HIS POV:
Nasa loob na ako ng kwarto ko nang marinig ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Niluwa nito ang kapatid kong si Steffi. Nakangiti sya ngunit kita sa mga mata nya na hindi sya masaya.
"What's wrong?" Tanong ko sa kanya nang makalapit sya sa pwesto ko at umupo sa kama ko.
"I saw Macey. Nakita nya akong nagma-mop sa cafeteria kanina. Hindi ko sya nakausap kasi hinila na agad sya ni Kirsten palayo sa akin." Sabi nya at napatawa naman sya. "Imagine, dati ako ang gumagawa sa kanyo nun pero ngayon inilalayo na sya sa akin." Pagpapatuloy nya.
"We have the same situation, Steffi. Kaya kung pumunta ka rito upang humingi ng tulong ay hindi ko magagawa. Why don't you ask help from Jessica?" Sabi ko sa kanya.
"Lumalayo na rin sya sa akin, Nicolli. Alam kong galit sya sa akin dahil sa ginawa ko kay Macey noong isang buwan. Tapos lalo pa syang nagalit nung nalaman nya lahat ng nangyari noon." Sagot nya sa akin.
Tinitigan ko sya. Alam kong nahihirapan sya. Alam kong nasasaktan sya. Ngunit katulad ko at katulad ni daddy ay wala kaming magawa. Wala kaming magawa upang makalapit kay Macey. Wala kaming magawa upang makausap sya at makahingi kami ng tawad sa kanya sa lahat ng mga nagawa namin sa kanya noon.
"Hehe don't mind me, Nicolli. Mag-iisip ako ng paraan para makausap natin si Macey." Sabi nya nang nakangiti.
"Okay. Ahh Steffi. Bago ko makalimutan, do you have ahm masks?" Tanong ko sa kanya nang maalala ang gagawin naming plano nina Tristan at Zimmer.
"Ahh wala. Bakit? Saan mo gagamitin? Project?" Tanong naman nya.
"I am planning to invade someone's masquerade party on Christmas." Sagot ko sa kanya.
"And who's that someone?" Kunot-noong tanong nya.
"Macey's party." Sagot ko bago ko ipinaliwanag sa kanya ang mangyayari at sinabi ko na rin ang naging plano ko.
Tinulungan naman nya ako sa pagpaplano kahit na ba hindi sya sigurado kung magtatagumpay kami. Nagdadalawang-isip din sya nang malamang wala kaming invitations. Imposible nga namang makapasok kami roon dahil siguradong mahigpit ang seguridad doon.
Alam kong imposible. Alam kong maaaring hindi ito magtagumpay pero gusto ko pa ring subukan. Gusto ko subukan upang makalapit lang sa kanya. Gagawin ko pa rin ito kahit na ba maaari akong maparusahan kung mahuli ako. Bahala na!
QUEEN'S POV:
Hindi katulad kahapon ay wala kaming naabutang Five Seasons dito sa garden. Mabuti na rin iyon upang hindi ko makita sk Nicolli. Kapag nakikita ko sya ay parang sinasaksak pa rin nang paulit-ulit ang puso ko. Alam kong hindi ko pa sya kayang harapin kaya as much as possible ay iiwasan ko sya.
Umupo ako sa duyan at itinulak ko ang sarili ko. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nandito ka sa garden. Nakaka-relax at nakakatanggal ng stress. Ganyan siguro talaga ang dalang mahika ng kalikasan.
Tanaw ko naman mula rito sa pwesto ko si Steffi na naglilinis sa corridor. Pawis na pawis na sya at mukhang pagod na pagod. Nakita ko pang pinagtripan sya ng ilang estudyante na dumaan sa harao nya.
Tumigil naman ako sa pagduyan nang makita ang mga kaibigan ko na papalapit sa pwesto ko. Umupo sila sa bandang harapan ko at tinignan ako. Mukhang may gusto silang sabihin sa akin pero hindi nila masabi-sabi.
"Angels sabihin nyo na. Promise hindi ako magagalit." Sabi ko sa kanila. Nag-turuan naman sina Louiz, Venice at Dhepriz kung sino ang unang magsasalita. Napailing na lang si Kirsten bago nagsalita. "Sige na Dhepriz, ikaw na mauna."
"Nahuli ka namin na nakatingin kay Steffi Fernandez. Anong problema? Naaalala mo ba lahat ng ginawa nya sayo noon?" Pagtanong ni Dhepriz sa akin.
"Alam nyo hindi naman sya marunong maglinis eh. Magaling lang syang magkalat." Napatawa ako sa aking sinabi. "Bata pa lang ako nang matuto ako ng gawaing-bahay. Hindi tulad nya na pinalaking isang prinsesa." Pagpapatuloy ko.
Tumingin ako sa langit bago muling nagsalita. "Ilang taon lang ako nang makiusap ako kay mommy na kay daddy na lang ako tumira. Ilang araw lang kasi sya sa bahay namin. Madalas ay oras lang ang bibilangin bago sya umalis. Gustong-gusto ko syang makasama noon kaya pumayag akong maging katulong nila sa mansyon nila. Bata pa lang ako ay tinuruan na ako ni nanay Fe sa gawaing-bahay na noon ay hindi ko alam. Isa kasi akong prinsesa sa puder ni mommy hindi tulad sa puder ng tatay ko, isa akong katulong." Pagkukwento ko sa kanila.
"Habang lumalaki ako ay unti-unti akong nagalit kay Miguel Reyes. Itinira nya kasi ako sa bahay ng isa nya pang pamilya at ginawa pa akong katulong. Doon ko narealize na kaya pala hindi sya nagtatagal sa amin ay dahil may iba syang pamilya na inuuwian. Kaya pala ayaw ni mommy na mapunta ako sa puder ng tatay ko ay dahil alam nya ang sikreto ni Miguel Reyes." Pagpapatuloy ko.
"Queen its okay. Huwag mo nang ituloy." Sabi ni Dhepriz sa akin pero hindi ko sya sinunod bagkus ay nagpatuloy ako sa pagkukwento.
"Kahit na galit ako sa tatay ko ay gusto ko pa rin ng kalinga nya. Gustong-gusto kong mapunta sa akin ang atensyon nya. Ginawa ko ang lahat para mapansin nya ako. Gusto ko na ngang umalis sa puder nya at bumalik kay mommy pero hindi ko nagawa kasi nahuhuli nya ako at nagagalit sya tuwing sinasabi ko sa kanya ang gusto kong mangyari. Kaya hindi na ako nagpumilit pa. Nanatili na lang ako dun sa mansyon nya."
"Naging magkaibigan kami ni Steffi. Parang magkapatid na nga kami eh. Nasira lang ang samahan namin nung nangyari yung gabing iyon. Nawala nang parang bula ang lahat ng pinagsamahan namin nang dahil lang sa iisang lalaki." Huli kong sinabi bago ko tinignan ang mga kaibigan ko.
"Highschool kayo nang maging kayo ni Nicolli, diba? Pero Queen, hindi ka ba nagdalawang-isip sa pagsagot mo ng oo kay Nicolli noon? I mean, magkapatid kayo sa ama, diba?" Tanong ni Venice.
Ngumiti ako sa kanya bago sumagot, "Bata pa lang ako alam ko ng hindi tunay na anak ng tatay ko si Nicolli. Inampon lang nila ito dahil pareho nang patay ang tunay na mga magulang ni Nicolli. At dahil minahal ko ang lalaking iyon ay sinagot ko sya."
"Ibig bang sabihin Queen ay si Steffi talaga ang totoo mong step-sister?" Tanong naman ni Louiz. "Kasi diba, ang alam ng lahat ay inampon ng mga magulang ni Nicolli si Steffi? Hindi kaya ay pinagpalit lang nila ang katauhan ng dalawa nilang anak?" Pagpapatuloy nya.
"Siguro. Ewan ko, hindi ko alam." Sagot ko. Muli kong tinignan ang pwesto ni Steffi kanina pero wala na sya doon. Siguro ay umalis na.
###
BINABASA MO ANG
Change of Hearts (Completed)
Teen FictionBook 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to do with her life until she decided to change her heart. A heart that was belong to someone else. A heart that loved someone dearly. A heart...