Chapter 27: Never should have let you go

180 3 0
                                    

HIS POV:

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin nang pumunta ako sa garden. Naisip kong kailangan kong ipahinga ang utak ko mula sa mga nalaman ko tungkol sa tunay kong pamilya. Idagdag pa sa mga iniisip ko ay ang gusot sa pagitan nila Nicole at Steffi.

Mula nang lumabas sa ospital ang kapatid kong si Nicole ay wala syang ginawa kundi ang magsalita ng mga masasakit na salita sa kapatid nyang si Steffi. Madalas ay tinatawag nya itong witch. Alam kong may dahilan kung bakit sya galit sa ate nya. Ang hindi ko alam ay ang tunay na dahilan.

Hindi kaya tungkol ito sa nangyari noong gabing iyon? Hindi kaya tama si Macey sa sinabi nyang si Steffi ang syang tumulak sa kapatid ko sa hagdan? Hindi kaya may nalalaman si Nicole na hindi namin alam?

Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap ang nakakabata kong kapatid tungkol sa totoong nangyari noon. Aminado akong hindi talaga ako naniwala noon kay Macey. Hindi ko nagawang makinig sa paliwanag nya. Hindi ko nagawang maniwala sa kanya.

Nang makita ko ang duguang katawan ng kapatid ko nung gabing iyon ay tila nagdilim ang paningin ko. Nagalit ako kay Macey at nagawa ko pa syang ipakulong noon. Hindi ko sya inisip at pinansin noong nagmamakaawa sya sa akin na huwag syang ikulong.

Oo, aaminin kong napakalaki kong tanga dahil nawalan ako ng tiwala sa babaeng mahal na mahal ko. Ito siguro ang dahilan kung bakit galit sa akin si Macey.

Ang relasyon ay kinakailangan ng tiwala sa isa't-isa ngunit hindi ko ito naibigay kay Macey kahit na sabihing mahal na mahal ko sya.

Bumalik ako sa realidad mula sa pagmumuni-muni nang makita kong may papalapit na anino na papasok dito sa garden. Naglakad ako papunta sa malaking puno at nagtago roon. Mula sa pwesto ko ay nalaman ko kung sino ang mga pumasok dito sa garden.

"Macey.." Pagbigkas ko sa pangalan ng babeng mahal ko. Nakita ko rin na may kasama syang lalaki. Ito rin ang lalaking galit na galit sa akin nung mga panahong nilapitan ko si Macey. Sa pagkakatanda ko ay Kristoff ang pangalan nito.

Hindi nagkakalayo ang distansya namin kaya rinig na rinig ko ang pag-uusap nilang dalawa. Kitang-kita ko rin ang paghalik ni Kristoff kay Macey na noon ay ako lang ang nakakagawa.

Pakiramdam ko ay hiniwa ng makailang ulit ang puso ko dahil sa nasaksihan ko. Pagkatapos ng ilang sandali ay nakita kong muli nyang hinalikan ang babaeng mahal ko. Tinignan ko ang reaksyon ni Macey at nalaman kong hindi sya tumutugon sa halik. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

Muling tinitigan ni Kristoff si Macey at nagsalita. "I'm sorry reyna ko. Hindi ko sinasadya." Paghingi nya nang paumanhin habang hawak-hawak nya ang kamay ni Macey.

"I miss you, Mayumi. I miss you so much." Malambing na sinabi ni Kristoff kay Macey. Hindi ko alam kung namalikmata ako o sadyang nakita kong nasaktan si Macey dahil sa sinabi sa kanya ni Kristoff.

"Mayumi? Who is Mayumi?" Pipeng tanong ko sa sarili ko.

"I'm not Mayumi, Kristoff." Sabi ni Macey habang nakatingin nang matapang kay Kristoff bago sya tumalikod at umalis.

Samantala, naiwan namang nasaktan si Kristoff. I know something's going on between them. Nararamdaman kong may problema sila at dahil ito sa pangalang Mayumi.

Nagulat ako nang makitang nakatingin sa akin si Kristoff. Huminga ako ng malalim bago tuluyang nagpakita sa kanya. Bakit pa ako magtatago sa malaking puno kung nakita na nya ako at naabutang nakikinig at nanonood sa kanila ni Macey.

Nang humarap ako sa kanya ay nagsalita ako, "Don't you dare hurt my Macey." Matapang na sinabi ko sa kanya.

Ngumise naman sya bago tumugon sa sinabi ko, "Says who?" Sabi nya bago ako tinalikuran at iwan dito sa garden.

Oo nga naman, sino ako upang sabihin iyon samantalang nagawa kong saktan si Macey noon. Ironic, isn't it?

Lumipas ang ilang minuto nang magdesisyon akong umalis sa garden at bumalik sa hall kung saan nagaganap ang after party.

Nang makarating ako sa mesa namin ay naabutan kong kumakanta si Steffi sa harap at damang-dama ang kantang inaawit.

The moment I heard what she's singing, I felt something in my heart that pains me. Alam kong may mali ako. Alam kong nagkasala rin ako kay Steffi dahil pinaasa ko sya tulad ng sinabi nya noon. Alam kong mali ang naging desisyon ko noon at ngayon ay marami akong nasaktang tao dahil doon.

Nang matapos sya sa pagkanta ay nagpalakpakan ang lahat at pinuri sya. Nang makarating sya sa mesa namin ay napansin ko ang masamang tingin na ibinigay ni Nicole sa kanyang ate.

"That was a wonderful performance from Ms. Steffi Fernandez. And now let's call the next performer for tonight, Five Seasons!" Pagtawag sa amin nni Dean Natalie bago sya bumaba sa stage.

Tinanguhan ko ang mga kaibigan ko nang makaakyat kami sa stage. Alam na nila kung anong ibig sabihin niyon. Humarap ako sa mga tao at hinanap ng paningin ko si Macey ngunit hindi ko na sya nakita. Huminga ako nang malalim bago nagsimulang tumugtog ang mga kaibigan ko.

(A/N: Isipin na lang natin na ang Five Seasons ang kumanta nito.)

Nang magsimula kaming tumugtog ay nagsigawan ang mga estudyante maging ang ibang mga magulang na nadito ngayon. Mas lumakas ang tilian nila nang magsimula akong kumanta.

Pumikit ako habang dinadama ang kanta. Never should have let you go. Ito ang pamagat ng kanta at ito rin ang nais kong sabihin kay Macey. Dapat ay hindi ko sya hinayaang umalis. Dapat ay pinakinggan ko ang paliwanag nya. Dapat ay pinagtanggol ko sya. Dapat ay hindi ko hinayaang mawala sya sa akin. Ngayon ay nagsisisi ako kung bakit pinakawalan ko sya dahil alam kong may karibal na ako sa kanya. Alam kong may ibang lalaki ang nagpapasaya sa kanya at minamahal sya ng lubos.

Hindi ko na maibabalik ang oras. Hindi ko na mababago ang nakaraan. Pinakawalan ko sya at iyon ang pinakamalaki kong pagkakamali. Sa oras na pinakawalan ko sya at bitawan, may ibang lalaki ang sumalo sa kanya at hindi na sya hinayaang makalayo. And its Kristoff.

###

Change of Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon