2. Antivirus

257 7 1
                                    

Nasa loob ng opisina si Giselle nang tumawag si Veron. Kasalukuyan siyang nakaharap sa computer. "Hello Mrs. Chavez, kayo pala." Sagot ni Giselle.

"Kinakamusta lang kita."

"Ganun po ba. Medyo busy ako kasi may hinahanap kaming tao."

"Ang sipag mo talaga. Hindi ka nagsasawang tulungan ang mga taong nangangailangan ng tulong."

"Pinangarap kong maging pulis kaya ko ginagawa 'to gaya ng trabaho niyo ngayon. Halos pareho lang naman tayo." Patuloy parin sa pagpindot si Giselle sa computer.

"Pero may kakaiba kang determinasyon sa trabaho mo. Pasensya na ah. Lagi ko kasing naaalala ang lahat. Kung paano mo iligtas ang anak kong si Raquel. Sobrang dami kong natutunan ng mga oras na iyon."

Tumayo si Giselle para magtimpla ng kape. Kinuha niya ang baso at kumuha ng mainit na tubig. "Ang totoo niyan Mrs. Chavez. Ikaw talaga ang nagligtas kay Raquel. Nakita ko sa'yo ang pagiging magulang mo. Siguro isa lamang akong instrumento."

Hinigop ni Giselle ang kape. "Magkaiba parin 'yun. Ang daming nakaligtas pero mas marami ang namatay. Mapalad ako't isa kami sa nakaligtas."

Bumalik si Giselle sa lamesa niya para ituloy ang ginagawa. Nabigla siya sa nakita niya. "Sandali lang Mrs. Chavez, may kailangan lang akong tignan. Tatawagan ko si Gil."

"Sige Kapitan. Daan ka na lang dito kung gusto mong kumain ng niluto ko."

"Okay Mrs. Chavez. Pag naisipan ko't naghanap ako ng lutong bahay."

Agad tinawagan ni Giselle si Virgil. "Gil, may nakita akong bata sa Facebook." Binigay ni Giselle ang pangalan. "Hanapin mo sa friendlist niya kung sino ang nakakapagturo kay Jessica. Nakita kong may Jessica Frampton na nakatag sa lumang post niya."

"Sige sige. Babalik agad ako diyan mamaya para dalawa tayong mahanap."

"Hindi, samahan mo muna ang mga pulis diyan sa ospital. Para mabilis na maasikaso 'yan kapag gumising. Standby ka muna."

"Grabe naman. Baka isipin naman ng kapwa ko pulis, wala akong ginawa kundi magfacebook."

"Kwentuhan mo sila. Sabihin mong may hinahanap ka."

"Maniniwala ba 'yung mga 'yun kung mga magagandang dalagita ang chinachat ko?"

"Huwag mong ichat. Tignan mo lang ang latest baka makahanap tayo ng lead kung nasaan siya. May palagay akong tama ang hinala natin na nagtatago siya kaya nakade-activate ang account niya. Walang magtuturo sa'yo kung nasaan siya."

Binaba niya ang telepono. "Mukhang seryoso ka diyan, Kapitan." Biglang may sumilip na pulis.

"Oo, kailangan kong mahanap si Jessica dahil gusto kong tapusin ang kaso tungkol sa virus. Hindi ako mapanatag na baka mangyari uli ang nangyari sa Rainbow City."

"Humingi ka ng tulong kay General."

"Hindi na kailangan. Marami silang dapat unahin. Sinasamantala ko lang mitras wala akong gaanong trabaho."

"Sige, isama mo ako diyan ah."

"Sige Derrick, asikasuhin mo muna ang lugar dito."

"Masusunod Kapitan."

Agad lumabas ang isang pulis para mag-ikot sa lugar.

Ilang oras ang lumipas ay dumating si Virgil sa opisina. "Kamusta doon? Bakit hindi mo sinabing aalis ka?"

"May gusto lang ako ipakita sa'yo. Kailangan natin itong pag-usapan ng personal para mas mabilis."

Nakaharap sila sa computer. "Neon City?" Tanong ni Giselle. "Malayo dito 'yan."

"Pero isa ito sa pinuntahan ni Jessica." Sagot ni Virgil. "Tignan mo itong picture na 'to?" Tinignan ni Jessica ang picture. "Ayon sa isang account na hindi na active, si Jessica nga ang isa sa kanila. Medyo bago pa 'yan dahil dalagita na silang lahat. Nakatag din si Jessica diyan. Sure akong siya nga ang nasa account na hindi na active pero medyo bata pa."

"Pero sure kaya tayong siya nga 'yan?"

"Ang isa sa bestfriend niya na lumipat sa lugar na 'yan ang kailangan nating tanungin."

"Pero may suspetsa akong pwedeng paaminin ang iba. Maghiwalay tayo."

"Hiwalay na naman?"

"Kailangan 'yun para makatipid sa oras at maiwasan ang tamang hinala nila."

"Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin natin. Baka nagsasayang lang tayo ng oras."

"Utos ito ng magulang niya bago mamatay kaya alam kong baka nanganganib siya. Nakita mo naman na maraming masasamang empleyado ang RDI. Muntik pa tayong mapatay."

"Niligtas lang tayo ng halimaw na 'yun."

"Tama ka, ah este, mag-isip kang maigi. Maraming may gustong makuha ang virus kaya pati tayo ay napagkamalan. Pwedeng may mga taong wala sa building na 'yun. Kaya malaya sila ngayong magagawa ang gusto nila. Paano kung may dala silang virus? Ipakalat pa nila ito sa ibang lugar. Kaya kailangan nating mahanap si Jessica para makausap."

"Sige, kailan tayo kikilos?"

Nakatanggap sila ng tawag. "Kapitan, nagising na ang bata." Sabi nito sa kabilang linya.

Agad tinungo nila Giselle ang ospital. Nakita nila ang batang nakadilat at kumakain. "Hi." Nakita nilang dumating si Giselle.

"Kapitan, may sinasabi siya." Sabi ng isang pulis. "Isa pala siya sa survivor sa Rainbow City."

Nakatingin si Giselle sa bata. "Ano pa ang sinabi?" Tanong nito.

"Tinulungan siya ng uncle niyang makatakas pero marami siyang nalimutan."

Umupo si Giselle sa tabi ng bata. "Kamusta ang pakiramdam?"

Umiyak ang bata. "Nasaan si Mommy ko?"

"Sinabi mo na ba ang pangalan mo sa kanila?"

"Opo."

"Hahanapin namin ang mga kamag-anak mo para ibalita na buhay ka." Umiyak ang bata. "Huwag ka nang umiyak, ligtas ka. Maikukwento mo ba ang pinagdaanan mo sa Rainbow City?"

"Wala akong matandaan basta ang alam ko lang ay lumakad ako ng mahaba matapos akong paakyatin ni uncle sa bakod."

"Nasaan na ang uncle mo?"

"Namatay na siguro siya dahil hindi siya nakasunod sa'kin. Bakit nila pinasabog ang Rainbow City?"

"Wala kang alam?"

"Wala na akong natatandaan eh."

"Sige magpalakas ka ah. Ginagawa na nila ang lahat para makita ang Mommy mo. Siguradong matutuwa 'yun. Marami kasing namatay. Kung may maalala ka, balitaan mo ako ah. Mahalaga kasi ang kaso nito. Pero naniniwala naman akong wala dito ang problema kaya huwag ka nang mag-alala."

"G, hindi kaya siya ang pamangkin nung sundalo?" Sabi ni Virgil

Napatingin uli si Giselle sa bata. Biglang may naalala siya. "Sino ang uncle mo?" Agad niyang tanong.

"Si uncle Cedric."

"Sundalo ba siya?"

"Oo.." Nagulat si Giselle maging si Virgil. "Minsan lang siya umuwi kaya pinagbigyan niya akong mamasyal sa Rainbow City. Pero pagtapos magkagulo ng mga tao ay wala na akong maalala."

Biglang napayakap si Giselle sa bata. "Gumana ang antivirus! Salamat sa Diyos." Nagulat ang ibang pulis na nakikinig. "Ibinato ko ang binigay sa'kin na antivirus ni Mrs. Frampton dahil paubos na ang oras. Hindi ko akalain na magagamit ito." Manghang mangha si Giselle at Virgil. "Gil, kailangan na nating makita si Jessica baka sakaling may alam siya. Kailangan niyang makalaya. Ngayon din ay hahanapin natin siya." Nakatingin lang sa kaniya ang lahat. "Mababaliwala ang share ng ama niya sa RDI kung hindi natin siya makikita."

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon