Maayos na kinuha nila ang gamit ni Jessica kaya ngayon ay habang nasabyahe sila ay kausap na ni Virgil si Giselle gamit ang telepono.
"Bukas na natin siya dalhin sa presinto." Sabi ni Giselle sa kabilang linya. "Ideretso mo muna siya sa bahay. Doon muna natin siya kakausapin dahil pagabi na."
"Sige, doon na lang tayo magkita."
"Okay, magluto ka."
"Bakit ako?"
"Masarap kang magluto."
"Lakas mong mambola ah."
"Mas mauuna kang makakauwi kaya ikaw na ang magluto. May tatapusin ako dito."
"Sige na nga."
Nakarating sila sa apartment kung saan nakatira si Giselle. Pumasok sila sa loob. May dala silang attache case at malaking bag.
"Dito ka muna. Kailangan kasi namin na lutasin ang kaso mo. Kailangang makalaya ka sa taong gustong pumatay sa'yo." Sabi ni Virgil kay Jessica. Pumasok sila sa kwarto.
"Salamat sa tulong mo pero kung ako ang tatanungin ay ayoko nang umalis doon." Malungkot na sagot ni Jessica.
"Pwede sana. Aayusin lang natin ang mga naiwan mo sa bangko. Pero may isa pang kaso na dapat lutasin. May katibayan na may taong humahawak sa virus ng ama mo."
Umiyak si Jessica. "Namimiss ko na si Mommy at Daddy."
Niyakap siya ni Virgil. "Matatanggap mo din 'yan. Oras na maging maayos ang lahat mabubuhay ka na ng tahimik. Kailangan mong mag-aral."
Pinunasan ni Jessica ang luha niya at binuksan ang attache case. "Akala ko hindi ko na magagamit ito." Kinuha niya ang manipis na libro at binuklat. "Kailangan natin 'to kung sakaling makita natin ang iba pang infected ng virus."
Kinuha ni Virgil ang libro at tinignan. "Ang hirap naman intindihin nito." Kumento niya.
"Kaya kong basahin 'yan."
Tumingin si Virgil kay Jessica. "Magluluto lang ako. Mamaya natin pag-usapan 'yan pagdating ng partner ko. Magpahinga ka muna at maghintay dito."
"Sige po."
Pinahiga niya si Jessica sa isang kama. Ilang minuto ang lumipas ay dumating si Giselle. Pumasok agad ito sa kwarto. Nakita niyang kumakain si Virgil at Jessica.
"Kamusta?" Lumakad ito at lumapit. "Mabuti at ligtas ka." Sabi nito kay Jessica. Tumango lang ito. "Bukas ay aayusin natin ang mga papel ng ama mo. Kailangan mong pumirma. Malaking pera ang iniwan niya sa'yo."
"Pero.." Nagsalita si Virgil. "May isa pa tayong problema. May gustong pumatay sa kaniya."
Huminga ng malalim si Giselle. "May kakilala ka bang posibleng gagawa nito?" Tanong uli ni Giselle kay Jessica.
"Meron pero hindi ko alam kung nasaan siya."
"Sino?"
"Yung bestfriend ni Daddy. Alam kong pwedeng siya ang suspect dahil siya lang naman ang pwedeng magtakas ng virus. Pero hindi ako sigurado dahil kaibigan parin siya ni Daddy."
Nag-isip si Giselle. "Posible nga 'yang sinasabi mo pero malay natin hindi siya. May mga tauhan naman siya na pwedeng magtraydor. At pwedeng patay na din siya."
"Hindi pa siya patay." Sagot ni Jessica.
"Pa'no mo nasabi?"
"Active pa ang account niya. At isa pa, narinig kong hinihikayat niya si Daddy na gumawa ng gulo sa pamamagitan ng zombie virus. Ayaw ni Daddy dahil gusto lang naman ni Daddy na kumita ng pera. Ayaw niyang gawan ng masama ang mga tao. Walang importante kay Daddy kundi pera lang. Pero ang bestfriend niya na si Ginoong Valdez ay iba ang gusto."
Napa-isip na naman si Giselle. "May chance nga na siya talaga ang may gustong pumatay sa'yo."
"Gaya ni Daddy ay mukha din siyang pera. Gusto niyang pagkakitaan ang antivirus kaya gusto niyang makuha ito at ang zombie virus. Malaking gulo ang gagawin niya kaya ayaw ni Daddy. Nakaimbento si Daddy ng panibagong sakit na kakalat dito at gagamitin niya ang antivirus bilang gamot. Walang ibang gamot kundi ang antivirus lang na ititimpla bilang antidote o syrup. Pero hindi kuntento doon si Ginoong Valdez. Gusto niyang magkagulo habang kumikita ng pera."
Huminga ng malalim si Giselle. "Kailangan natin siyang makita at mas maganda kung makausap natin siya dahil kung hindi natin kayang baguhin ang isip niya'y mas maiging ikulong o patayin siya dahil habang nabubuhay siya ay maraming pwedeng mamatay."
"Ang isa sa pinagtataka ko ay bakit alam ng taong infected sa zombie virus kung nasaan si Jessica?" Singit naman ni Virgil.
"Si Ginoong Valdez ay isang scientist inventor at technologist. Mas may alam siya kay Daddy pero nakaimbento si Daddy ng virus na hindi magawa ni Ginoong Valdez. Baka may kinalaman doon ang nangyari."
"Baka nakaimbento siya ng virus na nakakahanap ng tao?" Sabi ni Virgil.
"Imposible, walang ganun." Sabi naman uli ni Giselle. "Pa'no madedetect ng virus si Jessica? Dahil sa DNA? Pwede din pero napakatalino naman niya."
"Matalino siya. Nakagawa siya ng isang maliit na robot na nakakakilala ng tao. Hindi pa niya ito inilalabas."
"Pa'no makikilala ng robot na 'yun ang tao?"
"May program doon na kailangang iattach mo ang picture mo na nakaharap, nakasideview at nakatalikod o kahit gumagalaw. At kung gusto kang hanapin ng robot na 'yun ay kailangang iprogram ang robot sa pangalan mo at hugis ng iyong katawan. Madaling maresolba ang ilang kaso kapag nakuhanan ng picture ang kriminal. Madali itong makikilala kung siya ang hinihinalang suspect kaya siguro ayaw ilabas ni Ginoong Valdez ang robot na 'yun. Tanging si Daddy at kami lang ang nakakaalam."
"Kahanga-hanga." Kumento ni Virgil.
"Hindi virus ang gamit niya kundi device na may communication sa utak. Tawagan mo ang presinto sa Neon City." Utos ni Giselle.
Tinawagan ni Virgil ang opisina pero walang sumasagot. Hindi ito sinasagot kaya ipinagtaka niya ito. "Walang sumasagot." Sabi ni Virgil at inagaw ni Giselle ang telepono.
"Sagutin niyo!!" Inis na si Giselle. "Kailangan nating ipasuri ang taong 'yun."
May kumatok. Binuksan ni Giselle at nakita niya ang isang kapitbahay. "Ate.." Nag-aalala ito.
"Bakit?"
"Napanood mo sa Tv?"
"Ang ano?"
"May kumalat na naman na virus!"
Gulat na gulat si Giselle kaya agad niyang binuksan ang Tv. Nagimbal siya sa nakikita niya.
"Anong lugar 'yan?!" Nabasa niya ang nakalagay.
"Neon City!" Gulat na gulat si Virgil. Nakita nila ang napakaraming zombies sa daan habang kinukunan ito ng video sa itaas.
"Saan nanggaling ang virus?" Tanong ni Giselle.
"Baka sa presinto ng Neon City." Sagot ni Virgil.
"Oh my god. Ano ang gagawin natin?" Nag-aalala si Giselle at napasapo sa ulo. "Panibagong gulo na naman. Wala pang dalawang Linggo." Sinara ni Giselle ang kamao niya sa sobrang galit.
BINABASA MO ANG
Virus: Must Kill Jessica
Mystery / ThrillerThis story is a sequel of Virus; Saving Raquel. All that will happen here is connected in the said story. This story entitled Virus; Must Kill Jessica. Jessica is a young teen and the only daughter of Glenn Frampton, who invented the zombie virus. T...