Prologue

350 7 1
                                    

Nagpunta ang ilang pulis para tignan ang wasak na syudad. Ginawa nila ito ng mag-umaga. Kinunan ito ng video. Sa pagbaba ng tulay ay tumambad agad sa kanila ang magulong lugar at mga patay na tao. Plano nilang ayusin ang lahat sa lalong madaling panahon. Halos wala nang mapakinabangan sa syudad dahil buong paligid ay binagsakan ng rocket na nagpasabog sa paligid. Nagulat sila matapos makita ang isang putol ang katawan na malaking zombie.

Nanonood ng balita ang ilan sa mga taong nag-aabang ng pangyayari sa Rainbow City. Isa doon ang scientist na tinatawag na Mr. Valdez. Isa sa myembro ng RDI at share holder.

"Hindi ako makapaniwala." Sabi nito kasama ang mga tauhan niya. "Bakit kasi pinakawalan niyo pa ang anak?" Nakatingin silang lahat sa pinapanood.

Nagsalita ang reporter. "Natagpuan ang isang hinihinalang halimaw na nabuo dahil sa virus. Hati ang katawan nito. Talagang nakakagimbal na pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Makikita din dito ang mga patay na tao. Sila ang mga nahawaan ng virus o mga taong naging zombies--"

"Boss, pasensya na. Kung hindi sana nakialam ang doktor na 'yun ay nabaril na namin siya." Sabi ng isang tauhan na isa sa umalis agad ng Rainbow City.

"Nasaan na kaya siya ngayon?"

"Hahanapin natin."

"Mabuti na lang ay patay na din ang asawa ni Frampton. Isa na lang ang problema natin."

"Kung tutuusin ay hindi na natin siya problema."

Nagalit si Mr. Valdez. "Problema siya dahil sa kaniya nakapangalan ang share sa kompanya ni Frampton! Kung wala siya ay makukuha ko ang lahat ng share. Isa pa, dala niya ang formula ng antivirus. Kung makakagawa siya ng pangkontra sa zombie virus ay baka siya pa ang yumaman at hindi tayo. Kailangan natin siyang tapusin para wala na tayong problema pa sa hinaharap." Tumayo siya at nagpunta sa bintana ng gusali kung saan sila naroroon. Nakita niya ang kalakihan ng paligid. "Yayaman tayo kung walang makakapigil sa virus."

"Paano natin gagawin?"

"Simple. Nagawa ni Frampton ang virus na hinahangad ko kaya madali lang naman itong ipakalat. At may kopya din ako ng antivirus. Pero ang kinakatakot ko lang ay baka may sumabutahe sa plano ko. Siya nga ang anak ni Frampton na si Jessica. Baka ibigay niya ang kopya sa iba at ipakalat kaya mawawalan ng silbi ang lahat. Ituro niya kung paano ito basahin."

"Pero hindi lang pala ang anak niya ang kailangan natin. Kailangan din natin ang isa pang kopya ng formula."

"Hindi na. Ang mga taong nakakaalam lang kung paano basahin ang formula ay ako, ang asawa niya at anak. Kami ang mga importanteng tao sa buhay niya." Tumawa si Mr. Valdez. "Pero ang hindi niya alam ay malaki ang galit ko sa kaniya. Gagawa ako ng paraan para maging malinis ang pagpatay sa anak niya."

"Kami ba ang gagawa?"

"Hindi. Nakita niyo ba ang halimaw na 'yan?" Nakatingin sila sa malaking zombie na pinapanood nila sa Tv. "Siya mismo si Frampton. Walang nakakaalam na kapag tinusukan ka ng virus ay isa ka nang halos imortal. Alam din 'yan ni Frampton. Oras na malagyan ng virus ang isang tao na hindi nanggaling sa kagat ng zombie ay magiging malakas siya. Ibang kalakasan ang matatamo mo kapag na-injectionan ka na. Pero isa ka nang ganap na zombie. At habang pinapatay ka ay lalo kang lalakas. Lalong nagrereact ang katawan habang pinuputol ito. At para mapatay ka ay kailangang hatiin ang katawan mo para mahati din ang namuong dugo na binuo ng virus. 'Yun ang hindi alam ng mga pulis na lumaban sa kaniya. Ang hindi alam ni Frampton ay nakaimbento ako ng DNA chaser. Ang kailangan ko lang ay isang tao na gagamit nito. At sa tulong ng zombie virus ay mapapatay nito ang anak ni Frampton nang hindi nahahalata ang mastermind dahil gagamit tayo ng isang taong buhay."

"Hindi ko maintindihan. Paano niyo gagawin 'yun?"

"Ang DNA chaser ay isang device na pwedeng ibaon sa katawan ng tao. Kailangan muna ng DNA chip. At kapag nagising ang tao na nilagyan nito ay magkakaroon siya ng kakayahan na hanapin ang taong nagmamay-ari ng DNA. Ganiyan ako kagaling." Tumawa ito ng malakas. "Pero kung isang ordinaryong tao ang gagawa ay madali siyang mapapatay ng mga pulis. Kaya gagamitin natin ang zombie virus. Naiintindihan niyo ba. Humanap kayo ng taong medyo malaki."

"Ngayon na po ba?"

"Oo, sa lalong madaling panahon. Para wala nang masyadong abala sa'tin at hindi tayo matunton ng mga pulis."

"Hindi kaya tayo parin ang paghinalaan nila?"

"Huwag ka ngang kumontra? Ano ang silbi ng naibento ko kung hindi natin gagamitin. Pinakamadali na ito nai-intindihan mo ba? Kaya ngayon din ay humanap kayo ng tao!"

"Opo!!"

Umalis ng kwarto ang mga tauhan niya.

Naiwan si Mr. Valdez. "Ang akala ko ay imposible pero posible na. Wala ka na Glenn. Ako na ang bahala sa mga naiwan mo. Kasalanan mo 'yan kaya hindi ko na kailangan pang planuhin na patayin ka dahil pinatay mo na ang sarili mo! HAHAHAHA!"

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon