Nagpatuloy ang selebrasyon namin. Ngayon naman ay naghahanda na kami para sa susunod naming performance bago ang kainan. Its already 9pm pero pagkatapos pa ng dalawang performance ay doon pa lang kami makakakain.
Muli kaming tinawag mg MC at isa-isa kami ng mga kaibigan ko na lumabas sa stage. Naghiyawan ang mga manonood nang muli kaming makita na lumabas. Nang tumugtog ang kantang 'As if its your last' ay mas lumakas ang hiyawan nila.
Mas lalo tuloy kaming ginanahan mag-perform dahil sa mga reaksyon nila. Napansin ko ang ilan sa kanila na naghe-head bang. Ang ilan naman ay nakikisabay sa pagkanta na halos hindi na marinig ang mga boses namin.
Pagkatapos ng unang kanta ay sumunod naman ang 'You think'. Katulad kanina ay ganoon pa rin ang reaksyon ng mga tao. Nang matapos kami ay sabay-sabay kaming nagpasalamat sa kanilang lahat. Kasabay niyon ay ang pagpasok ng mga crew ng restaurants na magse-serve ng mga pagkain para sa mga bisita.
Lumapit sa amin ang organizers at niyaya kami na bumaba sa stage at pumunta sa isang silid upang makakain na rin kami. Pagkapasok namin doon ay agad na sumalubong sa amin ang aking pamilya. C-in-ongratulate nila kami ng mga kaibigan ko.
Sabay-sabay kaming kumain kasama sina Kristoff at ang ilang organizers nitong event. Masaya kami dahil successful itong event kahit na ba sabihing hindi pa ito natatapos.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam na ako sa kanila saglit. Nais pa sana nila akong samahan pero hindi pa sila tapos kumain kaya ako na lang. Ang sabi naman ni Kristoff ay dadaanan nya ako mamaya kapag tapos na syang kumain.
Pagkalabas ko roon ay agad kong hinanap ang comfort room dito at nakita ko rin naman agad. Pumasok ako rito at ginawa ang dapat kong gawin. Naghugas naman ako ng kamay pagkatapos. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluha nito si Nicolli.
Nang makita ko sya ay agad na tumambol nang malakas ang dibdib ko. Kitang-kita ko ang reaksyon ng mukha ko sa salamin na nasa harapan ko.
"Macey.." Pagtawag nya sa pangalan ko.
"Dyan ka lang! Huwag kang lalapit sa akin!" Sigaw ko sa kanya. Halos hindi ko makilala ang boses ko dahil sa panginginig nito. Nanginginig din ang buo kong katawan at nangingilid din ang mga luha ko.
"Macey.." Pagtawag nya ulit sa akin at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nya.
"Huwag kang lumapit!" Sigaw ko ulit sa kanya habang umaatras ako hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader sa likod ko.
"Macey hindi kita sasaktan.. Please, gusto lang kitang makausap." Sabi ni Nicolli ngunit parang sarado ang mga tainga ko at wala akong marinig.
Ang tanging naririnig ko lamang ay ang mga boses nila at lahat ng mga sinabi nila sa akin noon. Hindi ko na rin nakikita si Nicolli sa harap ko bagkus ay nakikita ko ang nakaraan na para bang nanonood ako ng sine. Nakikita at naririnig ko lahat ng nangyari noon simula sa simula.
Ramdam ko ang matinding panginginig ng buo kong katawan. Hanggang sa napaupo na lang ako sa sahig habang hinahawakan ng dalawa kong kamay ang magkabila kong tainga.
"Aahhh! Tama na! Tama na! Ayoko na!" Sigaw ko. Pilit kong binubura sa isipan ko ang nakaraan ngunit para syang kabute na bigla na lang lalabas at magpapakita sa akin.
"Finally, I am now free from you Macey the Freak."
"Pwede ka na bang umalis? May gagawin pa kasi kami ng girlfriend ko."
"And now you're crying? Stop being so childish!"
"Para sabihin ko sayo, pinagpustahan ka lang namin. Dapat nga hindi na tatagal ng tatlong taon kung hindi lang ako naawa sayo."
Hindi ko gustong marinig ang boses nya. Isang boses lang ang nais kong marinig upang mapakalma ako. "Kristoff.. Kristoff.." Pagtawag ko sa pangalan ng taong magpapakalma sa akin.
Tila dininig ng langit ang hiling ko at pinapunta rito si Kristoff. Naramdaman ko ang presensya nya malapit sa akin ngunit hindi ko sya makita at hindi ko sya marinig. Ang tanging nakikita at naririnig ko lang ay ang nangyari noon.
"Ahhh!" Sigaw ko at mas lalo kong hinawakan ang magkabila kong tainga.
Maya-maya ay naramdaman ko ang paghawak sa mga kamay ko at ang pagtanggal sa mga ito sa magkabila kong tainga. Parang isang bula na nawala ang bangungot nang makita ko ang nag-aalalang mukha ni Kristoff sa harapan ko.
"Aking reyna.." Pagtawag nya sa akin kasabay ng paghaplos nya sa pisngi ko.
"Kristoff.." Sabi ko saka ko sya niyakap nang mahigpit na para bang takot akong mawala sya sa tabi ko.
"Sshhh.. Stop crying my queen. You are now safe, safe with me." Rinig kong sinabi ni Kristoff bago nya ako binuhat na para bang bago kaming kasal.
Mas idiin ko ang mukha ko sa dibdib nya at pilit kong kinakalma ang sarili ko. Hindi pwedeng ganito. Hindi pa tapos ang celebration namin. Hindi ako pwedeng makita ng mga bisita na ganito dahil ayaw kong mag-alala sila sa akin.
Naramdaman ko ang paglakad ni Kristoff palabas sa comfort room. Hanggang sa makarating kami sa kwartong pinanggalingan namin kanina ay buhat-buhat nya ako. Ibinaba nya ako sa sofa at tinitigan. Seryoso ang mukha nya hindi tulad ng dati na playful.
"Kristoff.." Pagtawag ko sa pangalan nya.
Nagulat ako nang niyakap nya ako nang mahigpit. "Pinag-alala mo ko. Kung hindi ako dumating doon baka kung ano nang ginawa ng lalaking iyon sayo." Sabi nya at mas hinihigpitan ang yakap nya sa akin.
"Kristoff ano bang nangyari?" Rinig kong tanong ni mommy. Agad na kumalas sa yakap si Kristoff at hinarap ang aking ina.
"Its him again, tita. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nakita ko na lang si Queen na takot na takot sa kanya." Sagot nito bago nya ako tinignan ulit.
Tinignan ko rin sya at nagpasalamat ako. Kung hindi sya dumating doon ay hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin.
"What is he doing here? Did you guys invited him?" Tanong ni mommy at pare-pareho kami ng mga kaibigan kong sumagot ng hindi.
"Mommy its okay. Baka po magkagulo pa kapag gumawa kayo ng aksyon." Sabi ko kay mommy na halatang galit.
"Don't worry tita, babantayan namin si Queen." Sabi naman ni Kirsten.
"I'll stay near her tita." Sabi naman ni Kristoff.
Sumang-ayon na rin ang mommy ko kalaunan. Ayaw din siguro nya na magkagulo pa at masira ang selebrasyon. Ayaw ko rin namang masira ang event at mas lalong ayokong mag-alala ang mga bisita.
###
BINABASA MO ANG
Change of Hearts (Completed)
Teen FictionBook 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to do with her life until she decided to change her heart. A heart that was belong to someone else. A heart that loved someone dearly. A heart...