QUEEN MACEY'S POV:
Today is December 25, Christmas day and the celebration of my group's and my company's anniversaries. Kaninang umaga pa kami nandito sa venue ng event at naghahanda. Tila hindi kami pagod at energetic pa rin kahit na kababalik lang namin dito sa Pinas kaninang madaling araw mula sa Korea.
Naging successful ang naging concert namin sa Korea at maraming fans ang nagpunta at nag-enjoy. Marami ring celebrities and artists ang nagpunta sa aming anniversary concert.
Tumagal kami roon higit sa inaasahan at ngayong araw lang nakabalik imbes na noong December 20. At imbes na concert lang ang naka-schedule na gagawin ay nagkaroon pa kami ng multiple interviews. Karamihan sa mga itinanong nila ay tungkol sa akin at nangyari noong nakaraang buwan. Kahit na ba nagbigay na kami ng official statement ay parang hindi pa rin kuntento ang mga fans doon. Nais talaga nila na manggaling mismo sa bibig ko ang tunay na nangyari.
Marami ring nagsabi na bumalik na kami roon imbes na manatili rito sa Pilipinas. Halos umangal sila nang sinabi namin na kailangan naming manatili rito sa bansa. Naiintindihan ko naman sila kaya lang ay hindi ko pwedeng iwanan muli ang pamilya ko rito.
"Queen!" Rinig kong pagtawag sa akin ni Kristoff. Ngumiti ako ng inabutan nya ako ng pagkain. "Salamat!" Pagpapasalamat ko sa kanya.
"Kumain ka na aking reyna at maya-maya ay magsisimula ulit kayo sa rehearsals. Oo nga pala, narito na ang mga damit nyo pati na rin ang sapatos na napili ni Louiz at Venice." Sabi naman nya.
Tumango ako sa kanya bago ako umupo at kumain. Tinignan ko ang wrist watch ko at nakita kong almost 1pm na rin pala. Ni hindi ko namalayan ang oras. Kung hindi pa ako nilapitan ni Kristoff ay hindi pa ako makakakain.
Nagulat ako nang may umagaw sa pagkain ko. Pagtingin ko ay si Kristoff pala. Agad akong sumimangot sa kanya. Nang-aagaw ng pagkain samantalang sya ang nagbigay nito sa akin kanina.
"Smile my queen." Sabi nya bago ibinalik sa akin ang pagkain ko. Nakita kong hinimay nya pala ang chicken joy ko at nilagyan ng gravy. Napangiti ako dahil sa kanyang ginawa.
"There." Sabi nya habang nakangiti. Kahit kailan talaga ay napaka-maalaga ni Kristoff. Masyado na nya akong ginagawang baby eh hindi naman ako baby.
"Ehem!" Pareho kaming lumingon ni Kristoff sa taong umubo ng peke.
"Louiz, why?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang sya habang binibigyan ako ng kakaibang ngiti. Ayan na naman sila. Aasarin na naman ako nyan.
"Ahh Queen. Pumunta ako rito para sabihin sayong 5 minutes na ay magsisimula na tayo sa rehearsals." Sabi nya.
Sumimangot si Kristoff bago nagsalita, "Make it 10 minutes. Kumakain pa si Queen." Sabi nya sa kaibigan ko.
"8 minutes!" Sabi naman ni Louiz.
"15 minutes." Sabi ni Kristoff at nagreklamo naman si Louiz.
"Kristoff naman eh!" Sabi ni Louiz at nagpapadyak pa ng paa.
"Haay.. Tama na yan. Hintayin mo na lang ako hanggang sa matapos ako Louiz tapos sabay na tayong pumunta doon, okay?" Sabi ko sa nag-aalburoto kong kaibigan.
Ngumiti naman sya at tumango. Umupo sya sa tabi ko at bumelat kay Kristoff. Tinawanan lang naman sya nung isa.
Pagkatapos kong kumain ay sabay-sabay kaming tatlo na lumabas at pumunta sa stage. Ito na ang huli naming rehearsal at pagkatapos nito ay maaari na kaming magpahinga para sa mini concert mamayang 7pm.
"As expected, napakagaling nyo talaga Fallen Angels. Congratulations!" Sabi ng instructor bago kami matapos sa rehearsal.
Pagkababa namin sa stage ay nakasalubong namin si mommy, nanay Fe at si butler John na pare-parehong nakangiti sa amin. Nakita ko namab maluha-luha si nanay Fe. Agad ko syang nilapitan at niyakap.
"Nanay Fe bakit po?" Tanong ko sa kanya.
"Wala anak. Masaya lang ako at successful ka na katulad ng iyong ina. Noon ako lang ang audience mo pero tignan mo naman ngayon, sikat ka na at marami nang nagmamahal sayo." Sagot nya.
Naalala ko, noon ay mahilig na talaga akong umawit at sumayaw. Tanging si nanay Fe lamang ang nanonood sa akin at pumapalakpak. Sya lang ang tuwang-tuwa dahil sa napakagaling ko raw.
Naalala ko rin, noong kaarawan ni Miguel Reyes ay umawit din ako bilang regalo. Ngunit imbes na matuwa ay nagalit sya at nag-walk out. Nagalit din sa akin ang kanyang asawa. Ang sabi pa nito ay sinira ko lang ang selebrasyon ng kaarawan ng asawa nya.
Kinausap ko kinagabihan si Miguel Reyes ngunit mas nagalit pa sya. Sinabi nyang dapat ay hindi ako kumanta sa harap ng mga bisita nya dahil hindi naman maganda ang boses ko. Iyak ako nang iyak nung gabing iyon kaya simula noon ay kay nanay Fe na lang ako kumakanta dahil sya lang ang naniniwalang maganda ang boses ko.
Nabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ang pagdampi ng malambot na bagay sa kaliwang pisngi ko kasabay niyon ay ang tilian ng mga kaibigan ko. Nakisali rin sa tilian ang pamilya ko. Tinignan ko ang may pasimuno nito at sinamaan ng tingin.
"Sorry na reyna ko. Tulala ka kasi kaya ayan, kiniss kita." Natatawang sabi nya.
"Ewan ko sayo." Sabi ko sa kanya bago ko sya tinalikuran. "Tara na Angels, maghanda na tayo." Sabi ko naman sa mga kaibigan ko.
Natatawa sila habang sinasabayan ako sa paglakad. Ang sabi ni Louiz ay parang batang naagawan ng candy ang itsura ni Kristoff. Nang tingnan ko ito ay napakalungkot nga ng mukha nito.
Naglakad ako pabalik kay Kristoff at hinalikan ko din ang pisngi nya. Mukha naman syang nagulat dahil sa ginawa ko. Natatawa tuloy ako dahil sa itsura nya.
"Tara na." Pag-aaya ko sa kanya bago ko hinawakan ang braso nya at hinatak na paalis doon. Wala syang nagawa kundi ang sumunod sa akin.
Sino ba ang reyna? Ako diba?
Pagkarating namin sa dressing room ay naabutan ko ang mga kaibigan ko na pinagkakaguluhan ang banana cake sa lamesa. I wonder kung kanino galing iyon. Imposible naman na sina mommy dahil hindi ko naman nakita na may dala sila.
"Ate Macey!" Rinig kong pagtawag sa akin ng dalawang lalaki.
"Marcus! Marco! Ano ba ang ingay nyo ah!" Pagrereklamo ng kanilang ate na si Kirsten. Yes, sina Marcus at Marco ay ang kambal na kapatid ng kaibigan kong si Kirsten.
Ngumiti ako sa kambal bago ko sila niyakap nang mahigpit. "I miss you twins!" Sabi ko bago ko naramdaman ang pagyakap nila sa akin.
"We miss you too, ate Macey!" Sabay nilang sinabi bago sila napabitaw sa akin.
"Master naman eh! Nagseselos ka na naman dyan! Parang yakap lang sa reyna mo, pimagdadamot mo pa." Pagrereklamo ng kambal sa kanilang master.
"Anong sabi nyo?" Pagtanong ni Kristoff.
"Wala Master! Ang sabi namin ay napakagwapo mo talaga! Sayo kami nagmana ni kambal eh!" Sagot ni Marco.
"Oo nga, master! Manang-mana kami ni kambal sayo!" Sabi naman ni Marcus. "Dahil mahal din namin si Queen katulad mo!" Sabi nya pa.
"Amin amin din kasi master. Bahala ka, maagawan ka ng iba." Pang-aasar naman ni Marco sabay nakipag-apir sa kakambal.
Ladies and gentlemen, sila po ang boy version ng mga kaibigan ko na sina Louiz at Venice. Ang sakit nila sa ulo!
###
BINABASA MO ANG
Change of Hearts (Completed)
Teen FictionBook 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to do with her life until she decided to change her heart. A heart that was belong to someone else. A heart that loved someone dearly. A heart...