15. Nearby Death

92 10 0
                                    

Matapos kunin ni Giselle ang baril at bala ay hinila niya si Jessica para makalayo pero may bumabaril sa kanila kaya hindi sila nakalayo agad. Gumilid agad sila sa gusali at umikot para mailigaw kung sino man ang bumabaril sa kanila. Tumigil sila dahil nasa sulok sila ng gusali kung saan hindi sila makakalayo dahil may bakod. May daanan sa gilid dahil paikot ang daan pero hindi agad sila tumuloy. Tumingin sa paligid si Giselle at nakiramdam. Sinenyasan niya si Jessica na huwag mag-ingay at dahan dahan silang naglakad. Napaka-tahimik ng lugar. Patay na ang lahat ng pulis na naka-duty. Pasimple niyang kinuha ang telepono niya para tawagan si Virgil. Pero alisto parin siya dahil baka may bumaril sa kanila. Hindi pa niya natatawagan si Virgil ay may lumitaw na sa 'di kalayuan at binaril sila. "Jessica!" Hinarang niya ang katawan niya dito at binaril din ang bumaril sa kanila. Tinamaan siya sa balikat. Nagtago ang bumaril kaya nawala ito.

"Ikaw din yata ang target niya." Sabi ni Giselle at dumugo ang sugat niya. Nakatigil lang sila at nakatutok ang baril sa sulok kung saan posibleng lumabas ang lalaki.

"Ate may tama ka."

"Huwag kang maingay. Wala 'to. Kaya ko 'to." Nakatutok parin ang baril niya. Maluwag sa loob ng gusali na makikita mo ang lahat ng pinto at mga lamesa na may computer. Nagkalat ang mga papeles dahil sa gulo na nangyari. Lumapit si Giselle sa pinto habang nakatutok ang baril sa sulok. Unti unti niya itong binuksan at sumilip sa loob. Wala siyang nakita pero sa bintana ay may anino siyang nakita na naglalakad pabalik. Nasa labas ito.

"Let's go. Papunta siya sa kabila."

Hindi sila pumasok sa loob at nagpunta sa kabilang sulok kung saan niya inabangan kanina ang lalaki. Sumilip siya para makita kung may tao. Nakita niyang wala kaya tumuloy sila. Malapit na silang makaikot para makarating uli sa parking lot at makalayo na. Dito niya nakita ang anino kanina lang kaya nagdahan dahan sila uli. Sinilip niya ang bintana para malaman kung may tao sa loob. Wala siyang nakita pero may naramdaman siya sa itaas kaya agad silang pumasok sa loob dahil binaril sila. Mabuti at nakita niya agad. Nang makapasok sila ay napahawak sa dibdib si Giselle at napasandal dahil sinwerte sila. Bumungad sa kaniya ang katawan ng malaking zombie. Gulat na gulat siya sa nakita. Humihinga ito kahit may sugat sa tiyan. Natakot si Jessica. "Ate, buhay pa siya." Bulong nito.

"Oo nga." Sumilip siya sa itaas. Nawala ang lalaki kaya lumabas sila habang nakatutok sa taas ang baril.

"Ate, baka nagpapahinga lang ang zombie kasi tinamaan. Pero babangon siya mamaya. Bilisan natin."

"Tama ka. Panganib ito. Bakit may gustong pumatay sa'yo na hindi naman zombie?"

"Baka tauhan ni Mr Valdez, 'yung sinasabi ko sa'yo na bestfriend ni Daddy."

"Malamang." Sumilip uli siya sa kabila. Nakita na nila ang mga sasakyan. Tumutulo ang dugo mula sa dalawang balikat ni Giselle na tinamaan. Nasasaktan na si Giselle. Hirap na siyang huminga.

"Ate, kamusta ka?"

"Ayos lang ako."

Naglakad pa sila. Nang makita nila ang lalaki. "Huwag na kayong tumakas." Nakatungtong ito sa ibabaw ng sasakyan. Nakatutok ang baril nito sa kanila.

Tinutukan din siya ni Giselle. "Pag sinabi kong takbo tumakbo ka sa likod." Bulong niya kay Jessica.

"Andoon ang zombie."

"Basta, lalampas tayo."

Nakita nilang bumaba ito ng sasakyan. Nakatutok parin ang baril nito. "Ibigay mo ang bata para matapos na." Sabi nito. Hindi sila kumikilos. Nasa likod lang ni Giselle si Jessica.

"Sino ka?" Tanong niya.

"Huwag mo nang alamin."

"Kung napag-utusan ka para patayin ang bata ay huwag mo nang asahan na ibibigay ko siya sa'yo."

"May tama ka pa. Mahihirapan kang labanan ako. Isang tanong isang sagot, ibibigay mo ba ang bata o hindi? Hindi ko siya sasaktan. Pangako."

Malapit sila sa likuan papunta pabalik kung saan madadaanan nila ang zombie. Kaya posible na hindi sila pumasok kapag tumakbo sila. Malayo ang pinto kaya maabutan sila ng bala. Naglalakad palalapit ang lalaki.

"Takbo na, Jessica!"

Tumakbo sila kaya bumaril ang lalaki. Hindi sila tinamaan. Hinabol sila nito. Tumatakbo parin sila. Tumigil si Giselle at inabangan na lumitaw ang lalaki. Lumampas na sila sa pinto kung nasaan ang zombie. "Jessica, takbo lang. Haharangin ko siya. Buksan mo ang pinto sa susunod na pintuan. Hindi pa bumabangon ang zombie. Hindi tayo makakalampas kung nasa loob siya." Lumitaw na nga ang lalaki at nakapasok na si Jessica sa loob. Binaril ito ni Giselle at gumanti ito ng baril. Hindi sila nagkatamaan at sumunod siya kay Jessica sa loob. Nakita niya ang lalaki sa bintana na tumatakbo papunta sa pinasukan nila. "Takbo pa bilis!" Maraming nakaharang na lamesa kaya hirap silang makatawid sa isang pinto. Hanggang nakapasok na ang lalaki. Binaril ito ni Giselle kaya nagtago ito sa mga nakaharang na lamesa. Itinutok niya ang baril niya dito habang umaatras siya. Lumitaw ang lalaki at nakita niyang babarilin nito si Jessica kaya agad siyang tumalon para sagipin ang bata. Natumba sila at nagtago. Bumaril siya ng bumaril pero walang tinamaan dahil hindi niya nakikita ang binabaril. Nakaupo lang sila. "Nasaan na siya?" Tanong ni Jessica.

"Hindi ko alam. Huwag kang maingay. Nasaktan ka ba?"

"Ayos lang ako, ate. Natatakot ako."

"Basta ako ang bahala sa'yo."

Nasa ilalim sila ng lamesa na may upuan. Dahan dahan niyang tinignan ang lalaki. Wala ito kaya tumingin siya sa paligid. Naaninag niya ang paa nito sa makintab na sahig. Plano niyang barilin para patagusan pero nagbago ang isip niya dahil baka makatakas pa ito. "Dito ka lang. Pupuntahan ko siya. Huwag kang matakot alam ko kung nasaan siya."

Dahan dahan siyang gumapang. Pero hindi pa siya nakakalapit ay nakita siya nito dahil tumayo ito. Nakita siyang gumagapang. Binaril agad siya at tinamaan siya sa likod, nabitawan niya ang baril niya. Kinaya niyang tumayo para lumundag papunta sa lalaki dahil wala nang oras para damputin niya ang baril niya. Pero tinamaan pa siya sa tiyan bago siya makalapit. Nahawakan niya ang kamay nito.

"Mamamatay ka na!" Sabi nito sa kaniya pero nakalihis ang baril nito. Sinipa niya ito sa mukha. Natumba ito pero hawak niya parin ang kamay. Nakatingin lang si Jessica sa kanila at nagdadasal. Sinipa niya nang sinipa sa mukha habang nakahiga ito at naagaw niya ang baril. Agad niyang pinaputukan nang sunod sunod ito kaya namatay na agad ang lalaki. Hinang hina siyang naglakad papunta kay Jessica.

"Ate!" Takot na takot si Jessica dahil duguan si Giselle.

"Tawagan mo si Gil. Kunin mo ang telepono ko sa bulsa." Umupo si Giselle habang kinakapa ni Jessica ang telepono pero may napansin silang bumangon.

"Ate ang zombie!" Napapikit si Giselle dahil nakita niyang nakatingin sa kanila ang zombie.

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon