"Mukhang hindi mo na ako naaalala, baby Macey." Sabi nya habang nakangiti.
Baby Macey? Sabi ko sa sarili ko.
Nang tinawag nya akong baby Macey, may bigla akong naalala. Isang matandang babae na nakikipaglaro sa akin noon nung bata pa ako. Palagi nya akong binibigyan ng laruan kapag nagkikita kami. Hindi alam ni mommy ang tungkol sa lhim naming pagkikita ni lola. Ang sabi nya sa akin ay lola ko raw sya kaya dapat iyon ang itawag ko sa kanya samantalang baby Macey naman ang tawag nya sa akin dahil baby pa ako noon. Sya ang unang taong tumawag sa akin nun.
"Lola?" Pagtawag ko sa kanya bago ako lumapit sa kanya at niyakap sya. Natatawang yumakap din sya sa sa akin pabalik.
Humiwalay sya sa yakap at hinawakan ang mukha ko. "Ang laki na ng baby Macey ko ah. Ang ganda-ganda mo pa, mana sa lola." Sabi nya na dahilan ng pagtawa ko.
"Lola, hindi na po ako baby." Sabi ko sa kanya kaso kinurot nya ang pisngi ko. "Baby ka pa! Ikaw ang nag-iisa kong baby Macey." Sabi nya sa akin kaya sumang-ayon na lang ako. Medyo isip-bata itong lola ko eh.
Kumakain na kami sa isang restaurant ngayon. Past seven pm na rin kasi. Napahaba ang kwentuhan namin ni lola. Nakalimutan na nga naming kasama namin si Nicolli eh. Nang kumain na kami sa restaurant ay doon pa lang sya napansin ni lola.
"Sorry na apo, nakalimutan kita. Miss na miss ko na kasi ang baby Macey ko eh." Sabi nya kay Nicolli. Ngumiti na lang ang fiance ko sa kanya. Pansin kong hindi sya kumportable kaya bumulong ako sa kanya.
"May problema ba, Nicolli?" Tanong ko sa kanya na sinagot nya ng pag-iling habang nakangiti. Tatanungin ko pa sana sya pero dumating na ang pagkain namin.
"Lets eat." Pormal na pagyaya ni lola. Napangiti naman ako. Hindi kasi bagay sa kanya ang magseryoso.
"Nga pala Nicolli, nabanggit na sa akin ng daddy mo ang nangyari. Inamin na nya ang lahat sa amin ng grandpa." Maya-maya ay sabi ni lola.
Naramdaman ko naman ang sandaling paghinto ni Nicolli kaya hinawakan ko ang kamay nya. "Don't worry hijo, hindi kami galit sayo at mas lalong hindi nagbago ang pagtingin namin sayo. Isa ka pa ring Reyes at apo ka namin ng grandpa mo." Sabi ni lola dahilan ng pag-relax ni Nicolli.
Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa nabusog kaming tatlo. Samantala, nag-excuse si lola na pupunta lang sya sa comfort room kaya naiwan kami ni Nicolli sa mesa.
"What's wrong?" Tanong ko sa kanya. Lumingon naman sya sa akin bago umiling.
"Alam kong may problema ka. Ano yun? Pwede mo namang sabihin sa akin." Sabi ko pa sa kanya.
Huminga sya nang malalim bago sumagot, "Bakit ang gaan ng loob nya sayo. Samantalang sa amin ng mga kapatid ko, minsan lang sya ngumiti. Parehas sila ni grandpa." Pag-amin nya.
"Nagseselos ka ba?" Tanong ko sa kanya kasi ganon yung dating sa akin eh.
"Hindi." Sabi nya at mukha na syang naiinis. May mali ba sa sinabi ko?
Dumating naman na si lola kaya hindi ko na sya natanong ulit. Binayaran na ni lola ang bill bago kami lumabas doon sa restaurant.
"Masaya ako dahil nakita at nakasama ulit kita baby Macey." Sabi sa akin ni lola bago ako niyakap. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pag-irap ni Nicolli bago sya tumalikod at binuksan ang driver's seat.
Mukha namang nagulat si lola dahil sa ginawa ni Nicolli. "Ahh.. Mukhang taeng-tae na sya lola. Nagmamadali na syang makauwi." Pagdadahilan ko na lang.
Natawa kami pareho ni lola dahil sa sinabi ko. "Hayaan mo na, ganoon talaga ang batang iyon. Malayo ang loob sa amin ng lolo mo. Ewan ko ba dyan.." Sabi ni lola.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts (Completed)
Teen FictionBook 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to do with her life until she decided to change her heart. A heart that was belong to someone else. A heart that loved someone dearly. A heart...