3. Neon City

194 7 0
                                    

Isang matangkad na lalake ang naglalakad sa kalsada. Lumilinga-linga ito sa paligid. Tumawid siya kahit may sasakyan na mabilis. Iniwasan siya nito dahil parang wala siyang nakitang sasakyan na paparating. Tumigil ang sasakyan.

"Hoy, kung hindi mo na mahal ang buhay mo, huwag mong idamay ang mahal kong kotse!!" Hindi lumingon ang lalake. "Tarantado ka!"

Muling umandar ang kotse. Nagpatuloy sa paglalakad ang lalake. Kagalang-galang ang itsura nito at malaking tao. Kaya habang naglalakad ito ay may mga lalaking kumursunada sa kaniya dahil nasa lugar siya nang walang gaanong tao. Inakbayan agad siya kaya napatigil ito. Tinutukan ng kutsilyo.

"Holdap 'to!" Tumingin ito sa mga tao dahil hindi siya natinag. Malaking tao siya na pilit pinapayuko. "Ibigay mo na ang lahat. Matigas ka pa. Papatayin ka namin. Walang nakakakita dito!"

Tumingin ang lalake sa kaharap niyang nakangiti at ginamit nito ang daliri para tusukin ang leeg. Bumagsak ang lalaking isa sa mga holdaper kaya natakot ang dalawa pa niyang kasama. "Anong nangyari?!" Takot na takot na sabi ng isa. Tinusok niya ng kutsilyo ang lalake pero sinangga lang nito at mabilis na tinusok ng daliri ang tiyan kaya bumagsak din itong duguan. Sa takot ng isa ay tumakbo ito.

Inayos ng kagalang galang na lalake ang kwelyo ng polo niya at nagpatuloy sa paglalakad. Nakikita niya ang malaking shopping mall sa 'di kalayuan.

-

Nakarating si Virgil sa Neon City pero hindi niya alam ang eksaktong lugar kung nasaan si Jessica. Tinawagan niya si Giselle. "Hello, andito na ako." Sabi nito.

Sinagot ni Giselle ang tawag. "Ipagtanong mo kahit kanino kung kilala nila ang nasa picture." Utos ni Giselle. "Libutin mo ang buong lugar hanggang hapon."

"Nagsisimula ka na din bang magtanong?"

"Oo kanina pa. Kung walang mangyayari sa lakad natin ay kailangan na natin si General. Pero hangga't maaari, tayo muna ang lulutas nito dahil hindi pa tayo sigurado kung malaking kaso nga ito."

"Sige G, good luck."

"Mag-iingat ka."

Tinuloy ni Virgil ang pagmamaneho ng motor hanggang makarating siya sa unang departamento. May mga tindahan doon.

"Hindi eh. Hindi pamilyar." Sabi ng napagtanungan niya.

"Sige salamat!"

Nagtanong-tanong pa siya. "Try niyo pong magpunta sa mall kasi doon ang puntahan ng mga kabataan." Payo ng isang napagtanungan niya. "Una niyong tanungin ang gwardya. Pero hindi ako sigurado kung matatandaan siya ng gwardya."

"Magandang idea. Sige po, salamat."

Nagpunta siya sa mall. Hindi na siya dumaan sa ibang departamento sa kalsada. Itinigil niya ang motor sa parking lot nang may makita siyang mga kabataan na kasing edad ni Jessica na pumapasok sa mall kaya nagmadali siyang tanungin ang mga ito. "Sandali!" Tawag niya sa mga kabataan na papalapit sa entrance. "Pwedeng magtanong? Baka kilala niyo 'to?"

Tinignan ng mga dalagita ang larawan. "Hi-hindi po!" Sabi ng isa.

"Salamat."

"Pulis po kayo?"

"Oo, kailangan ko kasing mahanap si Jessica."

Magmamadaling pumasok ang mga babae. Nagpunta sila sa isang lugar sa loob para puntahan ang mga kasama nila. Si Virgil naman ay itinago ang baril sa maliit niyang bag para hindi lumabas sa pantalon niya. Pumasok siya sa loob at nagtanong sa gwardya. Nagpakilala siyang pulis.

"Kilala ko 'yan!" Sabi ng gwardya. "Ano ang atraso niya?"

"May kailangan lang kaming lutasin na kaso. Andito ba siya?"

"Oo pero hindi ko alam kung nakalabas na."

"Salamat. Hahanapin ko na lang." Nagmamadali siya. "Tama nga ang hinala ko na andito siya sa Neon City. Buti na lang." Luminga linga siya sa likod.

-

Isang dalagita ang naghihintay sa mga kasama niya. Nagtaka ito dahil nagmamadali ang mga ito. "Jessica, kailangan mo nang umalis!" Sabi agad ng kasama niya.

"Bakit?"

"May pulis na naghahanap sa'yo!"

"Sigurado kayong pulis siya?"

"Oo, siya 'yung nakikita ko sa Tv. 'Yung gwapong pulis."

"Pulis nga siya." Natakot ang itsura ni Jessica. "Akina ang susi." Ibinigay ng mga kasama niya ang susi ng motor. "Huwag na kayong sumama. Baka madamay pa kayo. Ikukulong nila ako dahil sa ginawa ng Daddy ko. Alam niyo na 'yun!"

"Jessica, mag-iingat ka." Niyakap siya ng kaibigan. "Huwag ka munang umuwi sa bahay dahil baka mahanap ka niya."

"Basta tawagan mo ako kung makakauwi ka ah. Basta huwag mong ibibigay ang mga gamit ko kung sakaling may maghanap sa'kin. Importante 'yun."

"Sige bilisan mo na." Tumakbo si Jessica pero may kasalubong siyang malaking lalake na nakatingin sa kaniya. Habang papalapit siya dito ay nahalata niya ito. Titig na titig sa kaniya na tila may kasalanan siya kaya agad siyang napatigil at bumalik. Nakita niya uli ang mga kasama niya.

"May isa pang naghahanap yata sa'kin."

"Sino?"

"Nakatingin siya eh. Kinabahan ako."

"Nasaan?!"

Nagulat siya dahil papalapit na ito ng biglang may tumawag sa kaniya.

"Jessica!" Lumingon sila. Nakita nila si Virgil.

"Siya 'yung pulis Jessica, kailangan mong tumakas."

Pero papalapit na pala ang malaking lalake sa kanila.

"Jessica!!" Lumapit si Virgil at kinuha ang baril. Lalong nahintakutan si Jessica. "Yumuko ka!!"

Nakita ni Virgil na may lalaking gusto siyang suntukin. Pagharap ni Jessica ay agad siyang yumuko dahil plano siyang tusukin ng daliri ng lalaki. Sumablay ang kamay ng lalake. Kitang kita ni Virgil ang pangyayari kaya binaril niya ang lalake. Nagtakbuhan at nagsigawan ang mga tao. Napatigil ang lalaki pero aatake uli ito. "Jessica tumakbo ka!" Utos ni Virgil kaya hinila siya ng kasama niya. Nagpaputok uli si Virgil ng dalawang beses kaya hindi nagawa ng lalake ang pag-atake. Nakita niyang tumakbo si Jessica sa ibang direksyon kasama ang mga kaibigan niya. Nagtaka naman si Virgil dahil nakadilat parin at napaatras lang ng kaunti nang binaril niya ang lalake. Binaril niya uli pero nakatayo parin. Nagtatakbuhan na ang mga tao dahil sa nangyari.

"Hoy! Sino ka?" Sinigawan niya ang lalake ng may pagtataka. Nakatingin lang ito sa kaniya. "Hindi ka tinatablan ng bala?"

Biglang tumakbo ang lalaki patungo kung nasaan pumunta si Jessica kaya hinabol din niya ito. "Tigil! Pulis ako!" Pero parang walang narinig ang lalaki. Mabilis itong tumakbo. Bumaba sila ng hagdan kaya umabot si Virgil. Sinunggaban niya ang lalake kaya natumba sila pareho. Nang makuha niya ang lalake ay sinuntok niya sa mukha habang nakahiga sila. Pero gumanti ang lalaki ng suntok. Nawala siya sa harap ng lalaki dahil sa lakas ng suntok. Tutusukin siya nito sa leeg pero sinangga niya kaya naglalaban sila ng lakas sa lakas habang nakahiga siya. Ang ibang tao ay natataranta na nakatingin sa kanila. Sinipa niya ang lalake kaya tumalsik ito. Bumangon siya, pinaputukan ang lalake pero bumangon lang ito at lumapit sa kaniya. Muli na naman siya nitong susuntukin pero sinalag niya. "Sino ka bang hayop ka! Ano ang kailangan mo kay Jessica?" Hawak nito ang kamay ng lalake pero ang isang kamay ay kumapit sa leeg niya. Hinagis siya nito sa kabila. Nabasag ang salamin kung saan siya hinagis. Kaya nagsigawan na naman ang ilang nakakita sa kaniya na nakahiga. Luminga ang lalake pagkatapos at tumakbo uli para sundan si Jessica.

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon