Chapter 34

3.6K 58 5
                                    

THIRTY-FOUR

"I told you, I'll fetch you. Bakit umuwi ka kaagad at di ako inantay?"

"umuulan andress. Paulit-ulit yung sagot ko. Iniiba mo lang yung tanong ganoon parin ang isasagot ko. Pwede ba. Huwag kang magulo." I was busy sorting out his wedding invitation when he barged in my room and telling me that I didn't wait for him yesterday night.

E malay ko bang susunduin niya ako. Ang alam ko lang umuwi siya sa kanila at hindi niya ako hinatid sa opisina kahapon. Syempre ayoko naman mag assume na dahil hinahatid at sinusundo niya ako ng halos mag-iisang linggo ay ganoon na ang gagawin niya halos araw-araw. Ay e di kame na ang magpakasal kong ganoon nga ang mangyayari.

"bakit ba iritado ka. Nung isang gabi pa nangyari yun. Pwede tigilan na ang isyu." Nakakainis to si andress. Parang bata.

He just crossed his arms and stared at me.

"kumaen ka na ba?" umiling lang siya. I don't know what to do with andress anymore. Nagmumukha siyang clingy sa paningin ko. Tumayo ako at inaya si andress na kumaen sa kusina.

"bakit ka ba dito tumitira. Dapat doon kana sa inyo. Akala ko hindi ka na babalik dito?" kunot noo kong tanong. Diba nga umuwi na siya, dapat di na siya bumalik e.

"kong inantay mo ako noong isang gabi. Hindi ka sana naaya ng konsehal na iyon na lumabas kayo bukas. Bakit ba hindi ka marunong mag-antay."

Aba't. Nag-antay ako ng limang tao andress pero anong nangyari? Ikakasal ka na at hindi sa akin? Tang na juice naman oh!

"ang tagal kong nag-antay andress. And tagal tagal" pinandilatan ko siya. Natigil ang pagsusubo niya ng pagkaen at tinitigan ako ng mataman.

Shit! Bakit ba yun ang nasabi ko.

"kaso ikakasal ka na" dagdag kong bulong.

"wag kang bumulong. Lakasan mo ng maintindihan ko kong bakit ka pumayag lumabas kasama ang konsehal na yun!"

Sinamaan ko si andress ng tingin.

"pagkatapos mong kumaen ay iwan mo sa lababo ang plato at matulog kana." tumayo na ako. Walang patutunguhan ang pag-uusap namin. Paulit-ulit ang isyu.

E ano ba kong makipagdate ako. Ikakasal na siya kaya dapat pabayaan niya akong gawin kong ano ang gusto kong gawin.

Ang gulo din neto ni andress. Ano ako? pag-aari niya! Kapal ng mukha!

"can you date me instead?" Bulong pero rinig ko. Halos nga ayaw lumabas sa bibig ni andress ang mga kataga and I was caught off-guard. Halos matumba ang upuang nahawakan ko dahil sa biglaang tanong ni andress. Hindi pa man ako nakakalayo ay ramdam ko na ang mabibigat niyang titig sa akin.

Umangat ang mukha ko sa kanyang seryosong mukha.

"w-what-"

"can you postpone your date with the councilor. Date me for three days. I'm running out of time babe. My wedding is next Sunday. I can't be with you on that day and for the upcoming days of my life."

Hindi ko alam kong anong balak ni andress. Nasasaktan ako sa sinasabi niya ngayon. Pakiramdam ko tinutusok ng karayom ang aking puso. Halos ramdam ko ang pamamanhid ng aking mukha at ang unti-unting pag-usbong ng luha sa aking mga mata. Pigil pigil ko ang aking hininga. Ano pang silbi andress? Anong pang silbi ng tatlong araw? Bakit kasi hindi ako, kame ni anthony ang piliin mo?

"please babe. Just three days. I just wanted to be with you for the last time" he looks pleading. I don't know why but I felt it. I felt his desperation. Like his pleading me. Like his happiness depends on what decision I may gave him.

Huminga ako ng malalim at nagsalin ng tubig sa baso. Pilit kong tinatagan ang aking sarili kahit talong-talo na ako.

If andress wanted his closure. I should give it to him. For the last time. I will do something worth doing. For the sake of my happiness.

I will give andress his freedom. I will let myself free from this scared love I have for this bad boy personified.

Baradong lalamunan at nag-iinit ang sulok ng matang tumango ako nang hindi makatingin kay andress at nagmadaling pumasok sa aking kwarto

Pagkalapat ng pinto ay napadausdos ako at impit na napaiyak.

Wala na. Wala nang pag-asa. Kasi dapat ako nalang ang piliin niya. Kame na lang ni tony dapat.

"a-ang s-sakit" hikbi ko. Tuloy-tuloy ang agos ng aking luha.

Gumapang ako sa gilid ng kama. Tinalungko ang sarili at niyakap ang aking tuhod.

Umiiyak ako sa sobrang sakit na nararamdaman

Hindi ko alam kong ilang minuto na akong umiiyak basta naramdaman ko na lamang ang pagyakap ni nanay at ang pag-alo ni tatay

"a-ang sakit sakit nanay" hikbi kong niyakap pabalik si nanay

"narinig namin ang pag-uusap ninyo ng senyorito. Kahit anong desisyon mo anak. Nandirito kame ng tatay mo. Mahal na mahal namin kayo ni tony." pinupunasan ni nanay ang luhang tuloy tuloy sa pag-agos

"ang s-sikip ng dibdib ko nanay"

"kailangan ko na bang magmura lagring. P---ng i-a! Gusto mo anak kulamin naten ang pamilya ni sir andress."

"ano ka ba. Tumigil ka na jan tay. Hindi bagay ang magmura. Nagdesisyon na ang senyorito. Kong ano man ang kahihinatnan ay kayong dalawa lamang ang makakaayos. Sa tatlong araw na hininge ng senyorito. Pilitin mong gawin ang lahat upang manumbalik ang dating pagmamahal niya sayo. Kong wala na talaga ay tanggapin naten na baka nga anak. Mayroon pang nakalaang ibang magpapasaya sa iyo. Minsan anak nasasaktan tayo ng taong mahal naten hindi dahil hindi na nila tayo mahal. May mga prayoridad lang talaga sa buhay ang dapat inuuna. Magtiwala ka anak. Nalampasan mo na eto noon. Mas higit mong malalampasan ang sakit ngayon."

"pero nanay. Sobra sobrang sakit naman ang n-nararamdaman ko. Umasa ako eii. Umasa ako."

Panay hagod ni tatay sa aking likod

"oo nga lagring. Nag antay yang anak naten. Nag-antay. Ako din lagring nag-antay tapos wala palang happy eber after. Wala talagang por-eber."

Natigil ang pagsinghot ko sa damit ni nanay at napaangat ang tingin kay tatay

Lumuluha si tatay. Panay ang punas niya ng luha sa kanyang damit at singa.

Napangiti ako nang ngitian ako ni tatay.

Naiiyak ako kasi mula noon at hanggang ngayon hindi nila ako iniiwan. Patuloy nila akong inuunawa

Lumuluha kong niyakap ang dalawang taong sobrang maunawain. Ang nanay at tatay na mahal na mahal ko.

Naglubag ang puso ko. Hindi dapat ganito. Hindi dapat umiiyak ang nanay at tatay

Pasasayahin ko sila.

Naiyak na naman ako.

Hinayaan lang nila ako. Sinamahan. Hanggang sa makatulog ako. Sa isip ay pipilitin ko ulit bumangon at maging masaya. Para kay nanay at tatay.

Saka ko lang naalalang tawagan si konsehal marben para e postpone ang date namin.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon