Chapter 21: Family Day

161 3 0
                                    

Today is January 11, 2018 at ngayong araw gaganapin ang aming Family Day! Nandito na kami ng mga kaibigan ko sa Royalty University at kasama namin ngayon ang aming mga pamilya.

Kasama namin ni Louiz sina mommy, nanay Fe, butler John, Kristoff at ang limang bodyguards na binabantayan ako.

Si Kirsten ay kasama ang kambal nyang kapatid na sina Marcus at Marco.

Sina Venice at Dhepriz ay kasama ang kanilang mga magulang na bumyahe pa galing sa Korea upang makasama ang kanilang mga anak.

Nagkukwentuhan ang pamilya namin habang kami ng mga kaibigan ko ay kumukuha ng mga litrato upang i-upload mamaya sa Instagram. Tawa ako nang tawa dahil sa mga pose ni Louiz.

Tinignan ko sya habang nagpo-pose ng kung anu-ano. Kilala ko ang kaibigan kong iyan. Alam kong malungkot sya dahil hindi nya kasama ang pamilya nya ngayon at idinadaan nya lang sa pagpapatawa ang lahat.

Natigil ang pagpapatawa ni Louiz nang makita ang mga bagong dating. Tinignan ko sila at naabutan kong nakatingin si Miguel Reyes sa direksyon ko. Kasama nya ang asawang si Michelle Reyes at ang dalawang anak na sina Steffi at Nicolli. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at hindi na sila pinansin pa.

Naagaw ang atensyon ng lahat nang umakyat si Dean Natalie sa stage at nagsalita. "Good morning students and parents!" Pagbati nya.

"Ngayong araw ay ang family day kung saan magkakaroon ng quality time ang mga magulang sa kanilang mga anak. Sa pamamagitan nito ay nabibigyan natin ng importansya ang pagiging buo ng isang pamilya." Pagpapatuloy nya.

Yumuko ako dahil sa sinabi nya. Hindi buo ang pamilya ko at kahit kailan ay hindi na magiging buo dahil may ibang pamilya ang aking ama. Naramdaman ko naman ang paghawak ni mommy sa baba ko at iniharap ako sa kanya.

"Don't be sad, my queen. I'm here, nanay Fe, butler John and Kristoff are here. We are complete family, always remember that." Sabi nya sa akin bago ngumiti. Ginantihan ko rin sya ng ngiti bago ako humarap upang makinig sa sasabihin ni Dean Natalie.

"I would like to acknowledge the presence of the owner of this university, Mrs. Angela Aragon. Let us begin by opening prayer headed by Mrs. Aragon." Sabi ni Dean Natalie bago naglakad ang mommy ko palapit sa kanya.

Nang matapos sa pagdarasal ay bumalik sa pwesto si mommy. Bago sya nakarating sa akin ay napansin ko ang masamang tingin sa binibigay sa kanya ni Michelle Reyes ngunit hindi ito pinapansin ni mommy.

Naramdaman kong hinawakan ni mommy ang kanang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Why?" Tanong nya.

"I saw Michelle Reyes, mommy. Ang sama ng tingin nya sayo." Pagsusumbong ko.

"Hayaan mo sya, titigil din yan." Sabi nya bago humarap sa stage kung saan sumasayaw ang dance troupe ng school. Nanood na lang din ako at hindi na pinansin pa si Michelle Reyes.

Isang pito ang narinig ng lahat hudyat na magsisimula na ang palaro. Tig-dadalawang department ang magkakagrupo. Ang university namin ay mayroong sampong department o kurso kaya nagkaroon ng limang team na maglalaban-laban sa lahat ng palaro. Ang team na may pinakamaraming points ang syang mananalo.

Ang kurso namin ay kapareha ang kursong Business Administration at dilaw ang assigned color para sa amin. Ang ibang team ay kulay berde, pula, pink at asul.

"Ang lahat ng team ay maaaring pumili ng magiging pambato sa bawat palaro. Families, sa unang laro ay kinakailangan nyo ng lakas ng katawan, bilis ng pagkilos dahil kung hindi kayo malakas at mabilis ay maaari kayong matalo. Ang unang team na maglalaro ay ang green team at ang kanilang kalaban ay ang yellow team." Pag-anunsyo ng isang propesor.

"Yellow team and green team, lumapit sa harap please." Sabi nya kaya naman lumapit ang grupo namin at ang kabilang team.

"Pumili kayo ng sampong pamilya na magre-represent ng inyong team. Sa mga hindi mapipili, maaari kayong bumawi sa mga susunod na laro." Sabi ng propesor.

Para sa aming team ay ang pamilya ko ang naging leader. Sina mommy ang namimili kung sino ang ilalaban namin. Ang iba namang pamilya ay nagbo-volunteer na sumali kaya walang problema.

Nang makapili na kung sino ang ilalaban ay nagsimula na ang laro. Para sa aming team ay kasali ang pamilya ko at ang pamilya ng mga kaibigan ko. Kasali rin ang limang pamilya mula sa BA department.

Unang naglaro ang mga pamilya mula sa BA department at nang matapos sila ay ang mga pamilya naman mula sa kurso namin. Halos magkadikit ang laban at tila sabay na sabay ang team namin at ang kalabang team.

Nang matapos ang apat na pamilya mula sa kurso namin ay ang pamilya ko ang pang-huli. Sa kalaban naman namin ay naiwan ang pamilya ni Steffi. Sila na lamang ang natitira na lalaban sa team nila.

Nang kami na ay mabilis ang bawat kilos namin. Kasama ko sina mommy at butler John samantala, kasama naman ni Steffi ang mga magulang nya.

Nang nasa kalagitnaan na kami ay halos pantay lamang kami ng pamilya ni Steffi. Nang makalamang kami sa kanila ay natuwa ang mga kakampi namin dahil malapit na kaming manalo. Lahat ng manonood ay sumisigaw at excited nang malaman kung mananalo ba kami o mahahabol kami ng pamilya ni Steffi.

Malapit na kami sa finish line nang maabutan kami ng pamilya ni Steffi. Nakasuot ang mga binti namin sa sako at nagpapaunahan kaming makarating sa finish line. Nasa bandang kaliwa ko si mommy habang nasa kanan ko naman si butler John.

Nang magkalapit ang pamilya ko at ang pamilya nya ay itinulak ni Michelle Reyes ang mommy ko na nasa kaliwa ko kaya kami natumba. Samantala, mas binilisan nila ang pagtalon hanggang sa makarating sila sa finish line. Nang humarap sila sa amin ay nakita ko ang pagngise ni Michelle Reyes.

Naalala ko naman ang ginawang pandaraya ni Steffi noon. Mukhang totoo ang kasabihang, "Like mother, like daughter". Si Michelle Reyes at Steffi ay parehong nandaya.

Tinanggal ko ang sako na nakasuot sa binti ko. Tinulungan ko naman ang mommy ko na tanggalin din ang sako sa binti nya. Si butler John naman ay tinulungang makatayo ang mommy ko bago tinignan ang mga binti nito kung nagkaroon ng sugat. Luckily ay walang kahit na anong galos sa binti si mommy kahit na naka-shorts sya.

Naglakad na kami papunta sa harap kung nasaan ang pamilya ni Steffi. Ang kanyang ina ay nakangise pa rin habang nakatingin sa mommy ko ngunit nawala rin ito nang magsalita ang propesor.

"Sorry families ngunit walang nanalo sa game na ito. Kahit na nauna ang pamilya Reyes ay hindi pa rin ito counted dahil sa pagtulak nila sa pamilya Aragon." Sabi ng propesor at narinig ko naman ang pagsang-ayon ng lahat.

Samantala, muli akong tumingin kay Michelle Reyes saka ako ngumise sa kanya. Mukha naman syang nagulat dahil dito. Nang hawakan ni mommy ang braso ko ay umiwas na ako ng tingin sa kanya at nagpahila na ako kay mommy papunta sa benches.

###

Change of Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon