Chapter 14

3.4K 60 2
                                    

FOURTEEN

Intramurals

"kinakabahan ako pen" nandito kame ngayon sa back stage. Ilang araw lang kameng nag practice. Sasayaw kame at gagawin ang stunt sa opening ceremony ng Intramurals.

Joy-ann is smirking which I didn't get. Bakit sa akin siya nagagalit. Anong kasalanan ko sa kanya. Hindi ba sa una palang ay alam niya na kong anong klaseng lalaki si andress. Dapat hindi na niya pinatulan. Hindi yung sa akin niya sinisisi kong bakit sila naghiwalay ni andress.

"Penelope, can we talk?" kinabahan akong bigla. Magsisimula na ang opening ng program tapos si joy-ann ay kanina pa masama ang tingin sa akin. Dapat kasi nandoon siya sa upuan niya sa harap at nanunuod. Bakit ba nandito siya sa back stage.

"10 minutes joy. Ayokong mabulilyaso ang sayaw namin. Don't ruin my team joy." seryoso at mapagbantang sabi ni ana. Nasa likod ko pala siya. Tumango si joy-ann. Nawala ang mapaglaro niyang ngiti at napalitan ng kaseryosohan.

Sumunod ako sa kanya. Pumasok kame sa isang classroom na walang tao at malapit sa back stage katabi ang restroom.

She crossed her arms. Matalim niya akong tinignan.

"you think you win?"

"anong sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong

"andress is into you this month. You know his rule bitch" kahit alam ko kong anong sinasabi niya ay hindi ko pinahalata.

"I don't think naiintindihan kita"

"he told you to not fall in love with him. That's his only rule. And you'll fall for him. That's not gonna fail. I'm just giving you advice. Leave hanggang sa kaya mo pang umahon. Don't take his proposition" nagsimulang umahon ang kaba sa aking puso. Is this really true? Ganito niya rin noon hininge ang pakikipagrelasyon sa ibang babae. Kumirot ang puso ko sa posibilidad. Pero huli na joy. Huli na.

"I-I'm sorry. I don't think I get you. Nagkakamali ka-"

"mamahalin mo siya pen. I am telling you this because you're so naïve for me. I am not your kontrabida girl. I am not against you with andress. I hope that it's you. It's you who will tame him. It's you who will change his disposition in life" packing tape naman. Mas lalo akong naguguluhan. Bakit yung mga tingin niya. Anong meron doon?

"joy-" huminga siya ng malalim

"I can't bet you. I always know at kahit ang ibang babae na kagaya kong nakarelasyon ni andress. We can't bet you. Huwag mong hayaang maging kagaya ka namin"

"ang gulo. Paki paliwanag please"

"Don't let him. Don't let him hurt you and take you for granted. Hayaan mong maghabol ang isang Andress De Chavez sa iyo" she smiled. She smile a genuine smile. Tapos tumalikod siya at umalis.

Bumalik ako sa backstage nang wala sa aking sarili.

"ano? Nag-usap na kayo ni joy-ann. Anong sinabi niya?"

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon