Chapter 17

3.6K 71 2
                                    

SEVENTEEN

"Ayos nga lang la" tinawag ko na ang waiter. Wala yatang balak mag order ang mga kasama ko sa table.

Lala is sulking and staring at me na para bang may ginawa siyang malaking kasalanan sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"stop staring la. Mamaya isipin ko natotomboy kana sa akin. Tigilan mo ang pagtitig. Nagugutom na ako. Guys let's order"

Binigay ko ang order ko. Hinayaan kong mag-order ang mga kasama ko.

Kinuha ko ang celfone sa bag at nagtext ako sa anak ko

To: Tony

Ano nga ulit yung pinapabili mo sa national bookstore langga?

From: Tony

Colors ma. Clays and drawing books. I told you to memorize it. Nakalimutan mo na naman.

Natawa ako. Don't know why tony is so strict. Mabuti nga at nagreply pa sa text ko. Ayaw na ayaw niya ang magtext at sumagot sa tawag ko. May araw naman na malambing siya. May araw na moody, bossy at strikto. He was like his dad. Kaugali talaga ni andress. Manang-mana.

Tahimik sa mesa namin pag-angat ko ng tingin. Nakatitig si ana kay clark at claire. Si lala ay nakapangalumbabang nakatingin sa akin. Her expression is weird.

"anong problema mo la?" huminga siya ng malalim. Ma iistress pa tuloy si buntis

"kasi may kasalanan ako sayo pen" tumaas ang kilay ko. Uminom ako ng juice.

"sinabi ko kay andress na may asawa ka na" tapos tinignan niya si clark at nginuso. Naningkit ang mata ko. Natawa si ana sa gilid ko. Napailing ako. Hindi ko narin tuloy mapigilang tumawa.

"bakit naaalala niya na ba ako?" kasi bakit sasabihin ni lala kay andress na may asawa na ako diba? kumunot ang noo ni lala.

"may amnesia ba si andress? Ang alam ko wala naman. Hindi ko nga alam ba't kayo naghiwalay nun eii. Nagulat nalang ako na wala na kayo." kumalabog ng mabilis ang puso ko. Packing tape!

"hmmn. I ask them kong pwede bang lumipat tayo sa VVIP. They're waiting for us. Doon ko narin pina serve ang foods naten" nakangiti na ngayon si lala. Tumayo siya at kahit nagtataka ay nagsitayuan narin kame.

"okay. Pero akala ko ba may naka schedule na for VVIP?"

Hindi na ako sinagot ni lala. Salubong ang kilay ni ana habang nakanguso.

"I have a bad feeling about this" bulong ni ana.

Mga tawanan ng kalalakihan ang naririnig pagpasok namin sa VVIP.

"hi hon. Dito na kame ha" napamata ako at natulos sa aking kinatatayuan ganun din si ana.

The men in the room ay ang mga lalaking iniwasan ko ring makita sa nakalipas na limang taon. Nagpapaalala sila sa akin na minsan sa buhay ko ay nagmahal ako ng isang lalaking imposible kong maabot.

Pluto Sandejas, Aj Montemayor, Fedil Acuesta, Rex Elizalde and no other than William Andress De Chavez.

My heart beats faster than usual. Those times when I see him. Those times when he is near me.

Napalunok ako. Humupa ang tawanan ng grupo. They were all eyeing us. Nakasalubong ko pa ang nanunuot na titig ni andress sa akin. Packing tape! I don't know why lala is doing this.

"I told you pen. Something is fishy. Act natural. Tang-i** ni rex. Ang sarap bangasan ng mukha. Sege titingin pa yan sa akin" Napakurap ako. Hinawakan ko ang siko ni ana at iginiya sa mesa. Ngayon ay katapat na namin ang limang lalaki. Tumabi si lala sa asawa niya.

"hmmn. Oo nga pala. I want you all to meet clark and his finacee claire." umikot ang mata ko. Anong pinaplano ni lala? Ang laki ng ngisi ng bruha. Just like those old times. Para siyang teenager ngayon na ngiti ng ngiti. Kanina sorry siya ng sorry sa akin. Biglang tumahimik ang mga lalaki at tumingin kay clark. Silence envelope the room. Ang awkward tuloy. Dapat di na kame lumipat e.

Kinuha ko ang baso at nilagyan ng wine at tuloy-tuloy etong ininom.

"let's party later" bulong ko kay ana. She smirk. Nakita ko pang pinandilatan niya sa rex. Tinignan ko si andress at kunot noo siyang nakatitig ngayon kay clark. Tapos bigla siyang lumingon sa akin. Nag-iwas tuloy ako ng tingin. Nakakagago siya! He knows me. Wala talaga siyang amnesia!

"sure. Dalawa lang tayo. Okay"

Nag-usap usap na ang mga lalaki. But all the conversation was hosted by pluto. Lala's enthusiastic. Konti lang ang nakaen ko dahil nawalan ako ng gana. Dapat talaga hindi na ako pumayag na lumipat kame sa VVIP. Paulit-ulit penelope! Mas kumukirot ang puso ko, thinking that andress is going to tie the knot and that he deceive me.

Hindi ko na tinitignan si andress. His cold stare was now gone. Noong pumunta ako sa office niya ay ni hindi niya man lang ako halos matignan kahit nga sa mansiyon nila. Tapos ngayon dito sa lala's ganyan siya makatingin. Nababadtrip ako. Idagdag pa that he acts like he doesn't know me and now that i learned the truth ay di ko maiwasang masaktan. Naninikip ang dibdib kong punong-puno ng kirot.

"so pen. How are you?" si Pluto.

"Fine" matipid kong sagot

"pen-" nilingon ko si ana. Namumula na ang mukha niya.

"we thought you're already married, penny" naangat ang tingin ko ky aj. His eyeing me with curiosity. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at clark. Napabuntunghininga ako

"I'm not yet married"

Kumuha ulit ako ng panibagong wine. Nagagaya na ako kay ana.

"pen. Let's get out of here" I don't know why. But I've got this so much urge na sundin ang gusto ni ana. Kong pwede lang magdissolve. Andress didn't even leave his eyes in me. Kanina pa ako nanginginig sa binibigay niyang titig sa akin. Pwede naman kasi kumurap pero hindi niya magawa kaya tuloy naiilang akong salubungin ang titig niya.

"Stairway?" curious kong tanong.

Ang stairway ay ang paboritong hang out bar ni ana.

First birthday ni Anthony nag-aya si ana mag bar, iniwan namin si tony kay nanay at tatay. Sa stairway kame pumunta. Kasama namin noon ang binata pang si clark. Hinayaan kame ni clark na maglasing hanggang sa makatulog kame. Ana and I were wasted but we enjoyed. Minsan lang nangyayari ang mga pagkakataong kailangan naming lunurin ang mga sarili namin sa alak at magsayaw ng walang inhibisyon.

"yea" tumango nalang ako. Kahit naiilang sa kanina pa titig ng titig na si Andress De Chavez ay hindi ko pinahalatang affected ako. Why is he staring at me? Naaalala niya na ba talaga ako? O baka hindi naman talaga siya nagka amnesia? The fuck with his lies!

Nagsalin ulit ako ng wine. Halos mapapikit ako sa hilo na nararamdaman ko

"that's your last shot, babe" nanginig ako sa boses ni andress. Kumurap ako at nakasalubong ko ang kanyang nagbabagang tingin. Lapat ang labi niya. Palipat lipat ang tingin ng mga kasama namin sa aming dalawa ni andress.

"Damn!" Si Fedil

"Tough Luck, Next Time bro" si Aj na nakangisi at umiiling iling

"walang forever" si rex na nakangiti habang nilalagok ang wine niyang nakatitig kay ana.

"fuck you ka elizalde!" si anang gigil na gigil. Imbes na mag-alala ay natawa ako sa itsura ni ana.

Nagtawanan din ang ibang kasama namin sa mesa

"goodluck, bro!" cheer nilang lahat ky rex

Umismid ako. Umirap si ana.

A Love worth waiting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon