Chapter 48: Vacation

232 4 0
                                    

HIS POV:

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nakikita ko. Tuwang-tuwa ang babaeng mahal ko sa mga batang nakakasalubong nya at nakikipaglaro sa kanya. Para syang bata! Ang cute nya nga eh!

Nandito kami sa resort na pagmamay-ari ng kaibigan kong si Tristan. Sina tita Angela at Kirsten ay kasalukuyang nasa loob ng hotel kasama si Tristan at mga magulang nito. Ang alam ko ay mag-uusap sila tungkol kay Mary Ann.

Ang iba pang kaibigan ni Macey at ang mga kapatid kong sina Steffi at Nicole ay naglalaro ng buhangin. Si Kristoff ay kasama ni uncle John at ng mga magulang ko na nagtatampisaw sa dagat.

Ako ay nakaupo sa buhanginan habang pinapanood si Macey. Nang nagsawa na sya sa pakikipaglaro sa mga bata ay lumapit sya sa akin at niyakap ang kanang braso ko.

"Napagod ka na.. Para ka talagang bata." Pagkomento ko bago ko hinawakan ang mukha nya at hinarap sa akin.

Nangunot ang noo ko nang mapansin na parang nahihirapan syang huminga. Nakapikit ang mga mata nya at nakabukas ng kaunti ang bibig nya.

"Baby, are you okay? Gusto mo bang magpahinga muna?" Nag-aalalang pagtanong ko sa kanya.

Idinilat nya ang mga mata at nakangiting tumingin sa akin. "I'm fine.. Siguro.. napagod lang ako sa.. pakikipaglaro sa mga bata.." Sabi nya para mapanatag ang loob ko pero nag-aalala pa rin ako.

"Pasok muna ako.. Magpapahinga lang saglit.." Pagpaalam nya bago sya tumayo.

Tumayo rin ako at hinawakan ang kamay nya. "Samahan na kita." Sabi ko pero tumutol sya. Bigla namang lumapit sina Dhepriz, Louiz at Venice sa kanya at sila na ang sumama kay Macey sa hotel room nya.

"Kuya, okay lang ba si ate Macey?" Tanong ng kapatid kong si Nicole. Si Steffi naman ay lumapit din sa akin. "Napagod siguro sa kakalaro.." Sabi nya kay Nicole.

Alas-sais ng gabi ay sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Katulad kaninang umaga ay nahuling dumating sa restaurant ang Fallen Angels. Tinignan ko si Macey at mukha na syang okay. Tumabi sya sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

Kasalo naman sa hapunan ang mga magulang ni Tristan. Masaya kaming lahat dahil naging maganda ang pag-uusap nila kanina. Binalita rin nila na nakatakda nang magpakasal sina Tristan at Kirsten sa susunod na limang taon. Tagal no? Yun kasi ang kundisyon ng mga magulang ni Tristan at ni tita Angela. Maganda rin yun dahil bata pa naman ang mga kaibigan namin.

"Kids, may kaunting kasiyahan mamayang alas-syete ng gabi dyan malapit sa sea shore. Mayroong live bands na regular nang tumutugtog dito sa resort. You should come." Maya-maya ay sinabi ng ina ni Tristan na sinang-ayunan naming lahat.

"Maganda yan upang marelax naman kayo." Sabi naman ng dad ni Tristan.

Pagkatapos kumain ay magkahawak-kamay kaming naglalakad ni Macey sa dalampasigan. Tinitignan namin ang dagat at ang iilang tao na lumalangoy pa rin kahit gabi na.

Nang mapansin kong nilalamig na si Macey ay binitawan ko muna ang kamay at binalot sa kanya ang bitbit kong scarf nya. Ngumiti sya sa akin habang binabalot ko sa kanya yung scarf. Kakaiba ang tingin ni Macey sa akin kaya medyo nagtataka ako.

"Why are you looking at me like that?" Tanong ko sa kanya na sinagot nya ng pag-iling.

Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mga mata ko. Kakaiba pa rin ang pagtingin nya sa akin. Para bang sinasabi ng mga mata nya ang tunay nyang nararamdaman. Nakikita ko sa mga mata nya ang tuwa, pagmamahal, pag-aalinlangan at takot.

"Macey ko.." Pagtawag ko sa kanya upang patigilin sya sa paraan nya ng pagtingin sa akin. Iba ang nararamdaman ko kapag ganon ang tingin nya. Natatakot ako pero hindi ko alam kung bakit.

Change of Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon