QUEEN'S POV:
Nakakabinging katahimikan ang namumutawi ngayon sa sala ng bahay ni Tristan. Hanggang ngayon ay nandito pa rin kami upang pag-usapan ang nangyari. Alam naming ang mga magulang lang ng bata ang dapat na mag-usap pero ayaw namin silang iwan.
Si Kirsten ay nasa kwarto ni Mary Ann at doon natulog. Ni ayaw nyang lumabas doon at kausapin si Tristan. Lalabas lamang sya kapag kasama ang anak.
Naiintindihan ko sya kung ayaw nya pang makausap ang ama ng anak nya. Masyadong masakit para sa kanya ang lahat ng nangyari. Hindi ko sya masisisi kung nagwala sya kagabi. Pitong taong pinagkait sa kanya ang anak nya kaya natural lamang na magalit sya.
"Let's eat." Pag-aya ni Zimmer sa amin. Lahat kami ay pumunta na sa dining room upang kumain ng almusal.
Nang matapos kami ay naghanda ako ng pagkain sa tray. Ihahatid ko sa kwarto ni Mary Ann. Alam kong gising na ang kaibigan ko ngayon dahil maaga yun parati nagigising. Siguro ay hinihintay nya lamang magising ang anak upang makasalo nya sa pagkain.
"Iaakyat ko lang." Paalam ko sa kanila bago ko tinungo ang kwarto ni Mary Ann.
Kumatok ako ng isang beses bago ko binuksan ang pinto. Nakita kong nakatitig si Kirsten sa anak habang natutulog ito. Tama nga ako na gising na sya.
Nang makita ako ay agad syang ngumiti at kinuha ang tray na dala ko. "Kain na, Kirsten." Sabi ko sa kanya bago ako naupo malapit sa kanya.
Tumango sya bago nya sinimulang kainin ang mga dala kong pagkain. Katulad ng ginawa nya kanina ay tinitigan ko rin si Mary Ann. Kamukha sya ni Tristan at hindi mo mahahalatang si Kirsten ang mommy nya. Ang singkit na mata lamang ang nakuha nya kay Kirsten.
"Ang ganda nya. Kamukha ng daddy nya." Komento ko bago ko tinignan ang kaibigan ko na tapos nang kumain ng almusal.
Itinabi nya ang tray bago ako tinignan. Maya-maya ay nakita ko ang pamumuo ng mga luha nya hanggang sa tumulo na ang mga ito. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"Alam kong masakit, Kirsten. Alam kong mahirap. Ang sabi mo diba, nahanap mo na ang kapatawaran mo kay Tristan at sa pinsan mo? Huwag mong hayaang mamuo ang galit sa puso mo, Kirsten." Sabi ko sa kanya habang hinahaplos ko ang likod nya.
"Masakit Macey. Niloko nila ako. Pinaniwala nila akong patay na ang anak ko. Pitong taon akong nagdusa dahil sa pagkamatay ng anak ko. Hindi ko akalaing magagawa nila akong lokohin, Macey." Sabi nya habang umiiyak.
"Kausapin mo sila, Kirsten. Pakinggan mo ang mga rason nila. Hanapin mo sa puso mo ang pagpapatawad ulit sa kanila." Pagpayo ko sa kanya.
Humiwalay sya sa yakap bago sumagot. "Hindi ko pa kaya Macey."
"It takes time." Sabi ko bago ko naramdaman ang paggising ni Mary Ann.
Sabay kami ni Kirsten na tumingin sa anak nya na gising na ngayon. Humikab ang bata at nagkusot ng mga mata. Ang cute cute nya talaga! Nang makita nya kami ay agad syang ngumiti at inambahan kami ng halik sa pisngi. Hindi nya ito tinuloy at napatakip na lang sya sa bibig nya.
"Sorry po. Hindi pa ako nagsisipilyo." Sabi nya bago sya bumaba sa kama at pumasok sa comfort room. Napangiti na lang kami ni Kirsten dahil sa sinabi ng anak nya.
"Baby, where do you wanna go?" Tanong ni Kirsten sa anak nyang si Mary Ann habang naglalakad kaming magkakaibigan dito sa loob ng mall.
Kanina ay naisip ni Kirsten na ipasyal ang anak kasama kami. Dapat nga ay hindi na kami kasama dahil bonding na rin nilang mag-ina ito pero mapilit silang mag-ina kaya sumama na rin kami.
Sina Nicolli naman at ang iba pa nilang kaibigan ay naiwan sa bahay ni Tristan. Sasamahan daw nilang maglasing ang kaibigan nila. Hindi naman nila maiwan dahil baka kung anong gawin nun.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts (Completed)
Teen FictionBook 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to do with her life until she decided to change her heart. A heart that was belong to someone else. A heart that loved someone dearly. A heart...