Pagpasok ko sa comfort room ay nakita kong naghuhugas ng mga kamay si Macey. Nang makita nya ang repleksyon ko sa salamin na nasa harap nya ay halatang nagulat sya. Nanlaki ang kanyang mga mata at nanginginig ang kanyang katawan.
Lalapitan ko sana sya ngunit sinigawan nya ako. Pati ang kanyang boses ay nanginginig din. Inaamin kong nasaktan ako sa reaksyon nya ngunit gusto ko talaga syang makausap nang maayos.
Muli akong lumapit sa kanya. "Sshhh. Hindi kita sasaktan, Macey. Gusto lang kitang makausap." Pakikiusap ko sa kanya ngunit itinataboy nya ako.
"Huwag kang lumapit sabi!" Sigaw nya sa akin habang unti-unting umaatras palayo sa akin.
Kitang-kita ko kung paano sya matakot sa akin. Patuloy ang kanyang pag-atras habang umiiyak at nanginginig sa takot. Nang maramdaman nyang wala na syang maatrasan ay unti-unti syang napaupo sa sahig habang hawak-hawak ang magkabila nyang tainga.
"Macey.." Pagtawag ko sa kanya ngunit parang hindi nya ako naririnig.
"Ahhh! Tama na! Tama na!" Sigaw nya na syang nagpakaba sa akin. Alam kong may hindi magandang nangyayari kay Macey at hindi ko rin alam kung anong gagawin ko para matulungan sya.
"Kristoff.. Kristoff.." Pagbanggit nya sa isang pangalan na hindi ako pamilyar.
Maya-maya ay nakita kong bumukas ang pinto ng comfort room at ang pagpasok ng isang pamilyar na lalaki.
"Queen?" Pagtawag nya kay Macey at nang makita ito ay kitang-kita kung paano ito mag-aalala. Nang makita naman nya ako ay napalitan ito ng galit. Lumapit sya sa akin at kinuwelyuhan.
"Anong ginawa mo?!" Nanggigigil na tanong nya sa akin.
"Gusto ko lang syang makausap." Mahinahong pagsagot ko sa kanya.
May nais pa syang sabihin sa akin pero hindi na natuloy dahil sa pagsigaw ni Macey. Agad nya akong binitawan at nagmamadaling lumapit dito.
"Aking reyna.." Narinig kong sinabi nya kay Macey. Hinawakan nya ang dalawang kamay nito at inialis sa magkabilang tainga. Agad naman syang niyakap ni Macey nang makita sya nito.
Siguro sya ang taong tinawag na Kristoff ni Macey kanina. Sino ba sya? Nakakainggit. Sya ay kayang-kaya nyang lapitan si Macey at pakalmahin samantalang ako ay hindi ko magawa. Lalapit pa lang ako ay nilalayuan na agad ako.
Nakita kong binuhat ni Kristoff si Macey bago naglakad palabas ng comfort room. Samantala, si Macey naman ay hindi na ako nagawang tignan at mas piniling isubsob ang mukha nya sa dibdib ni Kristoff.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Galit sa sarili? Galit kay Macey? Galit sa lalaking iniligtas sya mula sa akin? O selos?
Naglakad ako palapit sa sink at naghilamos ng mukha. Nagbabakasakali akong nawala ang mga nasa isip ko. Alam kong mali na sisihin ko si Macey kung naging ganoon ang reaksyon nya nang makita ako. Alam kong may mali rin ako. Mali ako ng timing.
Siguro ay kailangan kong hintayin ang oras na mapatawad na ako ni Macey at mawala na ang sakit na naramdaman nya bago ko sya lapitan. Nang sa gayon ay hindi na sya matakot pa kapag lalapitan ko sya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpasya na akong lumabas sa comfort room at bumalik kung nasaan ang mga kaibigan ko. Bago ako lumapit sa kanila ay huminga muna ako nang malalim at inaayos ko ang sarili ko. Mahirap na at baka makahalata sila.
"Boss bakit ang tagal mo?" Tanong sa akin ni Tristan nang tuluyan na akong nakalapit sa kanila.
"Siguro ay tinawag ka ng kalikasan no?" Pang-iinis sa akin ni Zimmer. Its nice to see him back to himself. Hindi ako sanay na sa inasal nya kanina. Hindi sya iyon eh.
"Bahala kayo kung anong gusto nyong isipin." Sabi ko na lang bago ako umiwas ng tingin sa kanila. Humarap na lang ako sa stage kung saan nakita kong paakyat si Kirsten.
Tumahimik na rin at hindi na nangulit ang mga kaibigan ko nang magsalita ang babaeng nasa harap.
"Good evening ladies and gentlemen. How are you feeling? Are you guys still having fun?" Pagtanong nya sa mga bisita.
"I hope you're still having fun. Anyways, I am going to sing a song for those persons who were left behind. For those persons who finally found out that their love for that special someone did not last. And for those who finally realize that its over now." Huling sinabi ni Kirsten bago nagsimulang tumugtog ang awiting kanyang kakantahin.
"You, you turned and walked away.
I didn't know what to say.
I closed my eyes to hide the pain I felt inside.
I could never understand
How love went out of hand and now there's nothing I can do."
Pagsimula ni Kirsten sa pagkanta habang nakapikit na para bang may naaalala sya.
"Though the feeling hasn't passed
Sad to say our love didn't last
Please don't ask me to pretend
Cause I know its over..When I'm done forgetting you
You can say what you wanted to
Please don't asked me to pretend
Cause I know its over now.."Nang kinanta nya ang chorus ay nakatingin sya sa isang direksyon kung nasaan ang kaibigan kong si Tristan. Samantala, hindi naman nawala sa paningin ko ang mga luhang pumatak galing sa mga mata ni Tristan. Hindi nya lang pinapahata ngunit alam kong umiiyak sya nang tahimik.
"Now I'm left here all alone
A heart without a home
How will I ever find the love I left behind
Once, the days were ours to share
Now you don't even care and there's still nothing I can do.."
Habang kinakanta ito ni Kirsten ay humarap na sya sa mga bisita at pilit na ngumiti. Muli syang pumikit nang kantahin nya ng dalawang beses ang chorus. Nang dumugtog ang instrumental part ay pasimple nyang pinunasan ang dalawang pisngi saka ngumiti sa mga bisita.
"Though the feeling hasn't passed
Sad to say our love didn't last
Please don't ask me to pretend
Cause I know its over..When I'm done forgetting you
You can say what you wanted to
Please don't asked me to pretend
Cause I know its over now.."Pagkanta nyang muli ng chorus ay pumikit sya na tila damang-dama nya ang mensahe ng kanta. Pagkatapos nyang umawit ay nagpasalamat sya sa lahat at nag-bow.
Tinignan ko ang kaibigan kong si Tristan na pasimpleng pinunasan ang dalawang pisngi. Mukhang nahalata nyang nakatingin ako sa kanya kaya naman tinignan nya rin ako.
"Ano yun boss?" Tanong nya sa akin dahilan ng pagtingin sa amin ng iba pa naming kaibigan.
"Tristan sya ba? Si Kirsten ba ang ina ni Mary Ann?" Mahinang tanong ko sa kanya dahil baka may makarinig ngunit kahit na mahina ang boses ko ay sinigurado kong seryoso ang tono nito.
"Tristan sya ba?" Muli kong tanong sa kanya nang hindi sya sumagot.
###
BINABASA MO ANG
Change of Hearts (Completed)
Novela JuvenilBook 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to do with her life until she decided to change her heart. A heart that was belong to someone else. A heart that loved someone dearly. A heart...