Nang makalabas ako sa kwarto ko ay bumaba na ako papunta sa kusina. Plano kong magluto ng almusal namin. Sana lang ay hindi pa nakakapaghanda ang mga katulong namin.
Pagkadating ko doon ay naabutan kong nagluluto si Kristoff. Katulong nya naman sa pagluluto si Nanay Fe. Nang mapansin ako ni Kristoff ay ningitian nya ako at pinaupo ako sa stool. Hintayin ko na labg daw na maluto ang almusal kung nagugutom na ako.
Nang matapos sila ay saglit na umalis sa kusina si Nanay Fe upang gisingin ang mga dapat gisingin upang makakain na kami. Isa sa rule dito sa mansyon namin ay ang pagsasabay-sabay sa pagkain lalo na ang agahan.
Humarap sa akin si Kristoff at kinunutan ako ng noo. Nakasimangot akong humarap sa kanya. "Ang daya naman! Ako dapat magluluto ng almusal eh. Inunahan mo na naman ako." Pagrereklamo ko sa kanya.
Tinawanan nya naman ako bago sya nagsalita, "Kelan kita pinagluto, aking reyna? Nararapat lang na pagsilbihan kita."
"Ewan ko sayo!" Sabi ko sa kanya at tinarayan ko sya. Tumawa lang sya saka ginulo ang nakaayos kong buhok.
Hinanda naman na namin ang hapag para makakain na kami. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang pamilya ko rito sa kusina. Gaya ng nakagawian ay sabay-sabay kaming kumain. Paminsan-minsan ay nagkukwentuhan kami.
"Sya nga pala my queen, muntik ko nang makalimutan. Maaari na kayong pumasok bukas sa university. Yun ay kung gusto nyong ipagpatuloy ang pag-aaral ninyo. At kung papayag kayo ay magha-hire ako ng body guards na magiging kasama nyo kahit saan kayo pumunta." Mahabang litanya ni mommy.
Bakit feeling ko ay grounded ako? Sa katunayan ay ito ang pangalawang beses na bibigyan nya ako ng body guards. Ang unang beses ay yung bata pa ako at wala pa ako sa puder ng tatay ko, si Mr. Reyes.
"Okay po mommy. Payag po ako na may body guards kami. I understand po. Thank you mommy." Sabi ko sa kanya at ningitian nya naman ako.
Ang sabi nila ay 'Mother knows best', kaya sa tingin ko ay makakabuti ang naging desisyon ng aking ina. Mabuti na rin na may bantay kami lalo na't papasok na kami sa university bukas.
Pagkatapos naming mag-agahan ay napagdesisyunan namin ng mga kaibigan ko na bumalik sa mga kwarto namin at ayusin ang mga gamit namin sa school. Mula nang mangyari ang ginawa sa akin ni Steffi hanggang ngayon ay hindi ko pa nagagalaw ang bag ko na ginagamit ko kapag papasok ako.
Nang tingnan ko ito ay may nakita akong white rose sa loob. Nalanta na sya kaya sigurado akong matagal na ito dito. Sa stem ng rosas ay may nakaikot na papel. Tinaggal ko ito at binasa ang nakasulat sa papel.
"I'm sorry Macey. Alam kong matagal na simula nang mangyari ang lahat. Pasensya na kung ngayon lang ako hihingi ng tawad sayo. Again, I'm sorry. -Nicolli" Pagbasa ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Oo nga matagal na, anim na taon na ang nakalipas. Anim na taon na pero nandito pa rin ang sakit. Hindi sya nawala. Sa kabila ng ginawa ko noon ay hindi nawala ang sakit.
Kailan ba dapat magpatawad? Kapag ba nawala na ang sakit? Kapag ba nalimutan mo na kung anong nangyari?
Nagulat ako ng may umagaw sa papel na hawak ko. Tinignan ko sya at nalaman kong si Kristoff pala. Matapos nyang basahin ang nakasulat sa papel ay binalik nya iyon sa akin saka nya ako tinignan.
"My queen is in pain again." Sabi nya at niyakap nya ako nang mahigpit. "Magiging maayos din ang lahat. Hmm?" Sabi nya pa.
"Salamat Kristoff." Sabi ko sa kanya.
"You're always welcome Queen." Wika nya habang nakangiti nang malaki. "Nga pala, pumunta ako dito kasi may naghahanap sayo sa ibaba. Isang babae at dalawang lalaki. Hindi ko naitanong kung anong pangalan nila. Basta ang sabi ni Nanay Fe ay kilala mo sila."
Sino naman kaya yung mga yun? Wala naman akong inaasahang bisita ngayong araw. Sabay kaming lumabas ni Kristoff sa kwarto ko at bumaba para makilala kung sino ang mga bisita ko.
Nang makita ko sila at makilala ay nag-uunahan na ang mga luha ko sa pagtulo. Hindi ko inaasahan na pupunta sila dito at bibisitahin ako.
"Ate Macey!"
"Macey!"Pagtawag nila sa akin saka sila tumakbo palapit sa pwesto ko at niyakap ako nang mahigpit. Ginantihan ko rin ang mga yakap nila.
Kumalas ako sa yakap at hinarap ko sila. "Kamusta?" Tanong ko pa.
"Kami dapat ang nagtatanong sayo nyan, ate Macey. Kamusta ka na?" Tanong ni Skyleigh.
"Kamusta ka na, ate Macey? Hindi na ba masakit ang sugat mo? Umiiyak ka pa rin ba tuwing gabi?" Tanong naman ni Dylan.
"Haay.. Grabe talaga silang dalawa. Macey alam mo bang nung nalaman nilang pupunta ako dito sa inyo ay kinulit ako ng dalawang batang iyan. Gusto din daw nilang bisitahin ka." Sabi naman ni Jessica.
Ngumiti lamang ako sa kanila. Na-miss ko silang tatlo. Noon, sila lang ang mga totoo kong kaibigan. Ngayon marami na sila.
"Magngingitian lang ba tayo dito?" Naiinis na tanong ni Sky.
Tumawa naman ako bago ko ginulo ang nakaayos nya buhok. "Hindi ka pa rin nagbabago kaya naiinis sayo si Louiz eh." Pagkarinig nya sa pangalan ng kaibigan ko ay sumimangot sya.
"Tara, doon tayo sa kusina." Pag-aaya ko sa kanila.
"Anong gagawin natin doon? Naku Macey nag-agahan na kami." Pag-angal ni Jessica.
"Syempre gagawan nyo ako ng cake no! Na-miss ko ang mga ginagawa nyong cake." Pagpapa-cute ko. Haha.
"Sige na nga." Pagsuko ni Dylan.
Pagkaluto nila ng cake ay agad ko itong kinain. Ang sarap talaga nilang mag-bake! Pang-professional eh. Habang kumakain ako ay napansin ko ang pagtitig nilang tatlo sa akin.
"Problema nyo?" Tanong ko sa kanila.
Tumikhim naman si Jessica bago nagsalita, "Bakit hindi mo sinabi Macey?" Tanong nya.
"Anong hindi ko sinabi? Alin?" Tanong ko din sa kanya. Tumayo ako at kumuha ng tubig sa ref. Habang umiinom ay naglakad ako pabalik sa pwesto ko kanina.
"Bakit hindi mo sinabi kung anong nagyari sayo?" Tanong ni Jessica.
###
BINABASA MO ANG
Change of Hearts (Completed)
Teen FictionBook 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to do with her life until she decided to change her heart. A heart that was belong to someone else. A heart that loved someone dearly. A heart...