13. No Escape

96 9 0
                                    

Hindi na napigilan ni Giselle ang zombie habang lumundag ito nang mataas para abutin si Jessica na nakasabit pa sa hagdan.

"JESSICA!!" Sigaw ni Giselle dahil huli na ang lahat pero ang hampas ay hindi tumama kaya nakahinga siya ng maluwag at natanggal ang takot niya.

"Aaahhhh!!" Napapikit si Jessica habang nakahawak sa kaniya ang sakay ng chopper.

Nalaglag ang zombie. "Jessica!!" Tawag uli ni Giselle. Unti unti siyang inakyat ng lalaking sakay ng chopper. "Ilapit niyo dito ang hagdan." Utos niya kaya bahagyang lumapit ang chopper.

"Giselle, kaya ko na 'to. Lumayo na kayo ah." Sabi ni Virgil habang nakatutok ang baril nito sa nakahiga na zombie.

"Mag-iingat ka, Gil."

"Bilisan niyo na, baka umakyat na ang isa. Hindi mamamatay sa hulog lang 'yun."

Hinawakan ni Giselle ang hagdan na nakabitin at tumingin sa nakahiga na zombie bago umakyat at niyakap si Jessica. "Salamat sa Diyos at hindi ka niya inabot." Bulong niya dito. Tumingin siya sa gusali habang palalayo na sila. "Gil, tawagan kita ah!!" Sigaw niya at lumayo na sila.

"Saan tayo?" Tanong ng piloto sa kaniya.

"Kausapin mo si Chief, sabihin mong nakatakas na kami. Siya na ang bahala kung saan mo kami dadalhin."

Ganun na nga ang ginawa ng piloto. "Ilalayo ko kayo dahil siguradong hahabulin daw kayo. Doon tayo sa tawid dagat hanggang makarating sa head quarters sa Region 8."

"Sige."

"Natatakot ako." Sabi ni Jessica.

Niyakap siya ni Giselle. "Ligtas ka na."

-

Tinutok ni Virgil ang shotgun niya pero hindi gumagalaw ang zombie. "Tignan niyo ang paligid. Baka bumalik pa ang isa." Sabi niya sa mga pulis. Tinignan niya uli ang zombie pero hindi na ito humihinga.

Kumuha sila ng kadena at itinali pansamantala ang zombie. "Nawala na ang isa na nahulog." Sabi ng isa na kakaakyat lang.

Nagtaka si Virgil. "Baka hinabol niya si Jessica." Sabi niya. "Patay na ang isang ito. Mukhang napuruhan ng rocket sa sikmura. Ito lang pala ang pwedeng pumatay dito."

Nakita nila na butas ang tiyan ng zombie. Agad nilang inereport ito. "Kailangan kayo dito." Sabi kay Virgil ng isang pulis na nasa Neon City.

"Sandali lang. Apat na oras pa ang hihintayin namin. Kailangan bago kami makarating diyan dala na namin ang anti-virus."

"Napakatagal pa. Nahahawa na ang iba."

"Wala tayong magagawa! Gawin niyo ang lahat para mailigtas ang iba hangga't kaya niyo. Hindi namin pwedeng iwanan ito."

"Sige, hindi kami makapasok. Pinagbabawalan kami."

"Maghintay tayo. Basta huwag niyong babarilin. Harangan niyo lang. Mas maiging huwag na kayong pumasok baka mas lalong dumami ang zombies. Dumagdag pa kayo."

Natapos silang mag-usap. Kitang kita sa itaas na maraming tao ang nasa bubongan na humihingi ng saklolo. Walang makalapit na helicopter dahil sa mga poste. Ang iba ay binibigyan nila ng hagdan para mailigtas pero nag-uunahan ang iba kaya nahuhulog ito at pinag-aagawan ng mga zombie. Ang iba ay tumatakbo para iligtas ang sarili pero hindi makatakas dahil sa dami na ng nahawa. Ang ilang mga tao naman ay hindi makapasok sa lugar dahil hinarangan na. Lalo ang mga tao na pauwi pa lang. Umiiyak ang ilan dahil nag-aalala sila sa mga kaanak nilang nasa loob ng syudad.

-

Nakarating sila Giselle sa isang gusali kung saan sila ligtas na makakapagpahinga. Mabilis silang pumasok pagkababa ng chopper. Tinawagan niya agad si Virgil.

"Hello, Gil andito na kami. Ano ang balita?"

"Nag-alala ka?"

"OO!"

"Okay na kami." Nakahinga ng maluwag si Giselle.

"Buti nakatakas kayo?"

"Hindi kami tumakas. Umalis ang nahulog na zombie at ang isang tinamaan ng rocket ay namatay. Double imfact ang rocket na sumabog sa tiyan nito. "

"Talaga?" Nagtaka si Giselle.

"Nabutas ang tiyan niya. Malamang hinahanap na si Jessica ng buwitre na 'yun kaya maghanda ka."

"Hindi siya makakatawid ng dagat."

"Baka marunong lumangoy."

"Basta salamat sa impormasyon. Tutulong ako diyan. Iiwan ko si Jessica dito. Ihanda ang mga armas."

"Nakakatakot, G. Wala akong tiwala sa ibang pulis."

Narinig ni Jessica ang usapan. "Ate, huwag mo akong iiwan." Sabi niya. Napapikit si Giselle.

"Sige sige. Basta ikaw na ang bahala. Kailangang mapigilan ang pagkalat ng virus."

"Mag-usap tayo mamaya."

Binaba ni Giselle ang telepono at sinamahan sila ng ibang pulis sa isang silid. "Kapitan, hinarangan na ang posibleng dadaanan ng zombie." Sabi ng isang pulis.

"Salamat. Buti alam niyo na ang lahat pati ang gagawin."

"Oo sinabi sa amin."

Maya maya lang ay nakarinig sila ng malalakas na putok. "Ano 'yun?" Agad tinungo ng mga pulis kung saan nanggagaling ang putok. Bumalik ang isa.

"Ma'am, may bumagsak galing sa itaas. Isang lalaki na matangkad at malaking ang katawan." Gulat na gulat si Giselle.

"Binaril niyo?!"

"Oo, hindi siya makaintindi!"

"Lagot!! Paki sabi huwag paputukan. May zombie virus 'yun. Mabububay 'yon sa katawan niya kapag sinaktan niyo."

"Patay na siya!"

"Hindi pa siya patay! Wala tayong choice. Bigyan niyo ako ng isang rocket launcher. Asintahin niyo sa tiyan ang isang 'yan kapag bumangon."

Kinuha ni Giselle si Jessica at itinakbo matapos makuha ang malaking baril. Agad silang umakyat sa itaas. "Boss, nasa itaas sila." Sabi ng isang sumusunod sa kanila.

"Sasakay uli kami sa chopper."

Nakarinig sila ng malakas na ungol. "Wraaaaaaaaaar!"

Bumaba sila. "Tara na, Jessica." Tumakbo sila pababa. "Gawin niyong lahat para mapigilan siya. Asintahin niyong maigi. Hintayin niyong umatake para hindi makaiwas!"

Tinuloy nila ang pagtakbo hanggang makalabas ng gusali. Tinawagan niya si Virgil. "Anong nangyari?" Tanong agad ng kausap.

"May panibago na naman dito!"

Napapikit si Virgil. "Bakit nila nalalaman kung nasaan si Jessica?"

"Hindi ko alam kung bakit alam na alam nila kung nasaan ang bata!"

"May radar siguro sila." Sabi ni Jessica na tila alam ang pinag-uusapan nila.

"Radar?"

"Oo. Baka ginamit nila ang DNA ko para malaman kung nasaan ako."

"Naku lagot tayo. Kailangang walang mahawaan dito." Tumigil sila. "Mamaya na tayo mag-usap, Gil. Haharapin ko ang halimaw na iyon."

Binaba niya ang telepono. "Bakit?" Tanong ni Jessica." Silang dalawa lang ang nandoon. Nasa isang malawak na parking area sila na walang gaanong tao dahil probinsya at malapit sa bukid.

"Huwag kang matakot. Kung sakaling hindi nila mapigilan ang zombie na 'yun, lalabanan ko siya." Hinanda niya ang mga bala niya. "Hindi tayo pwedeng tumakas dahil maraming madadamay. Ako ang bahala basta sundin mo lang ako."

Tumango lang si Jessica pero bakas parin ang takot sa itsura nito. Hanggang makarinig sila ng pagsabog. Napatingin sila dito. Napansin nila ang isang tao na naglalakad dahil nakaiwas sa rocket. Umaapoy pa ang sasakyan sa likod nito. Lumitaw na ang patalim sa kamay nito. Takot na takot si Jessica.

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon