KRISTOFF'S POV:
Buwan na ng pebrero at bukas ay araw na ng mga puso. Ito rin ang petsa kung kailan inoperahan si Macey at napunta sa kanya ang puso ng mahal ko, si Mayumi Chu.
Mayumi Chu was my girlfriend. I broke up with her because she cheated on me. We were happy with our relationship and we lasted almost six years but then, she chose to cheat on me.
Hindi ko alam kung paano nya iyon nagawa. Ginawa ko ang lahat para mapasaya sya at maparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Pinagkasya ko ang oras ko sa kanya at sa trabaho ko.
Ginampanan ko ang pagiging mabuting kasintahan ngunit hindi pala iyon sapat. Hindi naging sapat ang pagmamahal ko para manatili sya sa piling ko.
Kahit na mahal na mahal ko sya ay mas pinili kong makipaghiwalay kaysa sa ituloy ang relasyon naming dalawa na may lamat na. Sinira nya ang tiwala ko. Mas pinili nya ang sandaling kasiyahan kaysa sa matagal na naming relasyon.
Tiniis ko sya. Hindi ko sya pinansin kahit na palagi syang nagpapapansin. Kahit na masakit sa akin kapag nakikita ko syang umiiyak sa harap ko, mas pinili kong ignorahin sya. Siguro ay napuno na sya. Siguro ay nagsawa na sya sa kakahingi ng tawad kaya tinupad nya ang gusto ko, ang mawala na sya sa buhay ko.
Lubusan akong nagsisisi nang mabalitaan ko ang nangyari sa kanya. Nasagasaan sya ng truck at agad ding nawalan ng buhay. Doon ko nalaman ang halaga nya. Doon ko nalaman na kahit malaki ang kasalanan nya sa akin ay mahal na mahal ko pa rin sya.
Habang nasa ospital ay pabalik-balik ako sa morge at sa operation room kung saan inooperahan ang half sister ko na si Macey. Hindi ako mapakali. Parang may mali, parang may hindi tama.
Si Mayumi ay ulilang lubos kaya ako ang nag-asikaso sa kanya hanggang sa kanyang huling hantungan. Ilang buwan ang lumipas mula nang mamatay sya ay nalaman ko ang ginawa nya. Hanggang sa huli ay napatunayan kong mahal nya ako. D-in-onate nya ang puso nya sa taong nangangailangan. Ibinigay nya ang puso nya sa kapatid ko.
Kahit na hindi nya lubusang kilala si Macey ay alam nya pa rin ang kundisyon nito dahil madalas kong ikwento sa kanya ang pamilya ko. Alam nyang mahal ko ang kapatid ko kaya d-in-onate nya ang puso nya para rito.
Hindi ko alam na simula nang ikwento ko sa kanya ang kalagayan ni Macey ay nakipagkasundo na sya sa mga doktor at ilang ospital na ido-donate nya ang puso nya kay Queen Macey Aragon kapag may nangyari sa kanya. Hindi nya kailanman sinabi sa akin ito. Isinikreto nya ang tungkol dito.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Kapag kasama ko ang kapatid kong si Macey ay si Mayumi ang nakikita ko. Ang pagmamahal ko para kay Mayumi ay ipinararamdam ko kay Macey. Alam kong mali pero ito ang nararamdaman ko and I am tolerating it.
Hindi ko pinagpipilitan ang sarili ko sa kanya dahil alam kong may mahal syang iba. And it pains me knowing na may mahal syang iba. Pakiramdam ko ay muli akong niloloko ni Mayumi at pinapapalit na ako sa iba.
I asked this to our mom. Sa umpisa ay nagalit sya dahil kapatid ko si Macey sa ina at magkadugo kami. Pinagsabihan nya akong lumayo kay Macey at natupad naman iyon nang bumalik sila sa Pilipinas.
May hindi magandang nangyari sa kanya kaya pinilit kong pumunta kung nasaan man sya. Nang mabalitaan ko ang nangyari ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay muli akong iiwan ni Mayumi. Alam kong mali ito pero pilit kong kinumbinsi ang sarili kong natural lamang na mag-alala ako sa kanya dahil kuya nya ako.
Nanatili ako sa bansa kasama sya at ang pamilya namin. Akala ko wala na. Akala ko wala na akong pagmamahal para kay Mayumi na naitutuon ko kay Macey ngunit nagkamali ako. Akala ko ay pagmamahal bilang kapatid ang meron ako para sa kanya pero hindi. Mas nangingibabaw ang pagmamahal ko hindi bilang kapatid kundi bilang kasintahan.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts (Completed)
Novela JuvenilBook 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to do with her life until she decided to change her heart. A heart that was belong to someone else. A heart that loved someone dearly. A heart...