Chapter 31: Paglisan

194 4 0
                                    

Pag-uwi namin sa mansyon ay agad kong hinila si Steffi papunta sa sala. Mukha namang nagulat sina daddy sa ginawa ko. Mahigpit ang hawak ko sa kanyang pulsuan kaya naririnig ko ang kanyang pagdaing.

"Nicolli ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw nya sa akin ngunit mas hinigpitan ko ang paghawak ko sa kanyang pulsuan.

Naabutan namin si mommy sa sala na nagbabasa ng magazine ngunit nang makita kami ay agad nangunot ang kanyang noo. Kitang-kita ko naman ang pagtataka sa kanyang mga mata.

Agad kong binitawan ang pulsuan ni Steffi at itinulak ko sya sa sofa. Agad syang napadaing nang tumama ang isa nyang binti sa mini table. Lumapit naman agad sa kanya si mommy at sinamaan ako ng tingin.

"What is your problem, Nicolli?" Galit na tanong nya sa akin.

Humarap sa akin si Steffi na umiiyak. Hindi ako madadala dyan sa pag-iyak nya. Ramdam ko ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ko. Ramdam ko rin ang panginginig ng labi ko. Oo galit ako. Galit ako kay Steffi.

"Hindi ako ang may problema dito kundi yang anak nyo!" Sigaw ko kay mommy.

"Nicolli don't shout at me!" Sigaw nya rin sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko upang pakalmahin ang sarili ngunit kahit anong gawin ko ay ramdam na ramdam ko ang galit.

"Kuya.." Rinig kong pagtawag sa akin ni Nicole kasabay ng paghawak nya sa kanang braso ko. Lumingon ako sa kanya at nakita kong namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Nicolli, anong problema?" Mahinahong pagtanong sa akin ni daddy bago nya hawakan ang kamao ko.

"Steffi planned everything." Pagsagot ko bago ako tumingin nang masama kay Steffi na mukhang nagulat.

"Napakasingungaling mo! Paano ka nakakatulog sa gabi? Wala ka bang kunsensya?" Nanggigigil na tanong ko sa kanya.

"Nicolli ano bang sinasabi mo?" Sabi nya habang umiiyak.

"Stop crying!" Sigaw ko sa kanya bago ako lumapit at hinawakan sya sa magkabila nyang braso. "Huwag ka nang magmaang-maangan! Alam ko na kung anong totoo!" Sabi ko pa sa kanya dahilan ng paglakas ng pag-iyak nya.

"Nicolli stop it!" Sigaw sa akin ni mommy ngunit hindi ko sya pinansin.

"Nicolli nasasaktan ako." Sabi nya ngunit mas hinigpitan ko ang paghawak sa kanya.

"Talagang masasaktan ka sa akin!" Sigaw ko sa kanya. "Sinungaling ka! Pinalabas mo na si Macey ang tumulak kay Nicole sa hagdan noon pero ang totoo ay ikaw! Ikaw ang tumulak sa kapatid ko kaya sya na-coma! Ano? Pagkatapos ng mga nangyari, hindi ka man lang umamin? Hindi ka man lang humingi ng tawad ha? Na-coma si Nicole sa loob ng anim na taon. Nakulong si Macey dahil pinalabas mo na sya ang may kasalanan. How could you?" Sabi ko saka ko sya sinampal.

"Nicolli ano ba?!" Sigaw ni mommy ngunit hindi ko sya pinansin.

Umiiyak si Steffi sa harap ko habang hawak-hawak ang pisnging sinampal ko. "Nung gabing nakipaghiwalay ako kay Macey, sinaktan mo sya. Huwag mo kong iyakan dyan dahil mas malala ang ginawa mo kay Macey noon!" Sabi ko bago ko pinunasan ang magkabila kong pisngi. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Steffi, nagawa mong saktan ang mga kapatid mo. Para saan? Para makuha ako? Ganoon ka na ba kadesperada ha?" Tanong ko.

Pinunasan nya ang magkabilang pisngi bago humarap sa akin. "Oo! Nagawa kong itulak si Nicole sa hagdan! Oo! Nagawa kong saktan si Macey! Anong magagawa ko? Nakaharang sila sa dadaanan ko." Pag-amin nya.

Muli kong hinawakan ang magkabila nyang braso. Kitang-kita ko kung paani sya napadaing dahil sa higpit ng paghawak ko.

"Nakaharang? Kasi ano? Nalaman ni Nicole ang balak mong gawin kay Macey? Kasi ano? Si Macey ang mahal ko at hindi ikaw? Ganoon ba yun, Steffi?" Sabi ko bago ako umiling. "Nalaman ni Nicole ang plano mo. Nalaman nyang ipapakidnap mo si Macey, papahirapan saka mo ipapatapon sa malayo. Kaya nang matuklasan mong narinig ka nya, itinulak mo sya sa hagdan at pinalabas na si Macey ang may kasalanan. Alam mong magagalit kami sa kanya at ipapakulong sya. Naisip mo na mawawala na rin sa landas mo si Macey." Pagbubunyag ko sa kasalanan nya.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak nya at alam kong kinakabahan na sya dahil nalaman na ng mga magulang nya ang totoong nangyari.

"Napakagaling mo! Ang galing mong gumawa ng plano! Nagawa mong mapalayo si Macey at madagdagan ang sama ng loob nya sa pamilya natin. Napakagaling mo!" Sarcastic kong sinabi sa kanya.

"Oo may kasalanan ako kay Macey pero mas malaki ang kasalanan mo sa kanya!" Sigaw ko bago ko sya itulak paupo sa sofa.

Nagulat ako ng hinarap ako ni mommy at sinampal. "You don't hurt my daughter! Sino ka para saktan ang anak ko? Ni hindi kita kadugo, Nicolli kaya wala kang karapatang saktan ang anak ko!" Sigaw nya sa akin kasabay ng panduduro nya bago nya nilapitan si Steffi.

Umatras ako. Oo aaminin kong nasaktan ako sa sinabi ni mommy. Ay, hindi ko nga pala sya tunay na ina dahil sampid lang ako sa pamilyang ito. Sino bang niloloko ko? Hindi ko sila tunay na pamilya.

Tinulungan nyang makatayo si Steffi habang masama ang tingin nya sa akin. Samantala, naramdaman ko naman ang paghawak sa akin nina daddy at Nicole.

"Nicolli.." Pagtawag sa akin ni daddy Miguel.

Ngumise ako bago huminga nang malalim. "Sino ba ako para saktan ang anak mo? Sino ba ako para pagsabihan ang tunay mong anak? Hindi nyo nga pala ako tunay na anak, kaya wala akong karapatan." Sabi ko bago ako naglakad paakyat sa kwarto ko.

Pagkadating ko sa kwarto ko ay agad kong kinuha ang malaki kong maleta at sinimulan ko na ang pagkuha sa mga gamit ko. Itinupi ko ang mga damit ko saka ko inilagay sa maleta. Sunod kong kinuha ang iba ko pang importanteng mga gamit at nilagay sa maleta.

Nang matapos ako ay umupo ako sa kama. Narinig ko naman ang pag-iyak ni Nicole. Nilingon ko sya at ningitian. Tumakbo sya palapit sa akin saka ako niyakap nang mahigpit.

"Kuya huwag kang umalis. Huwag mo kong iwan.." Pakikiusap ni Nicole.

Humiwalay ako sa yakap bago ko pinunasan ang magkabila nyang pisngi. Ngumiti ako sa kanya habang tinititigan ko sya.

"Kailangan nang umalis ni kuya. Masyado nang masikip dito sa mansyon nyo." Sabi ko sa kanya dahilan ng paglakas ng pag-iyak nya.

"Don't worry, I'll contact you always." Sabi ko sa kanya.

Tumayo ako at kinuha ang maleta ko. Tumayo si Nicole at sumabay sa akin sa pagbaba ng hagdan. Nang makarating kami sa sala ay tumingin sa akin si daddy nang nagtataka. Lumapit sya at hinawakan ang braso ko.

"Son you don't need to do this. This is still your home, you can stay here." Pakiusap ni daddy ngunit buo na ang desisyon ko.

"I'll be fine dad. Thank you." Sabi ko bago ko sya niyakap. Kahit anong mangyari, daddy Miguel will always be my hero.

###

Change of Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon