Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagkababa ko sa kusina ay may nakahanda ng almusal kaya kumain na ako at hindi ko na nagawang intayin ang pamilya ko. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko saka ako lumabas.
Tinignan ko ang wall clock sa sala at nakita kong saktong ala-sais na. Muli akong umakyat papunta sa kwarto ko at nagpalit ng damit na pang-jogging. Mag-eehersisyo ako tutal ay maaga pa.
Pagkababa ko ay naabutan ko si nanay Fe na may dalang groceries. Mukhang bumili muna sya ng mga kulang na ingredients sa aming kitchen.
"Iha, saan ka pupunta? Teka, kumain ka na ba?" Tanong ni nanay Fe habang naglalakad papasok sa kusina. Kinuha ko naman ang isang supot ng pinamili nya saka ako sumunod sa kanya sa kusina.
"Opo nanay Fe, kanina pa po. Ahh gusto ko po sanang mag-jogging sa labas. Pwede po ba?" Paghingi ko ng permiso sa kanya.
Humarap sya sa akin saka ngumiti. "Hanggang ngayon, marunong ka pa ring magpaalam. Oh sya, sige mag-ehersisyo ka na. Bago mag-alas-otso ay dapat nandito ka na. Sasabihin ko na lang sa mommy mo kapag hinanap ka." Sabi nya.
"Opo. Thank you po." Nakangiting sagot ko sa kanya bago ako tumakbo palabas.
Pagkalabas ko sa pinto ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Niyakap ko ang sarili ko habang unti-unting naglalakad palabas. Mabuti na lang ay nagsuot ako ng jacket pero nilalamig pa rin ako.
"Iha saan ka pupunta?" Rinig kong tanong ng isang tinig mula sa gilid ko. Nang lingunin ko ang taong nagsalita ay nalaman kong si butler John pala.
Agad akong ngumiti sa kanya habang naglalakad sya palapit sa akin. "Magja-jogging po ako, butler John." Sagot ko sa kanya nang makalapit sya sa akin.
"Ganon ba? Gusto mo bang sumabay sa akin? Magja-jogging din ako ngayon." Sabi nya sa akin na sinagot ko ng pagtango.
Makalipas ang halos kalahating oras ay napagpasyahan namin ni butler John na magpahinga saglit bago kami bumalik sa mansyon. Napunta kami sa play ground dito sa village namin. Umupo muna ako sa bench habang hinihintay ko si butler John na bumalik. Umalis sya saglit upang bumili ng mineral water para sa aming dalawa.
Hinubad ko na ang suot kong jacket dahil mainit na. Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong lampas ala-syete na. Huminga ako nang malalim bago minasahe ang mga binti ko. Mukhang nabigla ang katawan ko. Hindi na kasi ako nakakapag-jogging eh.
Nabigla ako nang may batang nadapa sa bandang harap ko. Mas nagulat ako nang hindi sya umiyak lalo na't natapon ang cotton candy nya. Lumapit ako sa kanya at tinulungan syang tumayo.
Nang humarap sya sa akin ay nakita kong may sugat ang kanang pisngi nya. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ko ang madumi nyang mukha. Pagkatapos nito ay pinunasan ko rin ang tuhod nya na nagkaroon ng sugat. Itinali ko doon ang panyo ko saka ako muling tumingin sa bata.
"You can cry, little girl. Alam kong nasaktan ka." Sabi ko sa kanya ngunit ngumiti lamang sya sa akin.
"Sabi po ng mommy ko, I need to be strong. Tsaka po hindi naman ako masyadong nasaktan eh. Okay lang po ako, ate." Nakangiting sagot nya sa akin.
Tinitigan ko ang mukha ng batang babae na nasa harap ko. Nakangiti pa rin sya kahit na alam kong nasaktan sya. Hinaplos ko ang pisngi nya bago ako ngumiti sa kanya.
"Kapag nasasaktan, pwedeng umiyak. Crying does not mean you are weak. You know what? I see myself in you. I should be strong enough to fight in my battle. Kahit na kailangan kong maging malakas, may mga panahon pa ring kailangan kong umiyak para malabas ko lahat ng sakit." Sabi ko sa kanya.
Hinawakan nya naman ang dalawa kong pisngi bago sya nagsalita, "You are crying po. May masakit po ba sa inyo?" Inosenteng tanong nya sa akin.
Umiling ako sa kanya habang binibigyan sya ng ngiti. "Wala baby girl. I am fine. I should be." Sabi ko bago ko hinawakan ang kamay nya.
"Nasaan ang parents mo? Ihahatid kita sa kanila." Pag-aya ko sa kanya ngunit binitawan nya ang kamay ko. Nang lingunin ko sya ay nakangiti sya sa akin. Muli akong lumuhod sa harap nya.
"Why?" Tanong ko. Muli nya namang hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"You don't need to cry para mawala ang sakit. All you have to do is to forgive those persons who gave you pain, scars and nightmares. Kapag nagawa mo na po ang magpatawad, sigurado po akong mawawala na ang sakit." Nakangiting sinabi nya sa akin bago nya ako niyakap.
"My battle ends here, ate. Thank you po." Sabi nya bago bumitaw sa akin.
"ANGEL!" Rinig kong sigaw ng isang ginang bago ako lumapit sa kanya.
Nang makalapit ako sa ginang ay naabutan ko syang may yakap-yakap na batang babae habang umiiyak. Nasa gilid naman nya ang isang ginoo na kasalukuyang may kausap sa telepono nito.
"Ma'am.." Pagtawag ko sa ginang nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Lumingon naman sya sa akin bago nagsalita,"Ang anak ko.. Wala na ang anak ko.." Sabi nya at mas hinigpitan ang yakap sa anak.
"Miss wala na ang anak ko.. Tapos na ang laban nya.." Sabi nya bago niluwagan ang yakap sa anak at hinaplos ang pisngi nito.
Nagulat ako nang makita ang mukha ng bata. Tinitigan ko ito bago ako lumingon sa pinanggalingan ko kanina. Wala na doon ang batang nakausap ko kanina. Ang batang yakap-yakap na ng kanyang ina ngayon.
"Ma'am.. Nakita ko sya kanina.." Sabi ko gamit ang mahinang boses.
Tumingin sa akin ang ginang at ngumiti. "Sinabi ba nyang huwag kang umiyak?" Tanong nya bago ako tumango. "Yan ang palagi nyang sinasabi. Huwag umiyak, ang kailangang gawin ay magpatawad, mag-move on at tanggapin ang nangyari." Pagpapatuloy nya.
Tumingin sya sa anak at tinitigan ito. "She has heart disease. Mahina ang puso nya kaya palagi kong sinsabi sa kanya na kailangan nyang maging matatag, maging malakas. Sinasabi ko lang iyon para palakasin ang loob nya, para lumaban sya sa sakit nya." Sabi nya bago namin narinig ang ambulansya.
Naglakad ang ginang papunta sa ambulansya ngunit bago sya pumasok sa loob ay tinignan nya ako. "Kung anuman ang sinabi ng anak ko sayo kanina, huwag mong kakalimutan iyon ah? Kung hindi man napagpatuloy ng anak ko ang laban nya, sana ay ipagpatuloy mo ang laban mo. Huwag kang sumuko." Sabi nya nang nakangiti.
Ilang minuto na ang lumipas mula nang makaalis ang ambulansya. Hindi ko akalaing wala na ang batang nakausap ko kanina. Ang batang pinangaralan ako. Ang batang nagsabi sa akin na magpatawad ako upang mawala ang sakit.
"Iha, nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Kailangan na nating umuwi dahil hinahanap ka na ng mommy mo." Sabi ni butler John nang makita nya akong nakaupo sa swing. Tumango ako sa kanya bago ako tumayo. Sabay kaming bumalik ni butler John sa mansyon.
###
BINABASA MO ANG
Change of Hearts (Completed)
Teen FictionBook 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to do with her life until she decided to change her heart. A heart that was belong to someone else. A heart that loved someone dearly. A heart...