10. Sensible Fight

125 6 0
                                    

"Kailangan nating makalabas dito." Sabi ni Giselle habang naglalakad. Nakikita nilang sumusunod ang matangkad na zombie. Takot na takot si Jessica.

Tumawag sa kaniya ang isang pulis. "Boss, inatake kami ng malaking zombie! Pinatay niya ang ilang pulis na mahabol niya."

Nanlaki ang mata ni Giselle. "Hangga't maaari, huwag niyo nang pansinin para hindi kayo atakihin. Hintayin niyo si Gil, andiyan na siya." Patuloy parin ang pagsunod sa kanila ng isang zombie. Tumawag siya sa General para bigyan siya ng chopper.

Nakita ni Virgil ang malaking zombie. Nagtaka siya dahil mas malaki na ito kaysa noong una silang nagkaharap. "Walang magpapaputok!" Utos niya sa mga ito hanggang tumigil sa pagwawala ang zombie.

Sa itaas naman ay panay lang ang lakad ni Giselle at Jessica. "Chief, kailangan naming makaalis dito dahil andito na ang zombie na papatay kay Jessica." Sabi ni Giselle habang kausap sa telepono ang Heneral.

Pabilis nang pabilis ang lakad ng zombie kaya bumibilis din ang lakad nila. Nag-alala si Giselle kaya pumasok sila sa isang kwarto. Plano niyang iligaw ang zombie.

"Sige, mag-ingat kayo diyan." Sagot ng Heneral. "Nagpapunta na ako ng isang chopper. Sa tingin ko'y kalahating oras ang itatagal ng byahe papunta diyan kaya humanda ka na. Kailangang makasakay kayo agad."

"Sige po, iiwasan lang namin ito sana makaligtas kami sa loob ng kalahating oras."

Natapos ang pag-uusap nila ay nakita niyang tumatakbo na ang zombie kaya nagmadali siyang tumakbo kasama si Jessica. Lumabas sila ng kwarto ng makakita sila ng isa pang pinto palabas nito. Nasa unahan si Jessica habang tumatakbo ito. "Bilisan mo Jessica, iikot tayo. Lumiko ka sa kaliwa." Utos niya.

Maraming likuan ang gusali sa pinaka-itaas. Takot na takot na ang itsura ni Jessica. "Konting tiis pa, Jessica. Parating na ang chopper." Sabi uli ni Giselle habang tumatakbo. Tila, hinahabol sila ng isang kriminal na papatay sa kanila.

Tumunog ang telepono niya. "G." Boses ni Virgil ng sinagot niya. "Sinusundan ko ang zombie, nasa second floor na kami."

"Ano?!" Nag-alala ang itsura ni Giselle. "Gaano siya kabilis?"

"Tumatakbo siya. Mas maliksi siya ngayon kumpara ng unang makaharap ko siya. Oras na matunton niya kayo kailangang paputukan natin ang isa sa kanila."

"Gumamit ka ng malakas na baril."

"Oo, dala ko ang shotgun at mag-ingat kayo."

"Tumatakbo na kami ngayon."

"Nasa third floor na kami!"

"Sige, huwag mong ibababa ang telepono, iiwas kami sa daanan papunta dito!"

Lumiko sila nang lumiko. Panay parin ang habol sa kanila ng zombie hanggang sa bumalik sila sa laboratoryo at dumaan sa nabasag na dingding. Tumakbo pa sila hanggang makita nila ang malaking bagay na bumagsak kung saan nakasakay ang zombie at nakita nila ang daan pataas. "Gil, aakyat kami sa rooftop, labanan mo ang zombie hanggang kaya mo. Paparating na ang chopper para saklolohan kami."

"Sige.." Panay lang ang habol ni Virgil hanggang makarating sila sa pang apat na palapag. "Inutusan ko nang kumuha ng kadena ang ibang pulis. Kailangang mawalan siya ng malay para madali namin siyang ikakadena."

"Ibababa ko na ito. Oras na makaalis kami ay huwag niyo muna silang paki-alamanan dahil siguradong aalis sila dito sa gusaling ito para sundan si Jessica."

"Okay."

Umakyat sila sa itaas. Malawak ang itaas ng gusali kaya malaki ang iikutan nila. Ang tanging problema na lang nila ay ang pagkuha sa kanila nito dahil kailangang bumaba ang chopper pero wala pa ito. Napansin ni Giselle na umakyat na din ang zombie. Nakarinig siya ng putok. Binabaril na ni Virgil ang isang zombie kaya tumigil itong tumakbo at tumingin sa kanila. Marami silang pulis na umakyat. "Distansya lang kayo!" Utos ni Virgil. Binabaril nila ang zombie at unti unting umaatras. Hanggang sa mabilis itong lumapit sa kanila kaya nagtakbuhan paatras ang mga pulis. Tumigil si Virgil at hinintay ang zombie. Nang makalapit ito ay inilagan niya ang matulis nitong kamay na ginamit panghampas sa kaniya. Nang makailag siya ay pinaputukan niya uli nang sunod sunod ito. Humampas na naman ito sa kaliwa. Dahil alam ni Virgil ang gagawin ng zombie ay nakaiwas siya sa pamamagitan ng pagdive kaya lumipat siya sa likod nito. Saka niya uli pinaputukan ang zombie hanggang maubusan siya ng bala. Tumakbo siya sa gawi kung nasaan si Giselle dahil hindi nawalan ng malay ang zombie. Umakyat siya at hinarangan ang daanan habang nilalagyan niya ng bala ang baril niya. Nang malagyan niya ay hinintay niya itong dumating. Nakita niyang aakyat ito kaya agad niyang pinaputukan nang sunod sunod.

Tumatakbo naman sila Giselle kasama si Jessica. Kasalukuyan parin silang hinahabol ng zombie. "Jessica, lumayo ka." Utos ni Giselle at tumigil sa pagtakbo. Nang papalapit na sa kaniya ang zombie ay iniwasan niya ang pagsuntok nito sa kaniya saka binigyan ng malakas na sipa sa mukha. Nawala sa balanse ang zombie. Lumapit si Giselle at binigyan ito ng suntok sa mukha. Tinamaan ito pero nang-aatakihin niya uli ay sinalag na nito ang paa niya. Natumba siya. Lalapit ang zombie sa kaniya kaya umatras siya habang nakahiga nang makarinig siya ng bumaril sa zombie. Nakita niya si Virgil na binabaril ang zombie. Nasa likuran nito si Jessica.

"Gil!" Tawag nito. Tumayo siya dahil tumigil ang zombie at tumingin sa kinaroroonan ni Virgil. "Nasaan ang isa?!"

"Sinara ko ang pintuan. Nawalan siya ng malay! Iniwan ko muna dahil mapanganib. Inalala kasi kita."

"Lagot tayo. Huwag ka munang magpaputok!"

Unti unting lumipat si Giselle sa kinaroroonan ni Virgil at Jessica. "Diyan ka lang sa likod ko, Jessica." Utos ni Giselle at muling lumapit ang zombie.

Dahan dahan silang umatras kasama si Jessica. Tumakbo ang zombie para suntukin si Giselle kaya umilag ito. "Jessica, dito ka sa likod ko." Utos naman ni Virgil. "Huwag kang lalayo dahil ikaw ang puntirya niya."

Ilang suntok ang inilagan ni Giselle. "Huwag kayong kikilos muna, Gil." Hiling ni Giselle pero lumipat ng tingin ang zombie. Tumingin ito sa gawi ni Jessica kaya nagkaroon ng pagkakataon si Giselle na sipain ito sa likod. Mataas na pagtalon ang ginawa niya para sipain nang malakas ang zombie. Tinamaan ito sa likod pero nanatili parin itong nakatayo. Saka naman umatake si Virgil ng isa ding sipa sa mukha nito kaya tuluyan na itong natumba. Bumangon ito pero nakalayo na sila ng sampung metro nang makarinig sila ng ingay. Isang kalampag sa pintuan. Naalala nila ang isa pang zombie. Nagkaroon na ito ng malay.

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon