HIS POV:
Ilang araw na ang lumipas mula nang gumawa kami ng plano tungkol sa mini concert ng Fallen Angels na magaganap sa darating na pasko. Sa loob ng mga lumipas na araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan si Macey mula sa malayo.
Hanggang tingin na lang ako sa kanya ngayon. Ni hindi ko sya pwedeng lapitan dahil nakapaligid sa kanya ang kanyang bodyguards. Kahit na mga babae ang bodyguard nya ay nakakatakot pa rin ang aura ng mga ito. Hindi mo aakalaing mga babae sila.
Nakakapagtaka na puro babae ang bodyguards nya hindi katulad ng mga napapanood ko sa tv na puro mga lalaki. Siguro ay mas gusto ni Macey ang mga babaeng bodyguards kaysa sa mga lalaki although para sa akin ay mas malakas kapag lalaki.
Huling araw ngayon bago ang Christmas break at sa susunod na taon na ang balikan sa school. Huling araw na rin na masisilayan ko ang babaeng mahal ko.
Kasalukuyan syang nasa garden particularly sa duyan. Napapansin kong paborito nya itong garden na tambayan. Mula rito sa third floor ng isang building ay kitang-kita ko sya kasama ang mga kaibigan nya na nag-aasaran. Maging sina Skyleigh at Dylan ay kasama sa grupo nya. Syempre nariyan pa rin sa tabi nya ang lima nyang bodyguards.
Maya-maya ay lumabas na sila mula sa garden. I wonder kung saan sila patungo. Agad akong bumaba sa building at pilit silang hinanap. Gusto ko lang makita si Macey at malaman kung saan na sya papunta.
Nakita ko sila sa parking lot at mukhang may hinahantay. Sina Sky at Dylan naman ay nagpaalam na sa kanila. Maya-maya ay nakita ko ang isang pamilyar na kotse. Ito ang kotse na nakita ko noong nakaraan. Yung panahon na nais ko sanang lumapit kay Macey ngunit dumating itong kotse at lumapit sa kanya ang lalaking sakay nito.
Katulad ng inaasahan ay lumabas ng kotse ang parehong lalaki noon. Lumapit sya kay Macey at hinalikan ang noo nito. Ang mga kaibigan naman ni Macey ay nauna nang sumakay sa kotse na dala nung lalaki.
Samantala, hinawakan ng lalaki ang kamay ng babaeng mahal ko at hinila papunta sa kotse nya. Pinagbuksan nya si Macey ng pinto ng front seat at nang masigurong maayos na ang pwesto nito ay syang pag-ikot nya at pagsakay sa driver's seat.
Nagmadali naman ako sa pagsakay sa kotse ko ng makita ko silang paalis na. Sinundan ko sila kahit na hindi ko alam kung saan sila patungo. Sinigurado ko namang malayo ang agwat ng kotse ko at kotse ng lalaking iyon para hindi nila mahalatang sinusundan ko sila.
Huminto ang kotse na sinasakyan nila sa parking lot ng isang malaking mall. Lumabas silang lahat mula rito at nagsuot sila ng shades upang hindi makilala ng mga tao.
Ito siguro ang isa sa mga nagpapahirap sa mga celebrity, hindi sila maaaring lumabas nang hindi nagdi-disguise. Kung hindi nila iyon gagawin ay siguradong pagkakaguluhan sila ng mga tao. Iyon siguro ang iniiwasan ng Fallen Angels lalo na't isa sila sa pinakasikat na girl group sa mundo.
Sinundan ko sila nang pumasok sila sa loob ng mall. Hindi ko makita si Macey dahil ang likod lang ng mga kaibigan nya nakikita ko. Sinugurado kong malayo ang distansya namin dahip ayaw ko namang mabisto ako at baka kung ano pang masama ang mangyari. Ayaw ko namang madadagdagan ang galit sa akin ni Macey.
Nakita kong pumasok si Dhepriz sa blue magic at pagkalabas nya ay may bitbit na syang pink na teddy bear. Ginulo naman ng lalaki ang buhok nito at ningitian ng malaki. Nag-tsk naman ako dahil sa ginawa nya. Bini-baby nya si Dhepriz eh.
Sunod naman silang pumasok sa isang jewelry shop. Nakita kong namimili na ng alahas ang mga kaibigan ni Macey samantalang sya ay mas piniling umupo sa gilid. Napatawa naman ako dahil naalala kong hindi pala sya mahilig sa jewelries.
Nakita ko naman yung lalaki na nakangiti habang nakatingin sa saleslady ng shop. Tsk, flirt pala sya eh! Tumingin naman sya kay Macey nang ibinigay na sa kanya ang isang mahabang box. Lumapit sya rito at ibigay ang hawak nya. Isang malaking ngiti ang ibinigay sa kanya ni Macey nang makita nito ang laman ng mahabang box. Hindi ko masyadong makita kung ano yun.
Nang lumabas na sila sa jewelry shop ay sinundan ko silang muli. Nakita kong pumasok sila sa Pure Heart Boutique. Pumasok din ako roon at nakita kong namimili ng mga damit sina Louiz at Venice. Samantala, nakaupo naman sa gilid sina Macey at hinihintay ang dalawang kaibigan mula sa pamimili ng damit.
Gustong-gusto kong suntukin ang lalaking kanina pa kasama nila Macey. Nakakapang-init ng ulo ang ginagawa nya. Nakakaselos dahil sya ay kayang-kayang halikan si Macey sa ulo, hawakan ang kamay nito at isandal ang ulo nito sa kanyang dibdib.
Hindi ko alam kung sino itong lalaki pero sigurado akong kaagaw ko sya kay Macey. Umayos sila ng upo nang lumapit sina Louiz at Venice sa kanila. Ipinakita ng dalawa ang mga napili kilang damit. Ngumiti naman si Macey nang makitang masaya ang dalawa nyang kaibigan.
Lumabas din ako nang makita ko silang lumabas. Habang naglalakad ay nakita kong nasa bandang hulihan sina Macey at yung lalaki. Hawak-hawak nito ang kamay ng babaeng mahal ko habang nagtatawanan sila.
Oo, naiinggit ako. Oo, nasasaktan ako. Oo, nagseselos ako. Anong magagawa ko? Mahal ko si Macey kaya ko ito nararamdaman.
Pumasok sila sa jollibee na paboritong kainan ni Macey. Nakita kong nagrereklamo si Louiz ngunit nang simangutan sya ni Macey ay sumang-ayon na rin sya. Wala syang magagawa dahil masusunod pa rin ang reyna.
Umorder din ako ng pagkain nang makaramdam ako ng gutom. I think its already lunch time kaya ganon. Umupo ako hindi gaanong kalayuan mula sa mesa ng grupo ni Macey pero sigurado namang hindi nya ako mapapansin at kung mapansin nya ako ay magdadahilan na lang ako kung bakit ako nandoon.
Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko kung paano alagaan nung lalaki si Macey. Naghimay ito ng manok at binuhusan ng gravy bago nya inilagay iyon sa harap ni Macey. Inilagay nya rin ang coke at sundae sa harap nito. Kinuha nya ang fries at ibinuhos ang mga ito sa tissue paper. Nilagyan ng ketchup ang ibabaw nito saka inilagay sa harapan ni Macey. Pagkatapos nyang pagsilbihan ang babaeng mahal ko ay saka pa lang nya inihanda ang pagkain nya.
Hindi ko na kaya pang ubusin ang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana. Tumawag ako ng crew upang ipabalot ang pagkain ko. Uuwi na ako dahil siguradong hinahanap na ako sa bahay. Ang alam ng mga magulang ko ay half day lang klase ko ngayon.
Nang mabalot na ang mga pagkain ko ay muli kong tinignan sila Macey. Masakit pala no? Masakit makita na may ibang nag-aalaga sa taong mahal mo. Masakit makita na ang mga dati mong ginagawa ay ginagawa na ng iba. Masyadong masakit sa mata. Siguro ay ganito rin ang naramdaman ni Macey noong nakita nya kami ni Steffi. Sobrang sakit pala! Nakakaselos!
###
BINABASA MO ANG
Change of Hearts (Completed)
Novela JuvenilBook 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to do with her life until she decided to change her heart. A heart that was belong to someone else. A heart that loved someone dearly. A heart...