nahihirapan siya sa mga unang linggo at buwan. Alalang-alala siya noon kay andress dahil eto ang mas napuruhan.

Tinakpan neto ang kanyang katawan. Pinrotektahan siya ni andress at ang baby nila.

Isang rumaragasang delivery truck ng softdrinks ang bigla nalang sumulpot kong saan pasalubong sa daang tinatahak nila. Dahil sa pagkagulat ay hindi naiwas ni andress ang kotseng sinakyan nila. Nakaladkad. Malakas ang impact ng pagkakabagok ng ulo ni andress. Marami siyang pasa. Nabukas ang likod niya at inayos ang mga muscles na nabali.

Nagtagal si andress ng taon sa isang pribadong ospital upang masigurado ang kanyang kaligtasan. Nagkasya ako sa pag aantay sa labas ng ospital.

Naawa yata sa akin ang isang nurse at tinanong ako kong bakit hindi ako pumapasok. Pinakiusapan ko siyang balitaan ako kong ano ang lagay ni andress. Tinanguan niya ako, tinapik ang aking balikat. Mula noon ay siya na ang nagbibigay ng impormasyon sa akin tungkol sa kalagayan ni andress.

Kapag nawalan ng bisa ang TRO ay kukuha ulit si Donya Antonina. Kahit hirap sa pagbubuntis ay hinayaan kong magkasya sa kakarampot na balita na makukuha sa nurse na naging kaibigan ko na sa katagalan

Mabuti na nga lamang at safe si baby na malaki kong ipinagpapasalamat sa diyos.

"hey," napakurap ako sa tawag ni andress

"h-ha" gulat kong tanong.

Penelope! Absent minded kana naman! Umayos ka!

Hinawakan niya ang braso ko kaya naiwas ko eto dahil sa gulat. Kunot noo at nagtataka niya naman akong tinitigan.

"your spacing out. Namumutla ka rin"

Huminga ako ng malalim. Kinalma ko ang aking sarili. Even if senyora antonina was there siguro naman ay hindi niya ako pagbabawalan. Matagal narin naman mula ng hindi ako nagkaroon ng balita sa kanila.

Dinala si andress sa States noong naging stable na ang kalagayan niya. Inilipat siya sa pangangalaga ng mga mas ekspertong doctor sa kagustuhan narin ng senyora.

I would always pray for him. Palage, na kahit hindi niya na ako maalala atleast ay maging maayos ang kanyang kalagayan at bumalik sa dati ang kanyang kalusugan.

He was his only son kaya naiintindihan ko ang senyora mula ng ipanganak ko si Anthony. Gagawin ko ang lahat maisalba at maging ligtas lang ang anak ko.

"I-im fine" nauutal kong sabi at nag-iwas ng tingin. Parang binabasa niya kasi ang kaibuturan ko kong makatingin siya. Malamig na titig na mas nagpakabog sa aking puso.

Nangangatog ako sa titig niya sa akin. My stomach has lots of butterflies all of a sudden.

"are you sure"

"yes, sir" diin ko.

Binalikan niya ang kanyang ginagawa.

Sa gilid ng mata ko ay hindi ko mapigilang pagmasdan ang malaking pinagbago ng kanyang itsura.

Naging lean ang kanyang pangangatawan. Nag-iba ang aura niya. Naging tuso ang dating. Hindi ko din maitatanggi na dahil sa itsura niya ay mas dumarami ang nahuhumaling sa kanya. Nakakabilib nga na kahit sikat siya sa larangan ng negosyo ay napapanatili niya paring pribado ang kanyang buhay.

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya hanggang sa nilingon niya ako at kinunutan ng noo.

Napaiwas ako ng tingin. Nalunok ko ang laway ko sa kaba. Packing tape naman oh!

"did I pass?"

"ha?"

"you've been staring at me. Did I pass?" namula ang mukha ko sa sinabi niya. Shocks. Kaya hindi ko nalang siya nilingon hanggang sa pumasok sa isang maluwang na solar ang sasakyan.

Umikot eto at huminto malapit sa hagdanan sa entrance ng mansion ng mga De Chavez.

Kahit kabang-kaba ay pinilit kong ikilos ang paa ko pababa.

"iho, we've been waiting for you" napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Standing a few meters away from me is no other than the aristocrat Senyora Antonina De Chavez

Nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin. But what fucking surprise me is she, sitting in a wheelchair.

What happened to her? Naalala ko ang isang estrikta at mapagmataas na babae noon. Isa lamang akong langgam kong tignan niya noon.

Tulak tulak ng nurse ang kanyang wheelchair.

Nauna ng umakyat papasok si andress at humalik sa mommy niya. Napalunok ako. I sigh hundred times hanggang sa magdesisyon akong i-angat ang paa ko at umakyat din ng hagdan papasok sa kanilang mansiyon.

"magandang umaga po, maam" mahina kong sabi. Nakayuko lang ako at inantay ang sasabihin ng senyora. Pero hindi siya bumati pabalik kaya inangat ko yung paningin ko sa kanya.

Nakatitig na pala siya sa akin.

"iho, mauna kana. I want to talk to your wedding planner" tinignan muna ako ni andress bago siya nagpaalam at nauna ng pumasok. Ang paningin ko ay nanatili sa papaalis na likuran ni andress.

My heart ache again. Nag-iba na siya. Ibang-iba sa andress na nakilala at minahal ko noon.

Tumikhim ang senyora kaya nabaling ang paningin ko sa kanya.

Tinitigan niya ako. Hindi ako nagbawi ng tingin. Hindi na ako ang babaeng walang maipagmamalaki noon at hindi nababagay sa alta sosyedad na kinabibilangan nila. Kahit papaano ay may maganda na rin naman akong trabaho at maayos na tirahan.

Hindi ko alam kong anong kailangan sa akin ng senyora. Pero kahit ganoon pa man nanatili ang respeto ko sa kanya. Kahit ilang beses niya akong tinaboy noon. Ilang beses pinamukha na anak lamang ako ng kasambahay at hardenero nila ay tiniis ko at ipinagsawalang bahala.

Natutunan kong huwag sumagot sa mas higit na nakatatanda. Ayokong dumating ang araw na ibalik sa akin ng diyos ang mga panget kong ginawa kaya sobrang haba ng pasensiya at pang -unawa ko.

"I-I am sorry, Penelope" nagulat ako sa pag gagap ng senyora ng aking kamay. Mas lalo na sa kanyang sinabi.

Awang ang bibig na nakatitig ako sa kanyang mukhang tumutulo ang luha. Hindi ako makapaniwala. Wala sa sarili kong hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay.

"I'm so sorry penelope" mahinang sabi, hilam sa luha at puno ng pagsisisi ang kanyang mga mata.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon