17. Unbroken

86 9 2
                                    

"Hello, Kapitan. Saan kayo nagpunta? Hinahanap kayo ni Chief!" Tanong kay Virgil ng isang pulis habang kausap sa telepono.

"Huwag ka munang makialam, babalik kami diyan!" Binaba niya ang telepono at napansin niya ang magulong police station. Sira ang ilang sasakyan at butas ang salamin. Napansin din niya ang ilang pulis na nakatayo sa labas at mga patay na pulis. Dahan dahan siyang lumapit.

"Ikaw pala." Napansin sila ng isang pulis.

"A-anong nangyari dito?" Tanong niya.

"Itanong mo sa batang 'yan." Napansin niya si Jessica na nakaupo.

"Jessica!" Tawag niya kaya tumingin ito sa kaniya.

"Kuya!" Napansin niyang kakaiyak lang nito.

"Nasaan ang Ate Giselle mo?"

"Gaya nga ng sabi ko sa'yo kanina. Dinala na nila." Napanghinaan ng loob si Virgil. Nakatitig lang ito kay Jessica. "Pasensya na talaga, Kuya. Hindi ko sinasadya. Niligtas niya ako sa gustong pumatay sa'kin."

"Hindi totoo 'yan!"

Agad niyang pinuntahan ang lugar kung nasaan si Giselle kasama ang mga pulis. Pumasok siya sa kwarto para linawin ang lahat kahit malapit nang gumuho ang mundo niya.. umaasa siyang buhay pa si Giselle. Pero nang buksan niya ang nakatabing na kumot ay agad sumabog ang lungkot niya dahil totoong si Giselle nga ang nakita niya.

"GISELLEEEEE!" Umalingaw-ngaw ang malakas niyang boses sa paligid kasabay ng pagyakap niya sa katawan nito. Hindi na ito kumikibo dahil patay na.

-

Limipas ang ilang minuto. Nakatungo lang siya habang katabi ang ilang pulis. Katatapos lang niya umiyak pero gusto niya pang umiyak. "Bakit ikaw pa?" Bulong niya.

"Pare, marami ang namatay kaya talagang nakakatakot ang nangyari. At kailangan nating makabalik para sa anti-virus." Sabi ng kasama niya.

"Nakakainis."

"Bakit? Hindi tayo pwedeng umatras. Maraming tao ang madadamay. Isa pa, buong bansa ang delikado. Nalulungkot ako dahil magaling na pulis si Giselle. Pero kailangan nating ituloy ang laban."

Tumingin sa itaas si Virgil. "Paano ako aatras kung miski sa isip ko ay buhay na buhay ang mga sinasabi niya? Alam ko na ang sasabihin niya kung buhay siya at ganito ako kalungkot. Ang akin lang hindi ako makapaniwala na sa isang iglap wala na siya. Paano ko tatanggapin 'to? Buong pagpupulis ko inakala kong ako ang mauunang mamatay sa kaniya. Pero iba ang sitwasyon. Kung alam ko lang sana sinamahan ko siya dito."

"Wala na tayong magagawa. Hindi imposible ang nangyari dahil may pumatay sa kaniya."

"Paano ko nga matatanggap ito?" Umiling si Virgil at napaluha.

"I'm sorry. Alam ko ang nararamdaman mo. Hayaan mo, matatanggap din natin 'yan. Kahit ako nagtataka kahit alam kong posibleng mamatay siya kada operasyon. Posibleng mamatay tayo dahil panganib talaga ang pagpupulis."

"Malalagot sa'kin lahat ng sangkot dito. Mumurahin ko ang sarili ko pag hindi ko siya napaghiganti. Itaga mo sa bato 'yan!" Tumayo siya at naglakad palabas.

"Saan tayo pupunta?"

"Aalis na. Kailangan nila tayo. Isasama ko ang bata dahil 'yun ang kailangan. Marahil kinaya niyang lumaban para iligtas si Jessica kaya baka hindi niya ako mapatawad kung hindi ko ililigtas ang bata. Sermon ang aabutin ko kapag tumunga-nga ako."

Mabilis lumipas ang sandali. Bumalik si Virgil sa laboratoryo kasama ang ilang pulis at si Jessica. Dala nila ang ilang kagamitan at armas. Inilabas nila sa freezer ang anti-virus na naitimpla nila. "Gumawa pa kami kaya kung maubos man 'yan, meron pang reserba." Sabi ng scientist na nakausap nila. Hindi kumibo si Virgil at nakita niyang unti unting inilalagay ang likido sa mga baril na may bala na karayom.

"Kuya Gil." Tawag ni Jessica.

"Bakit?" Yumuko siya para tignan si Jessica.

"Nag-aalala na ako sa mangyayari." Lungkot na lungkot ang itsura nito. "Huwag mo na akong iligtas para matapos na. Ako naman ang kailangan nila. At sinabi ko na kung paano itimpla ang anti-virus."

"Sa ayaw mo't sa gusto kailangan mong mabuhay. Isa ka sa gusto naming iligtas hindi dahil may gustong pumatay sa'yo.. dahil mga pulis kami. Ngayon pa ba ako tatalikod? Kung mamamatay ka rin lang masasayang ang buhay ni Ate Giselle mo."

"Pasensya na!" Yumakap si Jessica sa kaniya. "Ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Ate Giselle."

Sandali na napatigil si Virgil. "Kalimutan mo muna. Ang mahalaga mailigtas hindi lang ikaw. Kailangan mong mabuhay para sabihin sa'kin ang ilang impormasyon pa para mapatay ko ang gustong pumatay sa'yo dahil siya ang dahilan ng lahat ng ito."

Niyakap siya ni Virgil. "Hindi ko alam kung saan siya makikita."

"Basta ako ang bahala. Huwag kang matakot o malungkot. Ituloy mo ang buhay. Ganun din ako. Kung magpapatalo tayo sa lungkot, madedepress lang tayo at lalong malalagay sa panganib ang lahat. Maliwanag ba? Sumama ka sa'kin. Sa tabi lang kita."

Isang oras pa ang lumipas. May dumating na malaking sasakyan. Lulan nito ang grupo ni Virgil. Binigyan nila ang sandata ang ilang sundalo.

"Epektibo ba ito?" Tanong ng isa habang nakatingin sa armas na nakikita ang kulay berde na likido.

"Automatic 'yan." Sagot ng isa. "Isang karayom bawat isang pindot. May kasamang anti-virus ang bawat karayom."

"Sige subukan natin."

Lumapit sila sa syudad. Napansin nila ang mga zombie na gustong lumabas sa bakod.

"Mukhang wala nang natirang tao na buhay pa." Sabi ni Virgil.

"Marami pa sa gitna pero pinagbawalan kaming iligtas sila."

Tumango lang si Virgil. "Kailangan natin itesting sa isa na mahuhuli natin." Sabi niya. "Kung sakaling umipekto ito nawawalan siya ng malay. Huwag niyo munang subukan sa marami."

Inasinta ni Virgil ang isa. Pumwesto siya sa mataas na bahagi. Nakita niya ang nag-iisa na naglalakad. Sinilip niya ito sa telescope na nakalagay sa armas. Kinalabit niya ito at nahalata agad niyang tinamaan nito dahil sa reaksyon. Naglalakad pa ito kaya nadismaya siya.

"Anong nangyari?" Tanong ng kasama niyang sundalo.

"Parang walang nangyari."

Sumagot si Jessica. "Hindi agad ito eepekto. Ilang segundo pa." Napatingin siya kay Jessica. At ibinaling ang tingin sa zombie na binaril niya. Napansin niyang natumba ito.

"Natumba siya. Nawalan ng malay." Nagulat ang lahat.

"Pa'no natin malalaman kung umipekto ito?" Tanong ng isang sundalo.

Sumagot si Jessica. "Kailangang walang sugat ang zombie maliban sa kagat na gagamutin. At walang injury dahil kapag gumana ang anti-virus, mahihirapan na makarecover ang tao baka hindi na magising."

Tumango silang lahat at tinignan ang mga zombie. "Magpaplano tayo!" Sabi ng isa.

Pero nagulat sila dahil ang nawalan ng malay na zombie ay muling ginagat ng napadaan na zombie.

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon