Chapter 43: Mary Kirsten Lee

180 5 0
                                    

"Happy birthday to you.. Happy birthday.. Happy birthday to you.." Sabay-sabay na pagkanta ng mga bata.

Masaya silang kumakanta sa batang may kaarawan ngunit ang kinakantahan nila ay malungkot at halatang hindi masaya sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

"Bakit hindi ka masaya?" Tanong ko kay Mary Ann. Yes, its Mary Ann. Today is February 25 and its her 7th birthday.

Nang makita ako ay agad syang ngumiti at niyakap ako. "Mommy ganda! Sabi ko na nga ba, pupunta ka eh." Masayang sinabi nya.

Lumingon naman sya sa likod ko at mukhang may hinahanap. Muli syang tumingin sa akin at tinanong ako, "Mommy ganda, asan po si mommy Kirsten? Sabi nya po pupunta sya, diba?"

Maya-maya ay lumapit sa amin si Tristan kasama ang mga kaibigan nya. Samantala, nagkabatian naman sila ni Nicolli na kasama ko.

"Baby, malapit nang dumating ang mommy mo, okay? Kaya huwag ka ng malungkot." Sabi ko na lang kay Mary Ann.

Lumipas ang ilang minuto at wala pa rin si Kirsten. Sina Dhepriz, Louiz at Venice ay kanina pa nandito. Si Kirsten na lang ang wala at mukhang na-traffic pa ata sya.

Natapos na ang birthday celebration ni Mary Ann pero walang Kirsten ang dumating. Umiiyak na nagkulong si Mary Ann sa kwarto nya. Kanina pa sya pinapatahan ni Tristan pero iyak pa rin sya nang iyak. Kung anu-anong palusot na lang ang sinabi namin sa kanya para lang tumahan sya pero hindi effective. Alam nya siguro na nagsisinungaling lang kami sa kanya.

"Asan na ba si Kirsten? Akala ko ba susunod na lang sya?" Tanong ni Nicolli habang nakatingin sa akin.

Nandito na kaming lahat sa sala maging si Tristan. Kanina pa sya nag-aalala dahil hindi tumitigil sa pag-iyak ang anak nya. Ang mga kaibigan ko naman ay kanina pa tinatawagan si Kirsten pero hindi nya sinasagot.

"Yun ang paalam nya kanina Nicolli. Baka na-traffic lang." Sagot ko sa kanya.

"Na-traffic?! Eh kanina pa sya wala dito!" Sigaw ni Tristan. Mukhang maging sya ay nag-aalala na kay Kirsten.

"Don't shout at my girl, Tristan!" Pagsuway sa kanya ni Nicolli. Nag-sorry na lang sa akin si Tristan.

"Queen, baka kung ano ng nangyari kay Kirsten. Hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito, diba?" Sabi sa akin ni Venice.

"Maayos lang ang lagay nya Venice. Huwag kang nega." Sabi sa kanya ni Louiz.

"Anong ibig nyong sabihin? Hindi ito ang unang beses na nawala sya?" Tanong bigla ni Tristan.

"Its her daughter's death anniversary." Napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto ng bahay ni Tristan at niluwa nito ang kaibigan kong basang-basa sa ulan.

"KIRSTEN!" Sigaw naming lahat nang sampalin nya nang malakas sa pisngi si Tristan.

(KIRSTEN'S POV:)

*FLASHBACK..

Tanghaling tapat nang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nalaman kong ang aking boyfriend ang tumatawag.

"Hello babe!" Pagsagot ko sa tawag nya. Hindi pa man sya nagsasalita ay tumitibok na nang malakas ang puso ko. Tila alam na alam nito kung sino ang kausap ko.

"Kirsten." Pagtawag nya sa pangalan ko. Singlamig naman ng yelo ang boses nya hindi tulad noon na may kasamang lambing. "Let's meet. 5pm sharp at Angel's cafe." Huling sinabi nya bago sya nawala sa linya.

"I love you Tristan." Sabi ko kahit na alam kong hindi na nya narinig.

Alas-singko ng hapon nang dumating ako sa Angel's cafe. Pagdating ko doon ay wala pa ang taong makikipagkita sa akin. Umupo ako malapit sa pinto at katabi ng bintana upang makita ko ang pagdating nya at upang mabilis nya lang akong makikita.

Change of Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon