Mabuti at lumihis ang kuko kung nasaan ang driver. "Aaaaaaaah!" Sigaw ni Jessica at natakot ang lahat.
Nakasabit ang zombie sa unahan ng malaking truck. "Iliko mo!" Utos ni Virgil kaya gumewang nang kusa ang sasakyan. Nalaglag ang zombie.
Lumihis ang daan nila sa pinakapinto ng syudad. "Hay salamat." Sabi ng isa.
Siksikan sila sa unahan. Nakatingin sila sa side mirror. Nakita nilang bumangon ang zombie. "Bilisan mo." Utos uli ni Virgil. Nasalubong nila ang maraming zombies na naglalakad sa gilid. "Hahabulin niya tayo. Bababa muna kami."
"Bakit?"
"Kailangang mai-ligtas ang mga tao. Ako na ang bahala."
"Paano kayo?"
"Basta ako na ang bahala!"
Ibinaba sila sa isang ligtas na lugar nang makalayo sila. "Mag-ingat kayo." Hawak ni Virgil ang kamay ni Jessica.
"Hihintayin namin ang chopper."
Umandar na ang sasakyan. Lumakad sila. "Kuya, natatakot ako. Baka kung anong mangyari sa'yo." Pag-aalala ni Jessica.
"Hindi ko nga alam kung tama itong ginawa natin. Basta ang alam ko lang kailangang madala sa pagamutan ang mga tao." Hinaplos ni Virgil ang ulo ni Jessica. "Ako ang bahala sa'yo."
"Ganiyan din ang sinabi ni Ate Giselle."
"Iba ngayon. Basta ako ang bahala sa'yo. Andito lang ang Ate Giselle mo. Tutulungan niya tayo. Hindi ko alam kung ganito din ang gagawin niya. Tatawagan ko ang General."
Kinuha niya ang telepono. Sumagot ang heneral. "Sabihin niyo lang ang location. Dadating diyan ang chopper." Sabi nito.
"Sige, chief."
Umakyat sila sa isang gusali. Dahan dahan na naglakad dahil maraming zombie sa paligid. Bukas ang ilaw ng isang gusali na pinasukan nila. Kinabahan siya nang makarinig ng konting kaluskos at paglalakad ng tao. "Ang malas naman. Mukhang may mga zombie pa sa pinasukan natin." Sabi ni Virgil.
"Kailangan hindi nila tayo makita. Sa pagkaka-alam ko, wala silang pang-amoy. Ang naa-amoy lang nila ay ang kapwa nila zombie."
"Ganun nga kaya?" Dahan dahan parin silang naglalakad.
"Marami akong alam na imbento nila dahil madalas akong nakikinig sa mga usapan nila."
Huminga ng malalim si Virgil. "Kailangan kong makita ang sinasabi mong Mr. Valdez."
Umakyat sila sa hagdan. Nakatutok lang ang baril ni Virgil sa daan. "Alam ko ang laboratoryo niya pero ang hindi ko alam ay kung lumipat na sila."
"Pagkatapos nito. Hindi ko na alam ang mangyayari. Oras na lumipad tayo at mailigtas kita, baka umiyak lang ako nang umiyak. Paano ako magsisimula?" Nalungkot ang itsura ni Jessica.
Nakarating sila sa ikalawang palapag. Nakakita sila ng mga naglalakad na zombie sa labas ng salamin na pinto. "Huwag tayong maingay." Sabi ni Jessica. "Nakakarinig sila at alam nila kung hindi zombie ang maririnig nila." Takot na takot si Jessica habang sumusunod kay Virgil.
"Sige tara na."
"Kuya, ituturo ko sa'yo kung saan posibleng nagtatago si Mr. Valdez. Sana matigil na sila."
"Sige, kailangan muna nating makalayo."
"Nagagalit ako sa sarili ko. At sa lahat ng pangyayaring ito." Lumuha sila Jessica.
"Mamaya na 'yan. Kailangan nating makaligtas. Ayan na ang halimaw. Baka matunton niya tayo. Kung hindi nakaka-amoy ang ordinaryong zombie--daig naman ng halimaw na 'yun si Superman sa lakas ng radar niya."
Napalapit nang mahigpit si Jessica. "Kailangan siyang mapatay, kuya."
"Oo, makalipad lang tayo, gagawa ako ng paraan para mapatay siya. Kailangan ka kasing mailagay sa ligtas na lugar. Ikaw ang susi sa lahat ng ito."
"Baka hindi na matapos 'to dahil gagawa at gagawa sila ng maraming papatay sa'kin."
Nakaakyat na sila sa ikatlong palapag. Wala silang nakitang zombie o narinig na yabag. "Saka na natin isipin 'yan." Nakatutok lang ang baril niya sa daan. "Walang tao dito. Isang palapag na lang, nasa tuktok na tayo. Parating na ang chopper." Nakarinig na sila ng tunog mula sa itaas. "Ayan na sila. Dalian natin."
Dahan dahan parin silang umakyat. Sa taas ng ika-apat na palapag bababa ang chopper. Nakarinig sila ng ingay sa ibaba. Hinila agad ni Virgil si Jessica para makatakbo. "Bilisan mo, Jessica andiyan na siya." Umakyat agad sila sa hagdan haggang makarating sa ika-apat na palapag. Hinanap agad nila ang daan sa rooftop. Agad silang umakyat. Nakita nila ang bumababa na chopper kaya kumaway si Virgil. Tumakbo sila papunta dito. "Bilisan natin." Kinarga niya si Jessica para maka-akyat agad. Umakyat na din siya. "Paliparin mo na agad. Bilis! Andiyan na ang humahabol sa amin."
Naka-akyat na agad siya. Unti unting umakyat ang chopper pero napansin nila ang zombie na naka-akyat na. Mabilis itong tumatakbo. Mas mabagal ang pag-akyat ng chopper. "Naku, lagot!"
Binaril niya ito nang binaril hanggang tumalon ito papunta sa kanila kahit nasa itaas na sila. Bumaril na din ang isa pang sundalo na kasama nila. Umuga ang chopper dahil na-abot ng zombie ang ibaba nito. "Aaaaaaaaah!" Napasigaw si Jessica. Hindi sila tumitigil. Binabaril nila ang halimaw. Mabuti at bumalik ang ayos ng lipad ng chopper.
"Haaay salamat!" Sabi ni Virgil. Napansin nila na tumayo ang zombie na nakatingin sa kanila.
"Nakakatakot pala siya." Sabi ng kasama nila.
"Oo kailangan siyang patayin dahil hindi niya titigilan ang bata."
"Paano?"
"Ikutan niyo siya. Tirahin natin ng rocket."
Bumalik ang chopper at inihanda ng kasama nila ang rocket. Nakatayo parin ang zombie. "Kailangang masapol siya."
Gumilid ang chopper. Nakikita parin nila ang zombie. "WRAAAAAAAAAH!" Nadinig nila ang malakas na sigaw nito. Takot na takot si Jessica kaya halos ayaw niyang tignan ang zombie.
"Kailangang mas malapit baka masayang ang bala."
"Hindi ba pwedeng doon mo siya tirahin sa hindi siya makakatalon sa'tin?"
"Dipende, baka mataas siyang tumalon." Inutos nito na ilapit pa ang chopper. Palapit sila nang palapit.
"Bilisan mo. Tirahin mo na!" Sabi ni Virgil dahil malapit na sila.
"Sandali lang, aasintahin ko." Nakayakap si Jessica kay Virgil at nakapikit.
"Dali!" Biglang bumwelo ang zombie para lundagan sila. Nataranta ang sundalo. Nawala sa pagkaka-asinta. "Bilisan mo!" Napasigaw na si Virgil.
Hanggang sa tumakbo na nang mabilis ang zombie para lumundag. Gulat na gulat si Virgil. Tumalon ito nang mataas papunta sa kanila.
BINABASA MO ANG
Virus: Must Kill Jessica
Mystery / ThrillerThis story is a sequel of Virus; Saving Raquel. All that will happen here is connected in the said story. This story entitled Virus; Must Kill Jessica. Jessica is a young teen and the only daughter of Glenn Frampton, who invented the zombie virus. T...