Nakatingin kay Virgil ang mga tao habang nakahiga siya. "Hi!" Bati niya sa mga ito. Bumangon siya at agad tumakbo para sundan ang lalaking humahabol kay Jessica.
Kinuha niya ang telepono niya para tawagan si Giselle. "Hello, G!"
"Anong balita?" Tanong ni Giselle habang umiinom ng juice sa isang restaurant.
"Nakita ko na si Jessica, pero may taong gustong pumatay sa kaniya!"
"Ano kamo?"
"Naka-inkwentro ko ang isang lalaking ewan ko ba kung bakit hindi tinatablan ng bala. Parang si superman tapos ang bilis tumakbo. Basta mamaya ko na sasabihin sa'yo--" Luminga linga siya pero wala na ang lalake maging si Jessica.
"Anong hindi tinatablan ng bala? Ako, Gil ayokong pinagtitripan ako ah."
"Hindi kita pinagtitripan!"
"Hindi na uso ang fantasy ngayon utang na loob, Gil ayusin mo dahil seryoso ang kaso na ito! Saka na muna 'yang pagpapakapayaso mo!"
"Hindi kita niloloko, lalong hindi ako korni magpatawa, alam mo 'yan. Baka hindi pa tapos ang kaso sa virus!"
Napapikit si Giselle ng mapatunayan niyang totoo ang sinasabi ni Virgil. "Hosya, sige na, naniniwala na ako." Medyo napadabog pa siya na tila problemado dahil tama ang hinala niya.
"Kinukutuban ako, G! Baka zombie ang lalaking 'yun. Tatawagan na lang kita uli.." Nagpunta siya sa parking lot para kunin ang motor niya. "Nagmamadali ako. Basta oras na mailigtas ko si Jessica ay tatawagan kita agad!" Binulsa niya ang telepono.
Mabilis niyang tinungo ang lugar kung nasaan ang motor niya. Mabilis niya itong pinaandar at lumabas ng mall. "Nasaan na siya?" Tumigil siya sa kalsada. Isa lang ang lalabasan ng mall sa bandang likod at madali niyang makikita kung saan papunta ang sasakyan o tumatakbong tao.
May napansin siya sa malayo na medyo humaba ang traffic at konting ingay kaya agad siyang pumunta doon. Hanggang sa nakita niya ang lalake na mabilis tumatakbo habang nakatingin sa kabilang kalsada. Napansin niya si Jessica na nagmamaneho ng motor. Binilisan niya ang paandar pero biglang tumawid ang lalake.
"Mag-ingat ka Jessica!!" Sigaw niya dahil marami pang sasakyan ang kasabay nito. Pilit sumisingit ang motor sa mga nakatigil na sasakyan. Binilisan niya ang pag-andar at siningitan din ang ilang sasakyan na naiinis na kaya nagpaputok siya ng baril para ipaalam na pulis siya. Gumilid ang ilang sasakyan. Tumawid din siya para mapunta sa linya ni Jessica. Hindi siya gaanong makaporma dahil traffic ang daan. Hindi niya nilulubayan ng tingin ang lalake habang tumatakbo. Gumaang ang daloy ng traffic kaya nakatakbo ng maluwag ang motor niya pero malapit na malapit na ang lalake kay Jessica dahil maliit lang ang motor nito't napakabilis tumakbo ng lalake. Biglang tumalon ang lalake para sunggaban si Jessica pero biglang dumating si Virgil kaya agad niyang kinuha si Jessica habang umaandar ang motor niya. Muntik na silang masemplang at ang motor ni Jessica ay sumadsad kasama ang lalake. Kumapit si Jessica sa braso ni Virgil habang hawak nito ang bewang niya. Sigaw ito ng sigaw. Naibalanse niya agad ang motor kaya nagbalik sa tamang tindig ang motor at inilagay niya si Jessica sa harap niya. Lumingon si Virgil sa likod. Nakita niyang nagkakagulo ang mga tao at biglang tumayo ang lalake. Iniliko niya ang motor sa isang avenue. Nakatakip lang ang mukha ni Jessica at takot na takot. "Ligtas ka na Jessica. Ako ang bahala sa'yo!"
"Anong gagawin niyo sa'kin?"
"Huwag kang matakot, andito ako para iligtas ka."
"Pero ikukulong niyo ako!"
"Hindi mangyayari 'yun."
Gumaang ang dibdib ni Jessica. "Pero bakit niyo ako hinahanap?"
"Para ayusin ang ilang bagay sa'yo."
Lumayo na ang motor nila at napunta sila sa tabi ng kalye na wala nang gaanong bahay pero may mga upuan. Tumigil ang motor. "Sandali lang. Pahinga muna tayo. May tatawagan lang ako."
Pinaupo muna siya ni Virgil at walang kibong umupo si Jessica. Kinuha ni Virgil ang telepono at tinawagan si Giselle.
"Ano bang balita diyan, Gil?!" Bungad agad ni Giselle. "Kanina pa ako nag-aalala."
"Kasama ko na si Jessica. Tinakasan lang namin 'yung lalaking humahabol sa kaniya."
"Sino kaya siya? Ano ang kailangan niya kay Jessica?"
"Hindi ko rin alam. Alam mo bang parang isa siyang zombie. Hindi ko alam. Hindi siya tinatablan ng bala.." Natulala si Giselle habang nagsasalita si Virgil. "At kanina pa, muntik na niyang mapatay si Jessica, napakabilis siyang tumakbo at sinunggaban ang motor ni Jessica pero mabuti na lang at andoon ako kaya nasagip ko ang bata. Ang sama ng pagkakabagsak niya pero bumangon parin siya."
Sandaling napatigil si Giselle. "Hindi kaya infected siya ng Virus?"
"Pero bakit kilala niya si Jessica?"
"Okay, sa lalong madaling panahon, dalhin na natin siya sa headquarters. Maraming salamat at nakita mo siya. Hindi ako makapaniwala na ganito kabilis mo siyang matutunton. Muntik pang mahuli ang lahat."
"Tama ka pero hindi pa ito tapos. Sige, hintayin mo na lang kami diyan." Binulsa ni Virgil ang telepono. Tumingin siya kay Jessica. "Kilala mo ba ang lalaking humahabol sa'yo?"
"Hindi pero.. ikaw kilala ko."
"Sino ako?"
"Pulis ka, bakit mo ba talaga ako hinahanap?"
"Hindi ka namin gagawan ng kahit ano. Humiling ang ina mo na hanapin ka namin kaya gumawa kami ng paraan. Mabuti na lang at hindi ako nahuli. May gustong pumatay sa'yo. Nakita mo ba ang lahat? Hindi siya pangkaraniwang tao."
"Baka.." Napaisip si Jessica.
"Baka ano?"
"Infected siya ng zombie virus."
"Yun nga ang hinala ko!" Nasapo ni Virgil ang ulo niya. "Pero kilala ka niya. Isasama muna kita para ligtas ka."
"Saan? Hindi ako pwedeng umalis."
"Bakit hindi? May papatay sa'yo at isa pa, kailangan ka naming tulungan dahil sa'yo nakapangalan ang share ng pamilya mo sa kompanya ng ama mo." Nakatitig lang si Jessica kay Virgil. "Kailangan mong makuha ang 65 percent share ng ama mong si Glenn Frampton. Kaya may gustong pumatay sa'yo para makuha nila ang 65 percent sa 1.3 billion income ng kompanya. Ngayong buwag na ang kompanya, sa lalong madaling panahon ay kailangang isalin ang 65 percent sa account mo."
"Sigurado po ba kayong tutulungan niyo ako?"
"Jessica, nakita mo naman kung gaano ko kagustong iligtas ang buhay mo kanina. Marami pa kaming kailangang malaman kaya umalis na tayo."
"Pa'no ang gamit ko?"
"Importante ba?"
"Opo, andoon ang formula ng antivirus at pera ko. Hindi ko pwedeng iwala 'yun at ang panggastos ko."
Napa-isip si Virgil ng marinig ang sinabi ni Jessica tungkol sa antivirus. "Si-sige, tama ka, importante 'yun."
Dumaan sila sa ibang daanan pabalik. Pero habang umaandar sila ay may lalaking sumunggab sa kanila kaya kinabig ni Virgil ang manibela. Tumagilid ang motor kaya lumampas ang lalaking sumunggab. Natumba ang motor. "Aaaaaaaah!" Sigaw ni Jessica. Protektado siya ni Virgil. Humiwalay sila sa motor pero hawak ni Virgil si Jessica kaya hindi ito nasaktan. Nakahiga sila. Nakatingin si Virgil sa lalaking bumabangon at papalapit sa kanila.
"Bukod sa parang imortal siya, malakas din ang pang-amoy niya." Kinakabahang sabi ni Virgil habang takot na takot si Jessica.
"Kuya, help me. Ayoko pang mamatay!"
"Sige akong bahala."
Habang papalapit ang lalake sa kanila ay tumingin si Virgil sa motor niya. Nakatumba ito pero umaandar pa ang makina.
BINABASA MO ANG
Virus: Must Kill Jessica
Mystery / ThrillerThis story is a sequel of Virus; Saving Raquel. All that will happen here is connected in the said story. This story entitled Virus; Must Kill Jessica. Jessica is a young teen and the only daughter of Glenn Frampton, who invented the zombie virus. T...