Chapter 11

3.6K 60 0
                                    

ELEVEN

Kiss

Nangangatog ang tuhod kong pumasok sa sasakyan ni andress. Hindi mapakali ang brain cells ko. Gusto ko nalang yatang tumakbo. Magtago at huwag ng magpakita sa kanina pa nakangising si andress.

Ano bang problema niya at kanina pa siya ngisi ng ngisi.

Si lala naman ay parang kiti kiti na ngiti ng ngiti habang kumakanta ng whoops keri whoops. Kilig na kilig ang bruha. Gustong-gusto ko na sabunutan dahil lamog na ang bewang ko sa kurot niya. Kala niya hindi masakit!

"Yes, right?" nilingon ko si andress. His eyes were hopeful. Kasi naman. Bat ko ba sinabi yun. Malamang aasa na naman ako neto. Nag-iwas nalang ako ng tingin saka siya sinagot.

"tumatanggap ka ba ng sagot na 'NO'?" tumawa siya bigla. Nakiliti ang intestine ko. Masarap pakinggan ang tawa ni andress. Nakakataba sa puso na ako ang dahilan ng pagtawa niya. Saya saya ng manwhore!

"I will have you anyway. Either it's today or tomorrow or any other day" ramdam ko ang kaseryosohan sa kanyang boses. Mga ilang minuto pa ay hindi parin niya pinaaandar ang kanyang kotse

"hindi pa ba tayo uuwi?" nilingon ko siya. Nakatitig pala siya sa akin. Nakasandal ang braso niya sa manibela habang pinaglalaruan ng daliri niya ang kanyang mamula mulang labi. Napalunok ako.

Na conscious bigla. Ngumiti siya ng mapang akit sabay titig sa akin.

"shit!" nabulong kong wala sa sarili. Tumaas ang balahibo ko sa batok. Ang landi landi ni andress. Nilalandi niya ako! Tumikhim ako.

"what?" Asik ko. Hiyang-hiya na kakatitig niya at hindi parin siya umaayos ng upo.

"senyorito. Umuwi na po tayo. Please" malapit na akong maihi. Maihi sa sobrang kilig. Shocks. Alam ko pulang-pula na ang mukha ko.

"pen-" nagtayuan ang balahibo ko sa batok sa nakakapanghibo niyang boses. Packing tape talaga. Malapit na akong bumigay sa panglalandi mo senyorito.

"ano!" asik ko. Nakatingin ako sa kanyang damit. Hindi ko masalubong ang kanyang nanunuot na titig.

"look at me" tang-ina talaga nitong gobilam na to. Pinipilit niya talagang mamatay ako sa kilig. Maihi sa kaba.

"ano ba kasi yun" inangat ko na yung tingin ko at sinamaan siya ng tingin.

He smirk. Tapos hinawakan niya ang mukha ko. Hinaplos ng likod ng kanyang palad.

From the eyes, to the nose, to my lips. Napalunok ako. Nagtagal ang kanyang kamay sa aking labi. Nag evaporate lahat ng salita sa isip ko. Naririnig ko nalang ay ang malakas na tibok ng aking puso.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon