Chapter 40: Date

163 3 0
                                    

HIS POV:

Hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya. Kahit anong gawin ko, nananatili akong nakatingin sa pinakamagandang babae na nakilala ko.

"Nicolli please. Tigilan mo nga yang panininitig mo sa akin. Sige ka, baka matunaw ako." Pagrereklamo ng babaeng mahal ko bago sya tumawa.

Napangiti na lang ako habang tinititigan pa rin sya. Masisisi nyo ba ako kung titigan ko sya? Man, ang tagal kong hinintay ang araw na ito, ang makasama sya at magkabalikan kami. Noon tila panaginip na lang siguro na makasama ko sya pero ngayon, abot kamay ko na sya.

Hindi ako makapaniwalang, akin na ulit sya. Kami na ulit. Ipinagpapatuloy namin ang naudlot naming pag-iibigan. Dream come true ito!

"Nicolli, focus on driving! Baka maaksidente tayo sa ginagawa mo eh." Pagrereklamo nya pa.

"Yes boss!" Sagot ko sa kanya bago ko sya kinindatan. Umirap naman sya sa akin sabay tingin sa labas ng bintana.

Aba! Kailan pa sya natutong umirap sa akin? Mukhang marami syang natutunan mula sa mga kaibigan nya ah. Naalala kong gawain din iyan ng mga kaibigan nya. Grabe sila! Inimpluwensyahan nila ang Macey ko!

Nasa parking lot pa lang kami ng school, agaw pansin na ang kotse ko. Iba talaga kapag gwapo eh! Hinihintay talaga ako ng mga fans ko..

Hindi ko muna pinababa si Macey sa kotse ko. Umikot ako sa pwesto nya at binuksan ang pinto bago sya bumaba. Narinig ko naman na napasinghap ang mga estudyante dahil sa nakita.

Ano bang nakakagulat doon? Para silang baliw! Kasama ko lang naman ang reyna nila. Anong kagulat-gulat doon?

Habang naglalakad kami sa corridor ay mga nagtatakang mukha ang nasalubong namin. Lahat sila ay nagsigilid nang makitang palapit kami ni Macey. Grabe! Para naman kaming artista nito.

Hawak ko nang mahigpit ang kamay ni Macey habang naglalakad kami. Halos magulat naman ang karamihan sa mga estudyante nang makita ang magkawak naming kamay ni Macey.

Palagi na lang bang may magugulat? Matagal din akong nanligaw kay Macey at saksi silang lahat doon! Kaya anong nakakagulat kung kami na?

"Totoo nga!" Rinig kong sigaw ng isang lalaking estudyante sa gilid. Huminto ako sa paglalakad kaya napatigil din si Macey dahil hawak ko ang kamay nya.

Lumapit kami doon sa lalaking nagsalita. "Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Kahapon ko lang nalaman ang tungkol sa inyo. Ngayon napatunayan kong totoo nga ang nasa balita, Nicolli. Congrats sa inyo!" Nahihiyang pagsagot nung lalaki bago sya umatras.

Natatakot ba sya sa akin? Nagtatanong lang naman ako ah! Masyado syang defensive.

"Ganoon ba? Salamat ah!" Nagulat ako nang magsalita si Macey. Maging yung lalaking kausap ko kanina ay nagulat din lalo na nang ngitian sya ni Macey.

"Ahh.. You're welcome Queen. Ikaw pa ba? Syempre support kaming mga fan mo." Sinserong sinabi nung lalaking fan ni Macey.

Ngumiti lang ulit si Macey sa kanya bago ako niyayang umalis na doon. Hinatid ko muna si Macey sa room nya bago ako dumiretso sa room ko.

Ala-una na ng hapon at hinihintay ko si Macey dito sa labas ng room nya. Ngayon ang huling klase nya ngayon samantalang ako ay kanina pang alas-diyez natapos ng klase ko. Half day lang kami ngayon kaya niyaya kong mamasyal si Macey.

Unang lumabas ang mga kaklase nya bago ko sila nakita ng mga kaibigan nya. Huli silang lumabas upang hindi na makipagsiksikan sa mga kaklase nila.

Agad akong lumapit kay Macey at hinawakan ang kanang kamay nya. Nakita ko namang nagngisihan ang mga kaibigan nya na para bang inaasar nila ang fiance ko. Naks, fiance! Sarap pakinggan.

Change of Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon