Chapter 30: Nicole's confession

190 4 0
                                    

Nang makapasok kami sa aming mansyon ay dinala kami ng aming mga paa sa sala. Samantala, nakita ko naman ang pagpasok ni nanay Fe kasama si Kristoff at ang mga kaibigan ko.

Si mommy ay umakyat papunta sa kanyang kwarto at si nanay Fe naman ay dumiretso sa kusina upang magluto ng almusal para sa amin. Ang mga kaibigan ko naman at si Kristoff ay nanatili rito sa sala at tinitigan kaming dalawa ni Nicole.

Tinignan ko sa mga mata si Nicole at hindi ako makapaniwalang nagawa ko ito nang hindi kumakalabog ng malakas ang dibdib ko at hindi nanginginig ang mga kamay ko.

Muli nya akong niyakap at sinubsob nya ang kanyang mukha sa gilid ng aking tyan. Ito ang palagi nyang ginagawa tuwing may problema sya na nais nyang sabihin sa akin upang matulungan ko sya kung paano reresolbahin.

"Nicole." Pagtawag ko sa kanya dahilan ng pagtingin nya sa akin at pag-ayos nya ng upo.

"What's wrong?" Tanong ko nang hindi sya nagsalita. Nag-alala ako sa kanya nang makita ko ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata.

"Why?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Muli naman nya akong niyakap at nagsimula syang umiyak sa mga balikat ko.

Hinaplos ko ang kanyang likod upang patahanin sya. Sa tingin ko ay hindi ito naging epektibo dahil mas lumakas ang kanyang pag-iyak. Lumingon ako sa mga kasama ko rito sa sala upang humingi ng tulong.

Bumitaw sa yakap si Nicole at tinignan ako sa mga mata. "I'm sorry ate Macey. Wala akong nagawa para matulungan ka. Ang hina-hina ko kasi." Sabi nya habang pinupunasan ang kanyang magkabilang pisngi.

"Anong ibig mong sabihin Nicole?" Takang tanong ko sa kanya.

"Ate Macey kailan ko lang nalaman ang tungkol sa nangyari sayo at kung anong ginawa ng pamilya ko sayo noon. I'm sorry ate Macey. Alam kong dahil sa akin kaya nila iyon nagawa." Sagot nya.

Makalipas ang anim na taon ay ngayon lamang may humingi ng tawad sa akin ng personal. Sya ang unang tao mula sa nakaraan ang humihingi ng tawad sa harap ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit nakaramdam ako ng saya.

"Its okay Nicole. Its all in the past." Sagot ko sa kanya. "I also want to say sorry to you. Wala akong nagawa nung--" pinutol nya ang kung anuman ang nais kong sabihin.

"Wala kang kasalanan ate Macey. Kami ang may kasalanan sayo kaya in behalf of my family, I'm sorry ate Macey. Alam kong matagal na pero gusto ko pa ring humingi ng tawad sayo." Sabi nya dahilan ng pagluha ko.

Akala ko tulad ng kanyang pamilya ay magagalit din sya sa akin. Akala ko ay may gagawin din sya sa akin upang parusahan ako ngunit nagkamali ako. Tama si Kirsten, kailangan lang naming mag-usap nang maayos at magiging okay na kami.

Naramdaman ko naman ang pagpunas nya sa magkabila kong pisngi bago sya muling nagsalita. "About what happened ate Macey." Panimula nya.

"The reason why Steffi pushed me is because.. I discovered her evil plan against you." Pagpapatuloy nya.

HIS POV:

Pagkatapos kaming kausapin ni butler John, or should I say, uncle John, ay sinamahan nya akong pumasok sa loob ng Aragon mansion upang sunduin ang nakakabata kong kapatid.

Ngayong magkasama kami ni uncle John ay nais ko sana syang kausapin tungkol sa pagkatao ko ngunit sa tingin ko ay hindi ito ang tamang oras para doon. Kailangan ko munang ayusin ang gusot sa pagitan ng dalawa kong kapatid bago ko asikasuhin iyon.

"The reason why Steffi pushed me is because.. I discovered her evil plan against you." Rinig kong sinabi ni Nicole kay Macey nang matanaw ko sila sa sala.

"What is it?" Tanong ni Macey sa kapatid ko. Samantala, napansin naman ni uncle John ang paghinto ko kaya napatingin sya sa akin.

"Steffi wants to get rid of you. She wants kuya Nicolli for herself. She planned to kidnap you. Gusto nyang mawala ka sa buhay nya. Narinig kong may kausap sya sa cellphone nya at may inutusan sya para kidnapin ka saka ka papahirapan at itatapon sa malayong lugar." Pagbubulgar ni Nicole.

Para akong nawalan ng dugo dahil sa narinig ko. Hindi ako makapaniwalang nagawa iyon ni Steffi. Kung hindi pala naaksidente si Nicole ay natuloy na sana ang plano nya. How dare she! At para ano? Para makuha ako?

"Nahuli nya akong nakikinig sa kanya kaya nagalit sya at itinulak nya ako sa hagdan. Iyon ang nakita mo, ate Macey. At pagkatapos nun ay nawalan na ako ng malay." Huling sinabi ng aking kapatid bago sya umiyak sa harap ni Macey.

Nakita kong nanatiling nakatitig si Macey kay Nicole. Maging ang kanyang mga kaibigan ay natigilan din. Katulad nila ay hindi ako makapaniwala sa sinabi ng aking kapatid.

"Nagawa na nya, Nicole." Rinig kong sinabi ni Macey maya-maya.

Nagtataka namang tumingin si Nicole sa kanya bago ito nagsalita, "Nagawa nya? Anong ibig mong sabihin, ate Macey?" Tanong ni Nicole.

Hinaplos ni Macey si Nicole sa ulo nito dahil nagsimula na namang umiyak ang kapatid ko. "Last year, dinala nya ako sa lumang building sa school. Doon ay nakita ko ang galit nya at dahil doon ay nagawa nya akong saksakin. Mabuti na lang ay dumating ang kuya mo at ang mga kaibigan nya upang iligtas ako." Sagot ni Macey.

Naramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa aking braso kaya napatinhin ako sa kanya. Nang lingunin ko ay nakita ko si uncle John. Hinila nya ako palapit kala Nicole sa sala.

"Anak, susunduin na ni Nicolli si Nicole. Nicole, hija, kailangan mo nang umuwi. Baka kanina ka pa hinihintay ng mommy mo." Sabi ni uncle John bago muling tumingin sa akin.

Kailangan naming umuwi dahil paniguradong hinahanap na ni mommy si Nicole. May trangkaso ngayon si mommy. Ayaw sana naming iwan sya sa bahay ngunit mapilit si Nicole. Gustong-gusto nya na daw makita at makausap ang kanyang ate Macey.

Tumingin ako kay Nicole at niyaya nang lumabas. Tumango sya sa akin bago muking tinignan si Macey. Niyakap nya ito at hinagkan sa pisngi bago tumayo at lumapit sa akin.

###

Change of Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon