16. Alarming News

84 12 0
                                    

Tumatagas ang dugo dahil sa tama ni Giselle sa katawan at balikat kasama pa ang likod ngunit nakatingin na ang zombie sa kanila at inaalam kung sino sila kaya nakatigil pa ito.

"Ate, paano tayo?" Takot takot si Jessica.

Tumingin si Giselle sa paligid. Napansin niya ang isang launcher na nakalapag at sa baywang niya ay may isang rocket pa para ibala. Nagulat sila dahil hinampas ng zombie ang lamesa para makadaan. "Ate!" Umiiyak na si Jessica.

"Ma-makinig ka, Jessica. Ikaw ang target niya kaya tumakbo ka na."

"Natatakot ako, ate."

"Mamamatay ka kapag hindi mo 'yan ginawa. Umikot ka lang sa gusali at pumasok uli. Kaya mo 'yan. Hanapin mo kung nasaan ako. Pakinggan mo ang boses ko. Mapapatay ko siya."

Naglalakad na ang zombie at hinahampas na ang mga bagay na nakaharang. "Pero mabilis siya."

"Hindi siya agad agad aabot sa'yo dahil maraming nakaharang. Bilisan mo!"

"Ate!"

"SIGE JESSICA! ALANG ALA SA BUHAY MO. LAKSAN MO ANG LOOB MO, KAYA MO 'YAN!"

Agad tumakbo palabas si Jessica at hinarang niya ang mga upuan sa daan. Na-iba ang atensyon ang ng zombie kaya tumakbo ito ng makitang tumatakbo si Jessica. Hanggang lumabas si Jessica. Mabilis siyang tumakbo para hanapin ang kabilang pinto. Lumabas din ang zombie at papunta sa direksyon niya. Hahampasin siya nito. "Aaaaaaaaah!" Napasigaw siya habang pumapasok sa pinto. Nakailag siya sa hampas na rinig niya ang pagdaan nito sa hangin. Nadapa siya pero ang zombie ay lumampas sa pinto. Agad siyang bumangon para tumakbo at muling hinarang ang mga upuan at ang ibang lamesa ay itinumba niya para hindi agad makatakbo ang zombie. Hinahampas ng zombie ang mga nakaharang.

"Jessica!" Sigaw ni Giselle. Nakita siya nito. "Lumapit ka dito."

Nakita siya ni Jessica na hawak ang launcher. Nakaupo sa simento kung saan natanggal na ang mga upuan at lamesa dahil sinira at itinulak ng zombie. "Ate!" Tumatakbo si Jessica palapit sa kaniya. Nakita niya ang zombie na tumatakbo sa likod ni Jessica kaya ipinatong niya ang launcher sa balikat niya.

"DAPA!" Sigaw ni Giselle kaya sumadsad si Jessica padapa. Madulas ang sahig kaya sapat na ang damit niya para umusad siya palapit na tila gumagapang.

Lumantad ang buong katawan ng zombie sa harap ni Giselle kaya kinalabit niya ang pindutan ng launcher. Agad bumulusok ang bala nito. Walang nagawa ang zombie dahil na kay Jessica ang atensyon niya. Tinamaan ang zombie kaya bumalik ang katawan nito sa lakas ng rocket. Humiga ito at nangisay. Nakahinga ng maluwag si Giselle.

"Ate." Sabi ni Jessica at tumayo. "Ate, buti nasapol mo."

"Ba-baka buhay pa siya."

"Siya na ang Ultimate Zombie. Oras na mapahinto siya, hindi na siya babangon pa."

"Ba-bakit?"

"Ito ang nabasa ko sa imbensyon ni Daddy. Ang Ultimate ang pinakamahirap patayin at malakas. Mahirap itong pigilan pero oras na mapigilan mo ay hindi na ito magpapalit ng anyo."

"Sana nga." Napapikit si Giselle. "Tawagan mo si Gill.

Tinawagan ito ni Jessica. "Ate, busy ang phone niya."

"Hi-hintayin mo."

"Okay ka lang, ate?"

"Marunong ka bang manggamot?"

"Hindi. Pero maghahanap ako ng First Aid Kit. Pipigilan ko ang pagdudugo mo."

"Si-sige." Hirap na hirap na huminga si Giselle. Ang dami nang dugo ang nabawas sa kaniya.

Naghalungkat si Jessica. Hindi niya alintana ang nakahiga na zombie. Hindi na ito humihinga. Hanggang makakita siya ng maraming bulak at alcohol. Dinala niya agad ito kay Giselle.

"Aah!" Nasaktan si Giselle.

"Ate, kayanin mo ang sakit." Hindi na umimik ito. Naubos ang bulak sa dami ng dugo. Tinawagan niya uli si Virgil pero hindi parin ito sumasagot. "Ate, nakapatay ang phone niya."

Umupo si Jessica saglit at tumawag uli. Tinawagan niya ang ibang pulis na nakasave sa phone. Sumagot ito.

"Hello po."

"Kapitan?"

"Si Jessica po ito. Kailangan namin ng tulong. May tama si Ate Giselle. Kailangan niyang madala sa ospital. Walang gaanong tao. Patay na ang lahat ng pulis."

"Ano? Sige nasaan kayo?"

"Hindi ko po alam."

"Paano namin kayo matutulungan? Sige tatawagan ko ang General para ipaalam."

"Sige po paki bilisan lang please." Binaba niya. "Ate, tinawagan ko ang isang pulis." Hindi sumasagot si Giselle. "Ate?" Ginising ito ni Jessica pero hindi umiimik. Nakita niyang maputla na ito. "Ateee!" Pilit niya itong ginigising. "Ate, anong nangyari sa'yo?!" Sinasampal na niya ito at tinignan ang mukha. Iba na ang kulay nito na hindi na pangkaraniwan. "Ate, please gumising ka. Huwag kang mamamatay. Ate! Ate!" Pero hindi na ito dumidilat. Binuksan niya ang mata nito pero wala na talaga. Kinapa niya ang dibdib nito pero hindi na ito humihinga. "ATEEEEEEEE!"

-

Nagising si Virgil sa pagkakaidlip. "Anong oras na?" Tanong nito sa kasamang pulis at agad binuksan ang telepono. "Nalobat pa ako. Kainis. Hindi ko inaasahan ang agarang kaso na ito."

"Kapitan!" Lumapit ang isang pulis. "Tumawag si Chief. May tama daw si Captain Arenas kaya rumesponde na ang ibang pulis sa pinakamalapit na police station doon."

"Bakit daw?"

"Hindi namin alam. Patay na daw ang lahat ayon sa bata ng tumawag ito gamit ang telepono ni Captain Arenas."

Napabalikwas si Virgil. "Dalawang oras pa ang hihintayin natin para bumalik sa laboratoryo." Nakatingin sa orasan si Virgil. Kinuha ang charger sa lamesa at agad tinawagan si Giselle. "Buti may charger, pahiram muna." Pinindot niya ang telepono. At agad sinagot ang tawag niya. "Hello.."

"Kuya!" Narinig niyang umiiyak ito.

Kinutuban siya. "Nasaan si Giselle? Bakit ikaw ang may hawak niyan?"

"Kuya, namatay na siya."

Natulala si Virgil. "Imposible!"

Iyak lang nang iyak si Jessica. "Binaril siya nung lalaki. Kuya, I'm sorry."

Nag-uunahan nang lumitaw ang luha ni Virgil. "Giselle. Imposible ito."

"Kaya niyang labanan ang zombie na dumating. Pero binaril siya kaya naubusan siya ng dugo. Kuya--"

"Pupunta ako diyan!"

Agad siyang naghanda. Alam niya kung nasaan ang dalawa. "Bakit?" Tanong ng kasama niya.

"Samahan niyo ako. Pupunta tayo doon. Patay na daw si Giselle."

Gulat na gulat ang mga nakarinig. Ang isa ay tumigil pa sa pagtotoothbrush. Natulala. "Papunta na daw ang katabing Police Station."

"Wala akong paki. Samahan niyo ako. Paki sabi kay General, bigyan tayo ng chopper. Kailangan kong makita si Giselle." Gumaralgal na ang boses nito.

"Ta-tawagan mo." Ibinigay ang telepono kay Virgil para siya na ang kumausap sa Heneral.

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon