Chapter 32: Forgiveness

209 3 0
                                    

A/N: Please listen to the song. Thank you.

========

QUEEN'S POV:

Nang umalis si Nicole ay agad akong umakyat papunta sa kwarto ko. Nais kong magpahinga, nais kong ipagpahinga ang utak ko.

Sa totoo lang ay ngayon ko lang nalaman ang totoong rason kung bakit itinulak ni Steffi si Nicole sa hagdan noon. Ang tanging nasaksihan ko lamang noong gabing iyon ay ang pagtulak nya at pagtakas. Tanging ako lang ang saksi sa kasalanang ginawa nya.

Lumingon ako sa pinto ng kwarto ko nang bumukas ito at niluwa ang kaibigan kong si Kirsten. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Why?" Tanong ko sa kanya maya-maya.

"Masaya ako at nagawa mong harapin at kausapin si Nicole. I mean, walang masamang nangyari sayo kanina. I think, ang harapin at kausapin ang mga taong nagkasala sayo ay isang magandang ideya." Sagot nya.

Ngumiti ako bago ako nagsalita, "Aaminin kong nakaramdam ako ng saya kasi mayroong tao na naglakas ng loob upang humingi ng tawad sa akin nang harapan. Para bang gumaan ang pakiramdam ko, Kirsten."

Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy, "Ganoon din ba ang ginawa mo Kirsten? Kinausap mo ba sya? Nagkaroon ba kayo ng closure?" Tanong ko bago aki ngumiti nang alanganin.

Umiwas sya ng tingin bago sumagot, "Hindi kami nag-usap Queen. People say, 'Time heals all wounds' iyon ang nangyari sa amin. Alam ko sa sarili ko na napatawad ko na sya pero syempre masakit pa rin kapag iniisip ko ang anghel ko." Sabi nya bago muling tumingin sa akin.

Tinitigan ko ang kaibigan kong si Kirsten. Pareho kaming dalawa na mayroong nakaraan na hindi maganda. Pareho kaming nasaktan noon. Ang kaibahan lang namin ay may nawala sa kanya na alam kong importante sa kanya. Sobrang importante.

"Kahit masakit pa rin, nagawa mo pa rin syang patawarin? Bakit hindi ko kayang gawin?" Naiiyak na sinabi ko sa kanya.

Hinawakan nya naman ang magkabila kong pisngi. "Kaya mo Queen Macey. You just don't let yourself forgive them. Hayaan mo ang sarili mong makausap sila at mapatawad. Queen, makakawala ka sa kulungan kapag nagawa mo silang patawarin. Let yourself hear them out. Hear their reasons and try to understand. Find forgiveness in your heart." Payo nya sa akin.

Niyakap ko sya nang mahigpit at sinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Tunay na maswerte ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad nya. Isang kaibigan na papayuhan ako at hahayaan akong itama ang mga pagkakamali ko.

Umayos ako ng upo bago ko sya hinarap. "Thank you, Kirsten." Pagpapasalamat ko sa kanya.

Pagkatapos ng naging usapan namin ni Kirsten ay bumaba ako at lumabas. Samantala, sumama naman sa akin ang lima kong bodyguards. Nais kong pumunta sa park at magpahangin. Iisipin ko kung paano ko malalapitan at makakausap sila Nicolli.

Handa na ako. Handa na akong makinig sa mga rason nila at handa na akong magpatawad. Tama si Kirsten. Hindi ako makakaalis sa kulungan na ako mismo ang may gawa kung hindi ako magpapatawad.

Pumunta ako sa bandang may swing at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo roon. Kahit na nakayuko sya ay alam ko at kilala ko kung sino sya.

Sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon upang makausap sya. Ang problema ay ang mga bodyguard ko. Hinarap ko sila at inutusang bumalik na sa mansyon. Noong una ay tumatanggi sila ngunit wala silang nagawa nang magpumilit ako.

Nang masiguro kong wala na ang mga bodyguard ko ay muli kong nilingon ang lalaki at nilapitan. Mukha naman syang nagulat nang makita at makilala ako. Ngumiti ako sa kanya bago ako umupo sa isang swing na katabi lang ng sa kanya.

HIS POV:

Kasalukuyan akong nagmamaneho ng kotse ko. Aaminin kong hindi ko alam kung saan ako pupunta at hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Agad akong nagdesisyon na umalis sa bahay ngunit wala akong plano.

Hininto ko ang kotse at bumaba ako. Napansin kong nasa malapit na park lamang ako. Umupo ako sa swing at yumuko. Masakit ang lahat ng mga nangyari. Hindi matanggap ng sistema ko.

Habang nakayuko ay nagulat ako nang may makita akong mga binti sa harap ko. Nang tumingala ako ay nakita kong nakatayo sa harap ko si Macey. Ngumiti naman sya bago umupo sa swing na katabi ng sa akin.

Lumingon ako sa paligid upang alamin kung may mga kasama sya lalo na ang mga bodyguard nya.

"Nicolli, sinong hinahanap mo?" Mahinahon nyang tanong sa akin ngunit pansin ko pa rin ang panginginig ng kanyang boses.

"Macey anong ginagawa mo? Alam kong may hindi magandang mangyayari sayo kapag nakikita ako. Bakit ka nandito?" Takang tanong ko sa kanya.

Nag-pout naman sya bago sumagot, "I'm here to listen to your reasons, Nicolli. Alam kong kailangan kitang pakinggan at nagiging makasarili ako dahil hindi kita hinayaang magpaliwanag sa akin." Sagot nya at napansin ko naman ang panginginig ng kanyang mga kamay.

"Macey, you want closure?" Tanong ko.

"Yes, I want to talk about us. Gusto kong malaman lahat Nicolli." Tumingin sya direkta sa mga mata ko. "I want to forgive you. Just, explain everything to me." Sabi nya at nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata.

Nais kong punasin ang mga ito ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Tumingala ako at nagbalik tanawa sa nakaraan.

"Mommy wants me to break to with you. Syempre hindi ako sang-ayon doon. Mahal kita Macey kaya bakit ako makikipaghiwalay sayo?" Panimula ko bago ko sya nilingon.

"Gusto nyang makipaghiwalay ako sayo dahil anak ka ni daddy sa ibang babae. Ibig sabihin, kapatid kita sa ama. Huli na nang malaman kong ampon ako. Huli na nang nalaman kong hindi tayo magkadugo. Huli na kasi wala ka na. Pinakawalan kita. Hinayaan kitang mawala sa akin." Pagpapatuloy ko.

"Nicolli.." Pagtawag nya sa akin ngunit nagpatuloy ako.

"Patawarin mo ako Macey. Noon ko pa gustong humingi sayo ng tawad pero hindi ko magawa dahil kusa kang lumalayo sa akin." Paghingi ko ng tawad bago ko nakita ang pagbuhos ng mga luha nya.

"Mali ako nang pinagpanggap ko si Steffi. Wala akong maisip na dahilan upang makipaghiwalay ako sayo. I'm sorry kung nasaktan kita. I'm sorry kung naging malupit ako sayo. I'm sorry kung pinagsalitaan kita ng masama. I'm sorry kung nagka-trauma ka dahil sa ginawa ko. I'm sorry Macey.." Sabi ko pa na mas nagpalakas sa pag-iyak nya.

Aaminin kong para akong nawalan ng malaking tinik sa lalamunan. Aaminin kong masaya ako dahil hinayaan nya akong magpaliwanag sa kanya.

Pinunasan nya ang magkabila nyang pisngi bago tumingin sa akin habang nakangiti. Iniabot naman nya ang magkabila kong pisngi. Hindi ko namalayang umiyak ako habang kinakausap sya.

"I forgive you Nicolli. I'm sorry too kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob na kausapin ka." Sabi nya na nagpaluwag sa paghinga ko.

"No need to apologize Macey. I understand. Thank you." Nakangiting kong sinabi sa kanya bago ko naramdaman ang pagtama ng kamao sa panga ko. Narinig ko rin ang pagtili ni Macey.

Nang humarap ako sa taong sumuntok sa akin ay nakita ko ang galit na mukha ni Kristoff. "What's your problem?!" Sigaw ko sa kanya.

"Problema ko? Ikaw! Bakit ka ba nandito? Bakit mo kasama ang reyna ko?" Galit na sigaw nya sa akin.

"Kristoff tama na! Wala syang ginagawang mali. Nag-usap lang kami. Tama na, please. Umuwi na tayo." Rinig kong pakiusap ni Macey kay Kristoff bago sya tumingin sa akin.

"I'm sorry Nicolli." Paghingi nya ng tawad. Hinila naman sya ni Kristoff palayo sa akin. Pinasakay nya si Macey sa kotse bago tumungin nang masama sa akin.

###

Change of Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon