Chapter 36: Mayumi Chu

190 6 0
                                    

"Bakit Kristoff?" Tanong ko kay Kristoff nang madatnan ko syang naghihintay sa akin sa sala.

"Kristoff?" Pagtawag ko sa kanya nang hindi sya nagsalita bagkus ay tinitigan nya lamang ako gamit ang lumuluhang mga mata.

"Why?" Tanong ko sa kanya. Imbes na sagutin ang tanong ko ay lumapit sya sa akin at hinagkan ako.

Gusto ko syang itulak dahil mali ito. Maling-mali ngunit tila walang lakas ang mga kamay at braso ko upang itulak sya.

Hinarap ako ni Kristoff at tinitigan. Hinawakan nya ang magkabila kong braso bago ako kausapin. Akala ko ay hihingi sya ng paumanhin ngunit iba ang kanyang sinabi.

"Totoo ba? Sya ba ang donor mo?" Tanong nya sa akin.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi promoseso sa utak ko ang tanong nya. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at hinaplos ito gamit ang thumb nya.

"Si Mayumi Chu ba ang heart donor mo?" Malinaw na ang kanyang naging tanong ngunit hindi agad ako nakasagot.

Iba ang paraan ng pagtingin nya sa akin. Punong-puno ng pagmamahal ngunit hindi para sa akin kundi para sa may-ari ng puso ko. Ang pagmamahal nya ay para lamang kay Mayumi Chu, ang aking heart donor.

Nang hindi ako sumagot sa tanong nya ay bigla nya akong niyakap nang mahigpit na para bang kay tagal nya akong hindi nakita at nakasama. Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha nya sa balikat ko.

Change of Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon