14. Mysterious Man

98 13 0
                                    

Napaatras sila. "Ate andiyan na siya." Nakayakap si Jessica kay Giselle.

"Mabagal pa siya. Huwag ka munang kikilos. Hindi pa ito ang ikatlo niyang pagpapalit."

Hinanda ni Giselle ang armas niya. Inasinta ang naglalakad na zombie. Napansin niya ang mga pulis sa likod nito. "Huwag kayong magpapalutok! Hayaan niyo muna siya!" Utos ni Giselle kaya tumigil ang mga pulis.

Sinenyasan niya na tumabi sila kaya gumilid ang mga ito. Sabay pinindot niya ang rocket launcher. Bumulusok ang bala nito pero laking gulat niya nang nagawang iwasan nito ang bala kaya lumampas ang bala sa likod. Tumama sa isang sasakyan kaya sumabog ito.

Napahawak si Giselle kay Jessica. "Tara, maglakad tayo." Nakita nilang tumakbo ito kaya tumakbo na din sila. Hinabol sila nito. "Jessica, hihiwalay ako. Maabutan tayo. Mabigat ang dala ko, hindi ko 'to pwedeng bitawan!"

"Natatakot ako!"

"Mauna ka na!" Lumiko sila sa gilid ng gusali. Tumigil si Giselle. Hinarap niya ang malaking zombie. Inabangan niyang hampasin siya kaya alam na niya kung paano ilagan ito. Yumuko siya at tumambling saka inayos ang rocket pero hindi pa niya nailalagay sa balikat niya ay nahampas na siya agad kaya napabitaw siya sa rocket nang ilagan niya ito. Hahampasin uli siya kaya umatras siya nang makarinig siya ng sunod sunod na putok kaya wala siyang nagawa kundi hayaan na barilin ang zombie para hindi agad makalapit sa kaniya. Nakaalis siya sa pagkakaupo. Agad lumapit sa malaking armas niya. "Puntahan niyo si Jessica!" Utos niya sa ilang pulis na nandoon. Kaya tumakbo ang ilan para sundan si Jessica. "Magigising ang mas malakas pa na zombie kapag tinuloy niyo ang pagbaril. Maniwala kayo!" Dinampot niya ang baril. "Tumakbo kayo!" Nakita niya kasi na bumaling ang pansin nito sa mga pulis. Inasinta niya uli ito. Hanggang sa bumulusok na naman ang isang bala. Tinamaan ang zombie kaya natumba ito. Tinignan nila ang zombie. Nakahiga ito. Hindi sa tiyan ang tama kaya nanlaki ang mata niya. Agad niyang nilagyan ng bala ang rocket. May dalawa pa siyang bala na nakasabit sa baywang niya. "Umalis na kayo! Babangon pa 'yan!" Sabi niya kaya nag-alisan ang mga ito. Inasinta niya uli ang zombie. Inabangan niya itong tumayo. At hindi nga siya nagkamali. Unti unti itong tumayo. Saka niya uli ito inasinta at isang bala na naman ang bumulusok pero nabigla siya dahil nakaiwas ito.

"Lagot na!" Tumama ang bala sa gilid ng gusali at sumabog. Nilagyan niya uli ng bala ang armas pero nabigla siya sa nakita niya. Muling tumubo ang kapirasong katawan nito at mas lumaki ang patalim na kuko nito.

"WRAAAAAAAAAAR!!"

"Hindi siya tatamaan nito." Sabi niya. "Kailangan lansihin muna siya." Tumingin siya sa paligid para gumawa ng paraan pero nag-iba ang direksyon ng zombie. Tumakbo ito sa isang pinto at winasak. Pumasok ito sa loob na tila hindi siya nakita.

Agad siyang tumakbo para sundan ito. Dala niya ang malaking armas niya. Alam niyang papunta ito kay Jessica. Nagmamadali siyang tumakbo hanggang napansin niya na nasa kabila na ito. Binutas na naman nito ang pinto para makadaan. "Jessica!" Sigaw niya dahil alam niyang malapit na ito sa bata. "Paputukan niyo!" Nakarinig siya ng sunod sunod na putok hanggang makarating siya. Nakita niya si Jessica sa kabila na hawak ng isang pulis. "Paputukan niyo pa!" Pero tumakbo ito para makalapit kay Jessica. "Tumakbo ka, Jessica!"

Tumakbo ito habang ang pulis ay lumalaban ng putok. Ito ang tinamaan ng kalmot. Sa kabila dumaan si Jessica kaya hindi siya abot ni Giselle. Nakita niyang namatay na ang isang pulis kaya nanghinayang siya dito. Inasinta niya uli ito. "Paputukan niyo lang!" Sabi niya sa ibang pulis na nasa paligid para hindi agad nito matunton si Jessica. Naglakad ang zombie habang binabaril ito hanggang sa tumakbo na para habulin si Jessica. Hinabol ito ni Giselle kasama ng mga pulis dahil hindi siya makatyempo. "Hawakan niyo muna ito!" Pinahawak sa isang pulis ang armas niya at agad na tumakbo siya nang mabilis para habulin ang zombie. "Jessica, umikot ka sa kabila!" Lumiko si Jessica at pumasok sa pinto. Kaya hindi siya nakita ng zombie. Tumigil ito at luminga-linga.

"Kapitan, abangan natin siya sa kabilang daanan!" Sabi ng isang pulis. Pumasok sila sa isang pinto na malapit sa kanila nang mapansin nila na pumasok na din ang zombie. Mabuti't nakita niya si Jessica na tumatakbo sa loob.

"Jessica, dito!" Lumapit sa kaniya si Jessica na nakasunod ang zombie. Lumabas agad sila.

"Ate Giselle, pagod na ako!"

Tumingin siya sa paligid. "Kayanin mo. Kung hindi mamatay ka!" Tumingin siya sa mga pulis. "Gumilid kayo. Aasintahin ko siya. Kailangang makuha niyo ang atensyon niya. Nagtuloy sila sa pagtakbo nang makirinig na naman siya ng putok. Nagtaka siya dahil walang bumabaril sa zombie. Natakot siya dahil naisip niyang may panibago na namang zombie sa kabila. Hinila niya si Jessica sa loob. "Paputukan niyo lang. Akina ang launcher." Binigay sa kaniya ito na may bala nang nakalagay. "Barilin niyo lang." Binaril ito ng ilang pulis. Nasa likod niya si Jessica. Hinintay niya itong pumasok. Nang makita niya itong nasa pinto na ay pinindot niya ang armas niya kaya bumulusok na naman ang bala nito. Eksakto itong tinamaan sa tiyan. Natumba ito. Hinawakan niya sa kamay si Jessica. "Tara na. Hindi tayo sigurado kung napuruhan siya." Tumakbo sila. Napansin niya na namatay ang ilang pulis at nakarinig na naman siya ng putok kaya takang taka siya. Nagtago sila sa lamesa na nandon dahil alam niyang may bumabaril sa kanila. Gumapang sila para maka-alis sa kinalalagyan nila. "Yumuko ka lang, Jessica. May bumabaril sa'tin."

Nakarinig na naman siya ng putok. Nakita niyang bumagsak ang isang pulis. Takang taka siya sa nakita. "Sino kaya 'yun?" Umupo sila sa isang sulok. Binuksan niya ang pinto at mabilis silang pumasok. Pag pasok niya pa lang ay may bala na agad na dumating kaya tinulak niya si Jessica sa loob at sinara ang pinto.

"SINO KA?" Alam niyang tao ito kaya nagsalita na siya. Wala siyang dalang baril kaya gumawa siya ng paraan. Pasimple niyang binuksan ang bintana.

"Huwag na kayong magtago!" Dinig niyang sumagot ito. Nakayuko sila habang nakatingin sa bintana. Nakabukas na ito.

"Sabi ko na nga ba. May ibang tao."

"Ate, ano ang gagawin natin?"

"Tumalon ka agad sa bintana, susunod ako. Kukuha ako ng baril sa mga pulis."

Mabilis na umakyat si Jessica at hinarang agad ni Giselle ang katawan niya para hindi ito tamaan. Lumukso si Jessica sa bintana pero nang si Giselle na ang dadaan ay may mga bala na naman na dumating kaya nagmadali siya. "Yumuko ka, Jessica!"

Natumba sila pagtalon at napansin niyang dumudugo ang braso niya. Tinamaan siya ng bala. Kaya napapikit siya at nasaktan.

"Ate!" Pag-aalala ni Jessica.

"Tumayo ka. Tara na. Andiyan na siya." Lumapit siya sa isang pulis na nakahiga at kinuha ang baril nito.

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon