18. Saving Jessica

81 13 0
                                    

"Huwag ka na sumama kung gusto mo talagang iligtas ang bata." Sabi ng heneral habang kausap si Virgil gamit ang telepono.

"Chief, alam mo naman na may gustong pumatay sa kaniya. Kailangan nating alamin kung sino 'yun dahil sureball, sila ang may pakana ng nakakasuklam na virus na ito."

"Alam ko. Protektahan mo ang bata. Hayaan mo na sila. Alam na nila ang instruction na ibinigay ko."

"Si-sige, chief."

Tumuloy ang mga sundalo sa loob sakay ng truck habang ang iba at si Virgil ay naghintay sa labas ng syudad kasama si Jessica. "Kuya.." Tawag ni Jessica kay Virgil. Tumingin si Virgil sa kaniya at hinaplos ang buhok nito. Nakaupo sila sa loob ng sasakyan ng mga sundalo. "Oras na malaman nilang nakagawa tayo ng anti-virus, hindi ko alam ang gagawin pa nila kaya please, tapusin na natin ito pagkatapos."

Huminga ng malalim si Virgil. "Hindi kasi pwedeng itago ang anti-virus. Kawawa ang mga taong nahawaan."

Napansin ni Jessica ang lungkot sa mga mata ni Virgil. "Pasensya na po talaga." Napayuko siya.

"Bakit ba hingi ka nang hingi ng pasensya?" Napailing si Virgil at napahampas sa upuan. "Kahit pa anong gawin natin wala na si Giselle." Natakot si Jessica at hindi makapagsalita. Maya maya lang ay hinawakan ni Virgil ang kamay niya. "Pasensya na." Gusto na din umiyak ni Jessica. "Patay na si Giselle pero wala akong nakikitang pagsisisi sa ginawa niya. Kaya kung hahayaan kita, parang sinayang ko ang pagiging pulis niya at masermonan pa niya ako sa kabilang buhay kung pati ako mamamatay. Kaya hindi ko nanaisin na mamatay. Alam kong kagagalitan niya ako." Napahawak sa mata ang dalawang daliri niya dahil pinipigil niyang umiyak. "Mahigit sa sampung taon kaming magkasama. Talagang napamahal ako sa kaniya. Ako lang yata ang tatagal na pulis sa kaniya. Siguro dahil minahal ko siya. Ang Virus na 'yan ang dahilan kaya naging kami ni Giselle at ang Virus na 'yan din pala ang dahilan kaya kami maghihiwalay. Nakakalungkot pero huwag lang malungkot. Wala akong sinisisi kundi ang totoong may sala. Alam kong hindi din kasalanan ng ama mo."

Niyakap siya ni Jessica. "Kuya, kahit ngayon ko lang kayo nakilala, alam kong matagal na kayong nagsama ni Ate Giselle kaya hindi lang din ako sa pagkamatay niya nalungkot. Nanghinayang ako sa inyong dalawa."

"Kahit anong gawin natin hindi na natin maibabalik ang lahat. Tanggapin na lang natin, masakit man. Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari pero kailangan nating harapin ang kinabukasan."

Nakarinig sila ng putok ng baril kaya nagtaka sila. Napakapit si Jessica kay Virgil. "Huwag kang matakot." Napansin nila na nagtakbuhan ang ilang pulis. "Anong nangyayari?!" Bumaba si Virgil sa sasakyan. Hindi pa sumasagot ang pulis ay napansin na niya ang isang halimaw na zombie na papalapit.

"Jessica, sumama ka sa'kin!" Hinawakan niya sa kamay si Jessica at sabay silang tumakbo. Nakalusot ang zombie sa mga pulis. Tumingin si Virgil sa likod at napansin niyang hinahabol sila nito. Humahakbang ito sa mga sasakyan.

"Kuya, siya na ang Ultimate Master Zombie. Mahirap siyang patayin."

Kinuha ni Virgil ang telepono niya. Umikot sila sa daanan para malito ang zombie. "Siya yata ang humahabol sa'yo sa laboratoryo." Walang makapigil sa zombie. "Kahit anong mangyari, ililigtas kita. Magpapakamatay ako kapag namatay ka, Jessica." Umiiyak habang takot na takot si Jessica. Tinawagan ni Virgil ang Heneral. "Chief, kailangan namin ng chopper. Sana magpadala ka dito. Andito ang halimaw na humahabol sa bata."

Sagsalita ang heneral. "Sige basta iligtas mo siya. Huwag kayong magpunta sa matao na lugar. Doon kayo sa kung saan nagpunta ang mga sundalo para ligtas. Tatawagan kita mamaya lang at umakyat ka sa isang gusali para masundo ka. Mas maiging huwag muna kayong magtagal sa lupa."

"Si-sige." Tumingin sa paligid si Virgil. Palalapit na ang zombie. Nilabas niya ang shotgun at dala niya ang hawak na baril na may laman na anti-virus. "Mukhang walang epekto ang anti-virus sa kaniya. Dito ka lang sa likod ko, Jessica. Takpan mo ang tainga mo!" Sunod sunod na nagpaputok si Virgil at sumapol sa papalapit na zombie. Hinampas sila nito kaya umilag siya't itinulak niya si Jessica. "Jessica, takbo!" Utos niya at binaril pa ang zombie habang nakahiga pa siya.

"Wraaaaaaaaaah!!" Sumigaw ang zombie. Takot na takot na sinamantala ni Jessica ang pagkakataon na na-kay Virgil ang atensyon ng zombie.

"Sa likod ng truck!" Sigaw ni Virgil habang naglalagay ng bala. Tumakbo si Jessica sa nakita nilang malaking delivery truck habang si Virgil ay bamangon. "Dito!" Nagpapansin siya sa zombie. Binaril niya uli ito at umatras ng kaunti pero nag-iba ang atensyon ng zombie. Tumingin ito sa kinalalagyan ni Jessica. "Hayup ka, nandito ako!" Binaril ng binaril ang zombie habang tumatakbo din siya sa gawi ni Jessica. "Jessica, magtago ka!"

Takot na takot pa din si Jessica nang makita niya ang kuko ng zombie na humampas sa truck. Umuga ito. "KUYA!!!" Sigaw niya. May humawak sa kamay niya.

"Andito ako. Takbo na." Sabi ni Virgil. "Buti na lang inakala niyang wala nang ibang daan kaya 'yung truck ang hinampas niya."

"Oo nga, Kuya. Wala silang gaanong IQ."

"Buti na lang." Nakita nila na tumaob na ang truck. "Jessica, iaakyat kita sa bakod. Kumapit ka." Sinamantala nila ang pagkakataon para makaakyat papasok sa syudad. Umakyat si Jessica at sumunod na si Virgil. Tumakbo na ang zombie papalapit. Tumakbo din sila habang winasak ng zombie ang makapal na alambre na ginawang bakod sa syudad. "Delikado kapag nakapandamay siya ng tao kaya dito tayo." Tumakbo sila sa malawak na kalsada. Wala silang makitang tao pero maraming nakatigil na sasakyan.

"Sundan niyo kami at magdala kayo ng launcher, bilis!" Utos ni Virgil sa pulis na kausap sa telepono. Pumasok sila sa isang avenue. May nasalubong silang truck. Kinawayan niya kaya tumigil ito. "Pigilan niyo ang halimaw na sumusunod sa amin."

Nagtaka ang nagmamameho. "Dala namin ang ilang tao na natamaan ng anti-virus. Mga tulog sila. Andiyan sa likod."

"Talaga? Good! Hinahabol kami."

"Sumakay na kayo!"

Napansin nila na parating na ang zombie. Agad silang sumakay kaya nagsiksikan sila sa unahan. Sinalubong ng zombie ang truck. "Sige, banggain mo!" Sabi ni Virgil. Sinalubong ang truck ng isang malakas na hampas kaya bumaon ang kuko nito sa unahan ng truck.

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon