12. Heading For The Hills

109 5 0
                                    

"Chief, malapit na kami." Sabi ng isang sundalo na nasa chopper. Kausap niya ang General gamit ang radyo. Kasalukuyan na nakapalibot parin sila sa Neon City para masigurado na hindi kakalat ang virus.

Sumagot ang General. "Kung sakaling makukuha mo si Captain Arenas kasama ang bata sundin mo lahat ng sasabihin niya."

"Copy."

"May palagay akong hindi kayo didiretso dito. Baka madamay ang buong metropolis kung susunod dito ang zombie na humahabol sa batang si Jessica. Huwag ka na munang magtanong ng kung ano ano para mapabilis ang plano ni Arenas. Sundin mo lang ang utos niya, maliwanag?!"

-

Inilagan ni Giselle ang atake ng isa nang makalapit sa kanila ang mas mabilis na zombie.

"Kapitan!" Pag-aalala ng isang pulis dahil si Giselle ang humarap sa dalawang zombie.

"Basta bantay lang kayo diyan dahil kailangan nating mapigilan ang mga ito!" Sigaw ni Giselle na nakaharap sa dalawang zombie matapos mailagan ang unang hampas sa kaniya ng mas malakas na zombie.

"Paano ka?"

"Wala munang magpapaputok dahil hindi naman sila makakaatake ng sabay. Masikip ang daan." Nakaantabay ang mga pulis sa hagdanan papunta sa itaas.

Umatake na naman ang zombie kaya umilag na naman siya papunta sa isa pang zombie na tumigil dahil nakaharang sila. Binaril ni Giselle ang isang zombie pero sa halip na gumanti ito ay dumiretso ito sa mga pulis.

"Pigilan niyo siya!!" Utos ni Giselle kaya nagpaputok na ang mga ito. Pero tuloy tuloy sa pagtakbo ang isa. Nagsi-alisan ang mga pulis at kaniya kaniya silang takbo ng makarating ito. At ang isa ay abala kay Giselle. Nasa pagitan siya ng daanan kaya hindi agad agad makakapunta ang isa dahil kailangan muna siyang mapigilan nito.

Walang nadamay sa mga pulis dahil kalat kalat sila sa gilid. Nagpatuloy sa pagtakbo ang zombie. Nakalampas ito sa mga pulis kaya ang zombie na kaharap ni Giselle ay umatake uli. Umiwas uli siya at habang umiiwas ay tumapak siya sa pader para makagawa ng isang sipa sa likod ng zombie. Nagawa niya itong sipain at natumba ito padapa dahil katatapos lang nito gumawa ng malakas na pag-atake.

Mabilis siyang tumakbo sa isa pang zombie na papakyat para sundan si Virgil at Jessica. "Pigilan niyo ang isang zombie. Babangon 'yan!" Utos uli ni Giselle. "Ako na ang bahala dito sa isa."

Hinabol niya ito at binaril nang binaril sa likod. Nagpalit siya ng magazine at tinuloy lang ang pagbaril kaya tumigil ang zombie. Lumingon ito sa kaniya. Tumigil din siya sa pagtakbo pero nakatutok parin ang baril niya. Wala siyang plano na tumakas dito. Sunod sunod na binaril niya uli ito sa katawan. Naglakad ito papalapit sa kaniya. Naubusan na naman siya ng bala kaya kinuha niya ang isa pa niyang baril. Habang naglalakad ito papalapit sa kaniya ay binabaril niya uli ito ng sunod sunod. Nang malapit na ito sa kaniya ay bigla itong tumigil.

Lumingon sa likod si Giselle. Nakarinig siya ng ingay na tumatakbo kaya lumampas siya sa zombie na nasa harapan niya. Nanatili itong nakatigil.

"Magpapalit na siya ng anyo para sa pangatlong pagkakataon. Kailangang magmadali kami!" Bulong ni Giselle habang tumatakbo.

Habang papaakyat siya ay nakarinig siya ng tunog ng chopper. Binilisan niya ang takbo niya hanggang nakarating siya sa itaas. Nakita niya si Virgil at Jessica na kumakaway sa chopper. Tumingin siya sa daanan dahil papalapit na ang isang zombie. "Gil!" Tawag niya dito.

"G, kamusta? Buti napigilan mo siya! Nag-alala ako sa'yo!"

"Sinusundan niya ako. Sasama ako kay Jessica at ikaw ang pumigil sa dalawang zombie. Wala na akong bala."

"Sige." Nagpalit sila ng pwesto pero nang kumakaway na si Giselle sa papalapit na chopper nakarinig siya ng sunod sunod na putok ni Virgil.

"Geeee, andiyan na ang isa. Umiwas muna tayo!" Sigaw ni Virgil.

Lumayo sila sa pinto kung saan lalabas ang zombie. Nakita sila ng nakasakay sa chopper. Sumenyas si Giselle sa chopper na papalapit na. Lumitaw na nga ang zombie na tinatawag ni Jessica na Prime Zombie.

Mabilis na tumakbo ito kay Jessica kaya wala silang nagawa kundi paputukan ito. Takot na takot si Jessica na nagtago sa likod ni Giselle hanggang makarating na nga nang mabilis ang zombie. Hinataw nito si Giselle kaya para makaiwas ay itinulak niya si Jessica. Muntik na silang matamaan. Bumwelta ang zombie at tumingin kay Jessica.

"Jessica!" Sigaw ni Virgil dahil napahiwalay ito kay Giselle. Pareho silang nakahiga.

Pinaputukan ito ni Virgil para makuha nito ang atensyon ng zombie. Pero halos hindi tumatalab ang bala. Lumapit ito kay Jessica.

"Jessica, bumangon ka!!" Utos ni Giselle habang nakahiga itong bumabaril. Nakita niyang ibinaba ng sakay ng chopper ang hagdan.

"Kapitan, kumapit kayo dito!" Dinig niyang sabi ng nakasakay sa chopper habang papalapit ito.

"Ilapit mo sa bata 'yan!" Utos ni Giselle. Sabay bumangon.

Umatras si Jessica habang nakaupo. Hindi siya makatayo sa sobrang takot. "Tulungan niyo ako!" Mabilis na lumapit sa kaniya ang zombie kaya napatakip na lang siya sa ulo nang makita niyang hahampasin siya nito.

"JESSICAAA!" Sigaw ni Virgil. Wala nang nagawa si Virgil at Giselle para iligtas si Jessica pero hindi naituloy ng zombie ang pag-atake dahil nasapol ito ng rocket na nanggaling sa chopper.

Nakita ni Giselle ang nangyari kaya habang napaatras ang zombie ay mabilis siyang tumakbo para iligtas si Jessica pero naunahan na siya ni Virgil dahil mabilis nitong kinuha si Jessica at tumakbo. May narinig siyang putok sa ibaba. Nakarinig siya ng malakas na sigaw ng Zombie. Nakita din ni Giselle na nanghihina ang zombie dahil sa tama ng rocket.

"KAPITAN!!" Tawag ng nasa chopper. Nakita niya ang hagdan.

"Gil, paakyatin mo si Jessica."

Lumapit ang hagdan kaya kumapit na si Jessica dito. Umakyat ito hanggang si Giselle na ang aakyat. "G, ako na ang bahala dito, umakyat ka na." Hiling ni Virgil.

"Kaya mo?"

Nakita nila na lumitaw na din ang isa. "Oo kaya ko 'to, bilisan niyo na!" Umakyat si Giselle sa hagdan.

Nakita nilang mabilis na tumakbo ang zombie papunta sa kanila. Umakyat ang chopper para umiwas sila.

"Jessica, kumapit kang maigi!!" Utos ni Giselle at bumaba sa hagdan pansamantala. Iniwasan nila ang zombie. Muntik na nitong maabot si Jessica pero mabilis nang nailayo ng chopper ang hagdan. "Kumapit ka Jessica, susunod ako!"

Takot na takot si Jessica. Pinaputukan nila ang zombie. Nakatingin ito kay Jessica habang inilalayo ito ng chopper sa gusali. "Jessica, umakyat ka sa hagdan!" Utos naman ni Virgil. Nahihirapan si Jessica na umakyat dahil gumagalaw ang hagdan. Nalulula din siya sa zobrang taas. Ibinaba ng lalaki na nakasakay sa chopper ang kamay niya para abutin si Jessica. Hindi pa agad nakakalayo ang chopper ng tumakbo ang zombie.

Saka napansin ni Jessica na nagbago na pala ang anyo ng isang zombie. Tumatakbo ito na tila gumagawa ng isang malakas na pagbuwelo.

"Bilisan niyo!" Sigaw ni Giselle nang biglang tumalon ang zombie para abutin ang hagdan kung nasaan si Jessica.

"Aaaaaahh!" Sigaw ni Jessica ng makita niyang lumundag ng malakas ang zombie papalapit sa kaniya at nakaumang ang kamay para hampasin siya.

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon