QUEEN'S POV:
Nang makarating kami sa Pure Heart House of Fashion ay agad akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Kanina pa ako tanong nang tanong kay Kristoff kung anong meron at kung anong gagawin namin dito. Hindi naman sumasagot ang loko.
Papasok sa kumpanya ay nagpahuli ako. Nasa bandang likuran ko naman ang lima kong bodyguards. Nang mapansin ni Kristoff na nahuli ako ay huminto sya sa paglakad at hinintay ako. At dahil naiinis ako sa kanya ay ginaya ko ang ginawa nya. Napabuga naman sya ng hangin bago tinakbo ang distansya namin.
"Anong problema ng reyna ko?" Nakangiting tanong nya sa akin. Lalo naman akong sumimangot. Napatawa naman sya dahil sa naging reaksyon ko.
Ginulo nya ang buhok ko bago sya nagsalita, "Mukhang nakalimutan mo na. Di bale malalaman mo rin naman mamaya kaya chill ka lang." Sabi nya bago nya hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Wala akong nagawa kundi ang magpahatak sa kanya dahil sobrang higpit ng pagkakawak nya sa kanang kamay ko.
Nang makapasok kami sa conference room ay naagaw namin ang atensyon ng lahat ng mga tao roon. Nandoon ang lahat ng mga shareholder ng kumpanya pati na rin ang acting-CEO.
Nakatingin naman ang mga kaibigan ko sa magkahawak naming kamay ni Kristoff. Nang mapansin ko iyon ay pilit akong bumibitaw ngunit mas hinihigpitan ng loko ang pagkakahawak nya sa kamay ko sabay patay malisya.
Binignan naman nila akong apat ng kakaibang tingin. Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Napatawa naman sila. Bakit ba pinagtatawanan ako ng mga tao ngayong araw? Kanina ay si Kristoff, ngayon naman ang mga kaibigan ko.
"Queen wag kang mag-blush. Nakakahalata na kami ah." Pang-aasar ni Louiz. Aba! Paalasar talaga!
"Hindi ako nagba-blush! Sadyang mapula ang mga pisngi ko!" Pagtanggi ko naman.
"Oo na lang, Queen. Kunyari naniniwala na kami." Sabi naman ni Venice. Nag-apir pa sila ni Louiz. Mga loko talaga.
"Huwag nga kayo! Lalong nagba-blush ang reyna ko." Rinig kong sinabi ni Kristoff. Nakisali pa talaga sya.
Tinignan ko sya nang masama bago binitawan ang kamay nya sabay upo sa silya ko. Sumunod naman sya sa akin at umupo sa katabi kong silya. Hindi ko na lang sya pinansin kahit na ilang beses nya akong kinakalabit.
"Let's get started. Anong meron bakit tayo nandito?" Tanong ko sa mga shareholder ko. Totally ignoring Kristoff.
"Ahm. Queen, we are here to plan the company's upcoming anniversary. It will be on December 25th." Sabi ng aking acting-CEO.
Nang dahil sa sinabi nya ay binatukan ko ang sarili ko. Hinawakan naman ni Kristoff ang ulo ko at hinaplos ang parteng binatukan ko.
Makakalimutin na ako! Bakit ko nakalimutan ang anniversary ng kumpanya ko? Nakakaloka ka Queen Macey!
"Actually Queen, dapat ay last month pa tayo magpaplano tungkol dito. May nangyari lang kaya hindi natuloy." Sabi ng isang shareholder.
Ang pagpaplano ng anibersaryo ng kumpanya ay karaniwang ginawa tuwing nobyembre. Isang buwan dahil may kailangan din kaming gawin tuwing desyembre at iyon ay ang anibersaryo ng Fallen Angels. At ngayon nga ay nagkasabay silang dalawa.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko upang humingi ng tulong. Lahat sila ay mukhang malalalim ang iniisip. Siguro ay namomoblema rin sila. Tumingin naman ako kay Kristoff nang kalabitin nya ako.
"I'll help Queen. Remember, I'm your co-founder." Nang dahil sa sinabi nya ay ngumiti ako at niyakap sya.
Sumipol naman sina Louiz at Venice kaya humiwalay na ako kay Kristoff. Narinig ko naman ang hagikgikan nila.
"What's your plan then?" Tanong ko sa lalaking titig na titig sa akin. I asked him why pero ningitian nya lang ako. Baliw..
"Well, I am planning to celebrate it with investors, employees and your fans. Yes, we'll invite black angels there. It will be great so that they'll know that you're already fine, Queen. We will also have mini concert for them." Suhestyon nya at tinignan naman nya kaming lahat na para bang kinukumbinsi kami na pumayag sa gusto nyang mangyari.
"But Kristoff, its also our group's anniversary. Tsaka, may concert kami from December 20 up to new year. We can't make it." Sabi ni Kristen.
"About that, nakausap ko na ang boss nyo at pumayag syang ma-move ang concert nyo. And sa Korea na lang gaganapin iyon from 10-20 of December. He agreed on my plan." Sagot ni Kristoff.
"So you mean on Christmas, ang selebrasyon ng anibersaryo ng kumpanya ay parang magiging anibersaryo na rin ng grupo namin dahil nandoon din ang fans?" Tanong ni Louiz at tumango naman si Kristoff.
"Okay, I agree. Para na rin malaman ng Filipino fans na ayos na ako, para hindi na sila mag-alala pa." Sabi ko sa kanila.
Nang sinabi ko iyon ay sinimulan na namin ang pagplano ng iba pang detalye katulad ng invitations, venue, foods, security at kung ano-ano pa.
Alas-otso na ng gabi nang makauwi kami galing kumpanya. Naunahan pa kami ni mommy na makauwi sa mansyon. Nang makauwi ay kanya-kanya kaming pasok sa mga kwarto namin upang mag-half bath bago maghapunan.
Pababa na ako sa hagdan nang makasabay ko si Kristoff. Nang makita nya ako ay ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko. Hinayaan ko na lang sya. Besides, sanay na ako sa mga simple gestures nya.
Malapit na kami sa kusina nang magpasalamat ako sa kanya dahil sa ginawa nyang plano para sa anibersaryo ng kumpanya, na dapat ako ang gumawa.
Ginulo nya ang buhok ko bago nagsalita, "Wala yun, my queen. Dapat nga noon ko pa ginawa yun hindi yung palagi kong inaasa sayo ang tungkol doon."
Ngumisi naman ako. Co-founder ko sya at isa rin sya sa may-ari ng Pure Heart House of Fashion pero tuwing anibersaryo ay ako lang ang nagpaplano. Kapag celebration day na ay doon lang sya magpapakita sa akin.
"Queen, Kristoff kumain na tayo." Pag-aaya sa amin ni butler John nang makita kaming papasok na ng kusina.
Gaya ng nakagawian ay nagkwentuhan kami ng pamilya ko. Tawanan lang ang nangyari dahil sa mga kalokohang kinukwento ni Louiz at Venice. Hanggang sa napunta ang usapan kay Steffi at sa ginawa nya sa akin.
"Tita Angela, tanong ko lang po. Bakit po hindi na-kick out si Steffi at ang mga kaibigan nya? I mean, dapat lang pong makick out sila dahil sa ginawa nila kay Queen." Tanong ni Dhepriz.
"Or makulong!" Sabi naman ni Louiz.
Bumuntong-hininga si mommy bago nya sinagot ang tanong ng kaibigan ko. "Alam nyo ladies, humingi sya ng tawad sa akin nung hindi pa nagigising ang anak ko. Pinagsisisihan na nya ang maling ginawa nya. Nakausap ko na rin ang mga magulang nya. Nakiusap sila na huwag nang kasuhan pa ang anak nila. Nagmakaawa naman sa akin ang ama nya na huwag i-kick out si Steffi dahil nais nya ito makapagtapos ng pag-aaral. Ilang buwan na rin naman ay ga-graduate na kayo." Sagot ng aking ina.
"Kaya po pumayag kayo? Hindi nyo po ba paparusahan si Steffi dahil sa pananakit nya kay Queen?" Tanong ni Venice.
"Community service. Yan ang parusa sa kanila, Venice. Tatagal iyon hanggang sa maka-graduate kayo. Hindi rin sila pwedeng makalapit sa inyo, ganoon din ang grupo ni Nicolli." Sagot ni mommy.
"Hindi po ba sila hihingi ng tawad kay Queen?" Tanong ni Kristoff. "Marami na po silang nagawang mali kay Queen, ni isa doon ay hindi man lang nila hiningan ng tawad." Sabi nya pa.
Hindi nakapagsalita si mommy dahil sa tinuran ni Kristoff. Maging ako ay hindi makapagsalita.
Paghingi ng tawad. Kailan ba dapat humingi ng tawad? Kapag ba nagsisi na ang taong may kasalanan? Kapag ba nais lang ng ibang tao na humingi sya tawad kahit hindi bukal sa loob nya?
"Hindi kailangang pilitin ang tao na humingi ng tawad. Hayaan nating magkusa sila." Imbes na si mommy ang sumagot ay si nanay Fe ang nagsalita.
###
BINABASA MO ANG
Change of Hearts (Completed)
Novela JuvenilBook 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to do with her life until she decided to change her heart. A heart that was belong to someone else. A heart that loved someone dearly. A heart...