1. Information

272 7 6
                                    

Tumigil ang motor ni Virgil sa isang lugar kung saan siya hinihintay ni Giselle. Sa malayo pa lang ay nagkita na sila. Si Giselle ay nakaupo sa loob ng restaurant at si Virgil naman ay tatawid pa para nakarating doon dahil walang parking lot ang restaurant. Napangiti si Virgil habang tumatawid. Nakatingin lang sa kaniya si Giselle. Nang makapasok ito ay tumayo si Giselle. "Bakit ka tumayo?" Tanong ni Virgil.

"Aalis na tayo." Binigay ni Giselle ang bag niya kay Virgil. "Bitbitin mo muna 'yan."

"Hindi ba muna tayo kakain?"

"Nagmamadali tayo. Kailangan na nating puntahan ang ospital."

"Makakapaghintay naman 'yun. Kauna-unang date natin ito mula ng matapos ang madugong bakbakan sa Rainbow City."

Lumakad si Giselle palabas. "Hindi na tayo mga bata, Gil. Pangbata lang ang date date na 'yan. Uminom na lang tayo mamaya pagkatapos natin magpunta kila Raquel."

"Gagawin mo pang dahilan ang birthday ng bata para magcelebrate ng alak?"

"Gil.." Lumabas sila ng restaurant. "Huwag mo akong itulad sa inyo ng mga kabarkada mong ultimo birthday ng kapitbahay na walang handa ay pinaghahanda makapag-inom lang."

"Wow, G. Dinamay mo na naman sila."

"Bilisan mo. Nakadress ako!"

Sumakay sila sa motor. May bitbit si Giselle at dahil sa suot na palda kaya nakatagilid siya. Yumakap ang isang kamay niya kay Virgil.

"Dapat kasi pagtapos na lang natin pumunta sa ospital saka ka bumili ng regalo." Reklamo ni Virgil habang umaandar na ang motor.

"Ayokong mag-aksaya ng oras. Habang hinihintay kita kailangan kong hindi tumunga-nga lang."

"Dahil sayang ang oras?"

"Oo, bilisan mo."

"Yan ba ang turo sa'yo sa school?"

"Turo ng Teacher ko noong grade 1 pa."

"Naalala mo pa 'yun?"

"Sa totoo lang hindi. Basta natutunan ko 'yun hindi ko lang alam kung kailan."

"Hay naku, G."

-

Nakarating sila sa ospital. Agad nilang tinungo ang isang kwarto. Nakakita sila ng mga pulis na nagbabantay.

"Mabuti't dumating na kayo." Salubong ng isa.

"Nasaan ba ang bata?" Tanong ni Giselle.

"Andiyan, tignan mo."

Pumasok si Giselle sa kwarto. Tinignan niya ang bata na puro sugat pero walang malay. Naka-oxygen ito para makahinga. "Nakita siya malapit sa Rainbow City dalawang araw matapos itong pasabugin." Kwento ng isang pulis. "May corcern citizen ang nagdala sa kaniya sa ospital bago siya ilipat dito. Buhay siya."

Lumapit si Giselle dito kasama si Virgil. "May nakita bang sakit sa bata?" Tanong ni Virgil.

"Isang lagnat lang. Dala ng panghihina."

Tumango lang si Giselle at nag-isip. "Hinihinalang zombie din ba siya?"

"Walang nakitang virus sa kaniya dito. Pero akala nung iba ay isa itong zombie. Hinihintay pa siyang magising. Muntik na nga siyang barilin ng makitang iika-ika sa paglalakad."

"Mabuti't hindi nila ginawa. Balitaan niyo na lang ako ah. Medyo pamilyar kasi siya sa'kin." Sabi ni Giselle bago umalis.

-

Tumigil ang motor nila sa tapat mismo ng bahay ni Raquel. Masaya silang sinalubong ng bata.

"Ate Geeee!" Bati nito.

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon