Huling araw na ng buwan ng enero at bukas ay buwan na ng pebrero. Halos dalawang buwan na lang ang hihintayin namin at graduation day na. Kung malapit na ang graduation day, malapit na rin kaming bumalik sa Korea at ipagpatuloy ang career namin doon.
Habang naglalakad ako sa corridor ay naabutan kong naglilinis ng sahig si Steffi. Kasalukuyan syang nagma-mop ng sahig. Habang tumatagal ay marunong na syang maglinis. Noon kasi lalo na nung nag-uumpisa pa lang sya ay hirap talaga syang maglinis. Ngayon ay marunong na sya at halatang sanay na sa kanyang ginagawa.
Huminto ako sa paglalakad nang malapit na ako sa kanyang pwesto. Pinagmasadan ko sya nang mabuti. Kitang-kita ko ang pagpatak ng kanyang pawis dahil sa paglilinis.
Kung iisipin, wala namang ginawang masama sa akin si Steffi maliban lamang sa ginawa nyang pananaksak noong nakaraang taon. Alam kong nagawa nya lamang iyon dahil na rin sa akin. Pakiramdam nya ay inagaw ko ang lahat sa kanya na hindi naman totoo. Nabulag lang sya ng galit at inggit kaya nakagawa sya ng mali.
Ang mga nagawa nya naman noon sa akin ay alam kong hindi nya sinasadya. Nadala lang sya ng selos noon lalo na't may nararamdaman din syang pag-ibig para kay Nicolli. Sa totoo lang, wala syang ginawang kasalanan sa akin. Mas pinili nya lang pakinggan at bigyan ng pansin ang galit nya kaysa sa pagmamahal nya sa amin.
"Macey? May problema ka ba?" Tanong sa akin ni Steffi.
Hindi ko napansin na tapos na sya sa kanyang ginagawa at nakalapit na sya sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko bago ko sya hinarap. Tinignan ko sya sa kanyang mga mata at nabalot ng tuwa ang puso ko dahil wala akong naramdamang takot at galit sa kanya.
Ngumiti ako sa kanya bago ako nagsalita, "Wala Steffi. Ahm, pwede ba tayong mag-usap mamaya pagkatapos ng klase? Please Steffi." Pakiusap ko sa kanya.
Nagulat ako ng tumawa sya dahilan ng pagkunot ng aking noo. "Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya.
"Wala Macey. Naalala ko lang na ganyang-ganyan ka noon kapag may hinihiling kang pabor sa akin. Na-miss ko ang pagpapa-cute mo." Nakangiting pagsagot nya sa akin.
"Huwag kang mag-alala, madalas mo nang makikita ang maganda kong mukha." Pagbibiro ko sa kanya.
Agad akong kinabahan nang tumahimik sya. May nasabi ba akong mali?
"Mana ka lang sa kagandahan ko, Macey." Sabi nya sabay ngiti nang malaki sa akin. "Kita na lang tayo sa coffee shop sa tapat ng university." Sabi nya bago naglakad paalis.
Nilingon ko sya at nakita kong papunta sya ngayon sa silid ng mga janitor kung saan nakalagay ang mga ginamit nyang panlinis. Siguro ay ibabalik na nya ang mop doon.
"Queen, saan ka galing? Bakit ang tagal mo?" Bungad na tanong sa akin ni Louiz nang makalapit ako sa pwesto nila rito sa cafeteria.
Umupo ako sa silya ko bago ko sya sinagot. Samantala, inihain naman ni Kirsten ang pagkain ko sa bandang harapan ko. "Thank you, Kirsten." Pagpapasalamat ko sa kanya.
"Nagkita kami ni Steffi sa corridor. Sinabi ko sa kanya na magkita kami at mag-usap." Sabi ko kay Louiz bago ako kumain.
"Talaga? Kailan kayo mag-uusap?" Tanong naman ni Venice.
"Mamaya. After class." Sagot ko at nagpatuloy na ako sa pagkain. Nakita ko namang kumain na rin ang mga kaibigan ko.
"Sigurado ka bang ikaw lang mag-isa Queen? Pwede ka naman naming samahan kung gusto mo." Sabi sa akin ni Kirsten nung nasa parking lot na kami.
Makikipagkita ako ngayon kay Steffi sa coffee shop at pinauuna ko nang umuwi ang mga kaibigan ko ngunit ayaw nilang umuwi at gusto nilang samahan ako na kausapin si Steffi. Sa tingin ko ay magiging awkward iyon at saka, issue namin ni Steffi ang pag-uusapan naming dalawa at labas doon ang mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts (Completed)
Teen FictionBook 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to do with her life until she decided to change her heart. A heart that was belong to someone else. A heart that loved someone dearly. A heart...