Chapter 27

3.8K 81 0
                                    

"she's my mama" si tony ang sumagot.

Ngumiti ako kay Stephen. Kaso nagulat ako ng bigla siyang tumakbo palapit sa akin at humawak sa mukha ko.

"your pretty. Can I hug you?" nagulat man ay wala sa loob akong tumango.

I embrace him. His warmth give me comfort. He looks exactly like my son. Ang pagkakaiba lang ay ang kanilang buhok at mata.

Anthony got his father's eyes while Stephen got his mother's.

Tumikhim ang senyora. Binitawan ko si Stephen. I tap his head. Umalis silang dalawa ni Anthony at naglaro papasok sa loob ng kwarto.

"iha, I wanted to talk to you. Ilang beses akong nagpabalik balik pero hindi kita naaabutan"

naglakad ako at nagmano kay nanay at tatay.

"sa kaibigan ko po ako nagstay, senyora. Masyado pong busy ang schedule ko ngayon. Mas malapit po ang apartment niya sa office"

"ganoon ba?" tumango ako. I don't know what to say. The awkward silence envelope us again.

"I thought iniiwasan mo ako?" pangahas na tanong ni andress.

A knowing smile curve his lips.

Why does he ask me that question all of a sudden. Sumakit na naman tuloy ang ulo ko.

"ay senyora, halina kayo at kumaen. Pen, iha tara dito sa komedor. Kanina pa sila senyorito dito. Mabuti at umuwi ka ngayon"

We ate in silence. Sinusubuan ni nanay si stepen samantalang si tony ay kumaen mag-isa.

He knows how to feed himself. Nagagalit siya pag binibaby at minsan mas matanda pa siyang magsalita kesa kay nanay at tatay.

"is tita ana fine mama?"

"yes, why do you ask?" inabutan ko siya ng kanin at ulam.

"I called her and her voice is raspy like she's been crying all night"

"don't really know anak. Kumaen kana. Don't ask question. I'll ask your tita ana kong may problem ba siya"

"by the way iha. Were here because I want to finalize the wedding invitation. Saka ipakikiusap ko narin sana kong pwedeng isama si Anthony sa wedding entourage"

Kahit hirap ay tinignan ko ang senyora antonina at tinanguan.

Bakit naman hindi ko papayagan si tony na sumali sa kasal ng tatay niya?

Sabi ko nga I need closure. Andress is going to be married kaya pagbibigyan ko ang sarili kong panoorin ang kasal niya hanggang sa tumimo sa isip ko na wala na talaga. Na hindi na talaga kame pwedeng dalawa.

Ngumiti ang senyora

"thank you iha"

Sa buong durasyon ng kainan ay hindi ako tumingin kay andress na alam kong kanina pa akong tinitignan.

Ni hindi niya inaalis ang titig niya sa akin. Nangangatog na nga ang tuhod ko kakaiwas.

Pagkatapos kumaen ay nagpaalam akong magbibihis.

Ayoko narin lumabas ng kuwarto. Mas lalo akong kinakabahan.

Pagkatapos maglinis ng katawan ay lumabas ako ng banyo kipkip ang tuwalya sa aking katawan

"you're really avoiding me babe"

Mas dumiin ang hawak ko sa tuwalya. Nakaupo si andress sa dulo ng aking kama.

His arms crossed. His staring at me intently

"you think you can get away from me huh?" tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"ano bang sinasabi mo jan?" conscious na conscious ako sa itsura ko. Kinuha ko ang nakalatag na t-shirt at pajama sa ibabaw ng kama ko.

"I've been meaning to talk to you. Stop avoiding me" huminga ako ng malalim.

"magbibihis lang ako"

"go ahead, then well talk"

I was cornered. Alam kong wala na akong kawala. Pinapasok ni nanay at tatay si andress sa kwarto ko. to settle our issues? For him to have his happy ever after. Ang saklap talaga ng reyalidad.

Paano naman ako? Luhaan? Durog? Wasak? Umasa?

Ang saklap bes.

"ano bang pag-uusapan naten?" tanong ko paglabas ng banyo pagkatapos magbihis.

I can't stare at his eyes kaya palipat lipat ang tingin ko sa adams apple niya at sa tenga pati sa ulo.

Inikot ko ang mata ko para hindi ko matignan ang mga mata niya.

Nahihipnotismo ako. Juskopo!

Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Nakakasuffocate ang makasama siya sa iisang kwarto.

Kong pwede lang sunggaban nalang agad. Kaso wala e. Mahina. Wala nang kame. Ako lang ang may nararamdaman sa aming dalawa.

"first. I wanted to tell you I don't have an amnesia anymore. That I know you. Matagal na."

Mas lalong kumirot ang puso ko sa katotohanang nanggaling mismo sa kanyang labi.

"but your parents don't want me to tell you na magaling na ako. Nakiusap silang hayaan na lamang ang mga nangyari. That we should both move on. Ganoon din naman ang mangyayari kong hindi ako naaksidente. Iiwan mo ako. Ilalayo mo ang anak ko. I just did gave you your freedom to continue with your life" hindi ko alam pero langkap sa boses ni andress ang pait o baka namali lang ako ng rinig.

Sumisikip ang puso ko habang nagsasalita si andress na parang wala lang ang mga nangyari sa amin noon. Parang nagkekwento lang siya ng isang pelikulang matagal ng napanood. Minus the emotions.

"second. Gusto kong magalit noong malaman kong may anak tayo. But what should I do. Hatred will not give me satisfaction of giving my son the life I wanted him to have. Ayokong manalaytay sa aking sistema ang galit. I choose to forgive simply because I wanted to be a good father to my son. I wanted him to have my surname"

Andress eyes is now pleading.

"inantay ko ang araw na eto na makausap ka ng sarilinan. Magpapadala ako ng abogado. Gusto kong bago ang araw ng aking kasal ay apelyido ko na ang dala ni Anthony"

Tang-inang KASAL yan! Nakakasakit ng puso. Buti ba sana kong tayo andress ang ikakasal! Hayuf!

"third. I wanted us to be friend and be civil with each other for our son. I already give you your freedom pen. I will be a married man soon. I hope na ang pakakasalan mong lalaki balang araw ay tatanggapin si Anthony. I don't want my son hurt. Any possible way. I will make sure to be responsible enough to be his father"

Wala na, wala na talaga akong pag-asa andress. Ni katiting ba na pagmamahal wala ka na talagang natitira para sa akin.

"fourth. Hindi ko kukunin sa poder mo si Anthony. I just want to have some alone time with him. Hihiramin ko sana siya every Saturday at iuuwi ko siya ng Sunday. If its ok with you?"

Halos wala na akong maintindihan sa mga sinasabi ni andress.

All I did is nod my head. Puro tango na lamang ang ginawa ko.

"lastly. Gusto kong umuwi ka gabi gabi. Ayaw kong nakikitulog ka sa ibang bahay. Unahin mo muna si Anthony."

He tap my head tapos ay ginulo niya ang buhok ko.

Tinaas niya ang mukha ko at hinalikan ang gilid ng aking labi.

And that volt of electricity just woke up may vulnerable system.

"thanks, babe. Thankyou for bringing Anthony into this world. I will always owe you my son's life."

And after he said that he left me hanging with the kiss.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon