Chapter 5: Royalty University

245 6 1
                                    

Kinabukasan, araw ng lunes, ay maaga kaming nagising dahil papasok na muli kami sa Royalty University. Ito ang pangalawang beses na makakalabas akong muli sa mansyon.

Sa nagdaang gabi ay inisip ko na ang mga posibleng mangyari kapag nasa university na kami kasama ang mga bodyguards. Siguro naman ay maiintindihan ng mga kapwa ko estudyante kung bakit may kasama kaming bodyguards.

Naisip ko na maaaring hindi na kami lapitan pa ng mga estudyante dahil nakakataas ng balahibo kapag makikita nila ang  bodyguards. Nakakatakot sila pero alam kong mababait naman sila. Siguro ay ganoon talaga ang awra nila dahil kailangan nila akong bantayan.

Malapit na kami sa entrance ng school nang mapansin namin ang mga nagkalat na estudyante sa labas na para bang may hinihintay silang dumating. Mayroon silang hawak-hawak na mga bulaklak at mga kahon na hindi ko alam kung anong laman. Ang iba naman ay may dalang cartolina na may nakasulat na, 'Welcome back Fallen Angels! Welcome back Queen!'

Nang makalapit kami sa kanila ay tama nga ang naisip ko kagabi. Tama nga na natatakot ang mga estudyante at hindi na kami nilapitan pa. Gusto pa naman nilang lumapit at ibigay ang mga dala nila.

Humarap ako sa bodyguards at kinausap. "Pwede silang lumapit diba? May iaabot lang naman sila." Sabi ko at tumango naman ang pinaka-head ng bodyguards.

Ngumiti ako sa mga estudyante at sinenyasan na lumapit. Isa-isa nilang binigay sa akin ang mga kahon na mga regalo pala dahil sa paraan ng pagkakabalot. Ang iba naman sa kanila ay inabot ang mga bulaklak sa mga kaibigan ko. Kinuha naman ng bodyguards ko ang mga regalo at inilagay sa loob ng kotse.

"Salamat." Pagpapasalamat ko sa kanila saka sila unti-unting umalis at pumasok na sa university.

Habang naglalakad kami sa hallway ay may mga estudyante pa ring sumalubong sa amin at binati kami. Ang iba naman ay nagbigay ng mga simpleng regalo. May grupo pa ng mga lalaki ang nagbigay sa akin ng sketchbook at ice cream. Alam nilang paborito ko ang ice cream at ito rin ang nagpapagaan ng loob ko.

Nagpasalamat ako sa kanilang lahat bago kami tumungo ng mga kaibigan ko sa first class namin. Kasama pa rin namin ang limang bodyguards hanggang sa pagpasok sa room. Hindi na nagugulat ang bawat prof na nagtuturo sa amin kung bakit may limang bodyguards kaming kasama. I guess sinabi na ni mommy o kaya ni dean Natalie ang rason.

Lunch time nang makalabas kami sa room. Natapos na ang ilang subjects namin ngayong araw. Habang naglalakad kami papasok ng cafeteria ay hindi maiwasan ng mga estudyante ang mapatingin sa amin. Sino bang hindi mapapatingin kung may kasama kaming bodyguards?

Naagaw naman ang atensyon nilang lahat ng pumasok ang Five Seasons dito sa cafeteria. Agad humarang ang isang bodyguard sa harap ko nang maglakad palapit sa akin si Nicolli. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagpahila na lamang kay Kirsten papunta sa mesa namin.

Hindi ko alam kung anong ginawa ng bodyguard kay Nicolli. Nang muli ko syang tingnan ay nakita kong hinatak sya ni Tristan papunta sa mesa nila. Muli akong umiwas ng tingin sa kanya nang tumingin sya sa akin.

Naging tahimik sa buong cafeteria dahil sa nangyari. Maya-maya naman ay naging maingay muli ang paligid dahil sa pagkukwentuhan ng mga estudyante. Lalong naging maingay nang makita ang grupo ni Steffi sa entrance ng cafeteria.

Hindi ko alam kung bakit walang ginawa si mommy para maparusahan ang grupo ni Steffi dahil sa ginawa nila sa akin. Ang alam ko lang ay nag-usap ang mommy ko at mga magulang nya noong nasa ospital pa ako. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila. Siguro ay tatanungin ko na lang ang aking ina mamaya tungkol dito.

"Queen wag mo na silang tingnan. Kumain na tayo." Sabi sa akin ni Kirsten nang mapansin nyang hindi ko pa nagalaw ang pagkain ko. Tumango ako sa kanya bago ako kumain.

Muli akong humarap kay Kirsten nang may maalala ako. "Kirsten.. About what you did yesterday. What were you thinking?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin sya sa akin bago ngumiti ng pilit. "Its okay Queen. Hindi ko matiis si Mary Ann kaya umoo ako. Hayaan mo na. I don't want to break her heart kung sasabihin kong hindi ako pwede sa February 25." Sagot nya sa akin bago sya nagpatuloy sa pagkain.

Bumuntong-hininga ako bago ako muling nagsalita. "Angels malapit na mag-25. What are your plans?" Tanong ko sa kanila.

Nagpunas ng bibig si Venice bago sumagot, "Mr. CEO and our manager called yesterday, Queen. Ang sabi nila ay magkakaroon tayo ng mini concert in Korea and also in Japan on December 20 up to New Year."

"Okay. I'll call manager-nim about the details." Sabi ko. Hindi ko pa nakakausap ang manager namin tungkol sa nalalapit na anniversary ng grupo namin.

"Queen sya nga pala, Kristoff called. Sya daw ang magsusundo sa atin mamaya tapos dideretso tayo sa Pure Heart House of Fashion. Hindi ko alam kung anong gagawin natin doon basta ang sabi nya ay pupunta tayo doon." Sabi naman ni Louiz.

"Bakit kaya? Wala naman sigurong problema diba?" Tanong ni Dhepriz.

"We don't know." Sabi ko.

Alas-singko ng hapon nang matapos ang lahat ng klase namin ngayong araw. Aaminin kong nanibago ako dahil matagal din akong hindi nakapasok. May mga lessons na kailangan naming habulin. Nagpapasalamat naman ako dahil walang binigay na special projects ang prof namin.

Nasa parking lot na kami ng school nang makita ko si Nicolli na nag-aabang malapit sa kotse nya. Lalapit na sana sya ngunit agad humarang ang bodyguards ko. Napatigil naman sya sa tangkang paglapit nang makita si Kristoff na palapit sa amin.

"My queen!" Pagtawag sa akin ni Kristoff. Nauna na palang pumasok sa kotse nya ang mga kaibigan ko at ako na lang ang hinihintay nya.

Hinawakan ni Kristoff ang siko ko at hinatak ako papasok sa kotse nya. Pinagbuksan nya ako ng pinto at pinapasok ako sa front seat. Umikot naman sya upang makasok sya sa driver's seat.

Nang magsimulang umandar ang kotse ay muli kong tinignan si Nicolli and I saw pain in his eyes. Umiwas ako ng tingin at hindi na lang sya pinansin pa.

###

Change of Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon