Narinig nila ang ingay na malakas na pagkalampag habang nakatingin sa isang zombie sa harapan nila.
"Wala tayong tatakbuhan Gil!" Sabi ni Giselle kaya natakot agad si Jessica.
"Umiwas tayo hangga't kaya natin." Sagot ni Virgil at hinawakan si Jessica. Umatras sila ng bahagya hanggang nagpakita na ang isang zombie na nagbabadya nang umatake.
Sumigaw ito ng malakas. "Wraaaaaaaah!" Nagtaka sila dahil unti unting nagbabago ang katawan nito. May umusbong na ulo sa likuran nito at dahan dahan na pumasok ang orihinal na ulo nito sa dibdib ng zombie.
"Gil, ito na ang isa sa pagpapalit ng anyo niya. Natatandaan mo ba?" Natatakot na sabi ni Giselle.
"Oo, kailangang maiwasan siya pero paano 'tong isa?!" Tumakbo agad ang isa papalapit kaya wala silang ginawa kundi magtakbuhan.
Hanggang sa sumunod na din ang isa kaya bumaril ng paulit ulit si Virgil at Giselle. Umatake agad ang isa kaya tinulak ni Virgil si Jessica. Natumba ito pero nakaiwas sa zombie. Naghiwa-hiwalay silang tatlo dahil sa umatake din ang isa. Mabilis na bumawi si Giselle ng baril matapos niyang ilagan ang halos sabay na pag-atake ng mga zombie at mabilis na humarang sa kinaroroonan ni Jessica. "Jessica tumakbo ka muna!" Utos ni Giselle. Dala ni Giselle ang malakas na -45 caliber at si Virgil naman ay shotgun kaya halos sabay naubos ang bala nila. Habang tumatakbo si Jessica paikot sa rooftop ay hinahabol siya ng tingin ng dalawang zombie kaya nawala ang atensyon nila kay Virgil at Giselle.
Agad tumakbo si Giselle habang nagpapalit ng magazine. "Jessica! Bilisan mo!" Sabi ni Giselle at itinutok agad ang baril sa mas mabangis ng zombie. Paulit ulit niya itong binaril at binaril naman ni Virgil ang isang zombie na gustong habulin si Jessica.
Napatingin ang isang zombie kay Giselle at agad inatake nito si Giselle habang tumatakbo. Hindi inaasahan ni Giselle ang pangyayari kaya natumba siya sa pagkakatabig sa kaniya dahil tumatakbo siya nang makailag. "Jessica!" Banggit ni Giselle. Wala na itong tatakbuhan. Agad bumangon si Giselle para habulin ang zombie na papalapit kay Jessica. Sumigaw si Jessica dahil nasa sulok na siya. Hindi kapigilan ni Giselle ang zombie hanggang sa may mga pulis na dumating. Humarang sila kay Jessica at pinaputukan ng rifle ang papalapit na zombie. Nagkaroon ng pag-asa si Giselle dahil tumigil ang zombie. Mabilis siyang nagpunta sa kinaroroonan ni Jessica.
"Geeeee! Dito!" Dinig nila si Virgil na pinapalapit sila sa daanan pababa. Agad silang tumakbo at pumasok sa pinto.
"Bilisan niyo, umatras na kayo!" Utos ni Giselle sa limang pulis na bumabaril sa mas malaking zombie. Umatras ang mga ito at napansin ni Giselle na bumangon ang isa pang zombie. "Kailangan natin silang pababain para makaakyat uli kami." Sabi ni Giselle at bumaba silang lahat para tumakas.
Habang tumatakbo ay pinauna nila si Jessica at panay ang tingin nila sa likod. "Mukhang nagpalit na din ng anyo ang isang zombie." Sabi ni Virgil kay Giselle.
"Siguro nga. Wala tayong magagawa kaya kailangang takasan sila habang hindi pa tapos ang antivirus." Sagot ni Giselle. "Nasaan nga pala ang scientist na tumulong sa'tin?"
"Nasa ibaba siya." Sagot ng isang pulis. "Lumabas na siya ng gusali."
"Mabuti. Huwag niyo siyang papabayaan na mamatay."
Hanggang nakaabang na sila sa unang palapag na posibleng paglabasan ng dalawang zombie. "Ano ang gagawin natin boss?" Tanong ng isang pulis kay Giselle.
"Oras na makita niyo ay paputukan niyo na. Wala na tayong magagawa. Kailangan naming makaakyat sa itaas para masiguro ang pagkaligtas ni Jessica."
"Sige."
"Tuturuan ko kayo. Hindi niya kayo priority kaya oras na makaakyat kami ay itigil niyo ang pag-atake para mawala ang atensyon niya sa inyo. Para walang mamatay sa inyo. Malapit na ang chopper. At oras na makasakay kami ay magtago agad kayo dahil siguradong aalis sila sa gusali. Babalik kami para kunin ang antivirus."
Nakarinig sila ng ingay kaya humanda silang lahat. Agad pinaputukan ng mga pulis ang unang zombie na dumating. Tumigil ito pansamantala at sumigaw. "Wraaaaaaah!"
"Umatras kayo sa labas!" Utos ni Virgil kaya tumakbo silang lahat kasama ang mga nakaabang na pulis. Marami pa sila sa ibaba. Lumabas din agad si Giselle kasama si Jessica.
"Ate Giselle. Siya na ang tinatawag na Prime Zombie!" Takot na sabi ni Jessica habang tumatakbo.
"Pinaka malakas na ba 'yan?"
"Hindi pa dahil may ultimate zombie pa silang tinatawag."
"Mukhang alam ko na ang sinasabi mo." Naalala ni Giselle kung gaano kaliksi ang huling zombie na nakharap niya. "Kung nasa prime siya ay hindi pa siya ganoon kaliksi pa." Tumigil si Giselle sa pagtakbo. Nasa 'di kalayuan sila sa gusali. Tumingin siya sa paligid.
"Geeee! Takbo na!" Hiling ni Virgil.
"Dito ka sa likod ko, Gil!" Utos naman ni Giselle. "Jessica, tumakbo ka na!" Tumingin sa likod si Giselle at humarap uli. "Walang magpapaputok!" Sigaw niya sa mga pulis.
"G, ano ang plano mo?" Tanong ni Virgil at napansin nila ang zombie na sila ang tinutumbok.
"Basta, diyan ka sa likod ko. Tisudin mo siya kapag inatake ako. Iilagan ko siya."
Umatake agad ang zombie sa pamamagitan ng paglundag para hampasin si Giselle ng matulis na kuko. Umiwas agad si Giselle kaya mabilis na tinisod ni Virgil ang sumablay na zombie. Natumba ito. Pinaputukan nila agad. "Isama mo si Jessica!" Utos ni Giselle kay Virgil. Tumakbo agad si Virgil para matunton si Jessica saka naman lumitaw ang isa pang zombie. Bumangon ang zombie na natumba at tumingin sa kanila.
Maluwag ang harapan ng gusali dahil may parking lot ito. "Walang magpapaputok!" Utos uli ni Giselle. "Para hindi niya kayo atakihin." Tumingin siya sa kinaroroonan ni Virgil at Jessica na tumatakbo. Napansin niyang doon agad pumunta ang zombie.
Pumasok si Giselle sa gusali at tinawagan si Virgil. "Gil, pumasok kayo sa kabilang pinto ng building. Sasalubungin ko kayo. Magkasunod silang humahabol sa inyo."
"Sige.."
"Tapos umakyat na kayo ah. Ililigaw natin sila."
Agad tumakbo si Giselle sa bandang likod at nasalubong niya agad ang dalawa. Binaril agad nila ang paparating na zombie. Dumating ang mga pulis para rumisponde. "Umakyat na kayo, Gil. Kami na muna ang bahala dito!"
Hinarang nila ang daanan. Bumaril na naman ang mga pulis sa dalawang zombie kaya kapwa sumigaw ang dalawa. Ang isa ay halos mawasak na ang damit at ang isa ay may patulis na sa kamay pero hindi pa umuusbong ang panibagong ulo nito.
BINABASA MO ANG
Virus: Must Kill Jessica
Mystery / ThrillerThis story is a sequel of Virus; Saving Raquel. All that will happen here is connected in the said story. This story entitled Virus; Must Kill Jessica. Jessica is a young teen and the only daughter of Glenn Frampton, who invented the zombie virus. T...