Epilogue

87 10 0
                                    

May dalawang kabataan ang mabilis na tumatakbo sa isang makipot na daan. Magkahawak ang kamay nila dahil magkasintahan sila. Hinahabol sila ng maraming zombie na tumatakbo. "Bilisan mo. Mamamatay tayo." Sabi ng lalaki.

"Pagod na pagod na nga ako."

"Please, huwag kang sumuko."

Mabilis din tumakbo ang mga zombie na tila hinahabol sila ng maraming aso sa sobrang takot nila. Hindi nila magawang buksan ang pintuan ng mga nadadaanan nila dahil maaabutan sila kapag tumigil pa sila. Subalit laking gulat nila dahil maraming zombies ang madadaanan nila. Mabuti't nakaliko agad sila sa malawak na daanan. "Buti na lang nakalabas tayo." Tumingin sila sa likod. Nakita nila na humahabol parin ang mga zombie.

"May bukas na pinto!" Sabi ng babae. Agad silang pumasok at sinara ang pinto na salamin. Pero... "Aaaaaaah!" Napatili ang babae dahil isang babae ang nakadikit pisngi sa pinto na sinara nila. Kumakatok ito na gustong gusto nang makapasok.

"Si Beverly 'yan!" Nataranta ang lalake at pinagbuksan agad ang babae na nakadikit sa pinto.

Isang zombie ang muntik na siyang mahila dahil nahawakan nito ang damit niya. Hindi agad maisara ang pinto. "Aaaaaaaah!" Tumili na naman ang babae. Pero may sumipa na lalaki sa zombie na ikinagulat nila. Mula ito sa loob. Natumba ang isang zombie kaya naisara nila ang matibay na pinto na salamin. Nagkatinginan silang lahat.

Napansin nila na ka-edaran din nila ang lalaking tumulong sa kanila. Umatras sila nang makita itong may dalang bakal na pamalo. "Huwag kayong matakot!"

Nakatingin lang ang tatlo sa lalaki. "A-akala kasi namin zombie ka." Sabi ng babae.

Napatingin ito kay Beverly. "Muntik na ako. Salamat, Kervie." Pasasalamat ni Beverly. "At ikaw naman, Joanna. Bakit ayaw mong buksan ang pinto?!"

"I'm sorry, nakadikit kasi ang pisngi mo sa pinto. Nagulat ako. Saan ka ba nagpunta? Bigla kang nawala."

"Nawala? Iniwan niyo ako!" Umirap ito.

"Hindi!" Sagot ng lalaki. "Bigla kang nawala nang dumating ang maraming zombies kanina."

"Huwag na kayong magtalo." Singit ng isang lalaki. "Pasalamat kayo dahil nakita ko kayong tumatakbo kaya binuksan ko ang pinto at lumayo. Alam kong papasok kayo.”

"Sa-salamat, Kuya!" Sabi ni Joanna.

"Ano na ang gagawin natin? Gutom na ako." Reklamo ni Beverly.

Tumingin sila sa salamin na dingding. Nakikita sila ng mga zombie kaya kinakalampag nito ang pinto at dingding para kagatin sila pero hindi makapasok ang mga ito. Takot na takot ang dalawang babae. "Ipapatay ko ang ilaw para hindi nila tayo makita. Sandali lang."

Pinatay ng lalaki ang ilaw. "Ang dilim naman." Reklamo nila.

"Kailangan 'yan para umalis sila. Saka natin buksan ang ilaw pag wala na sila."

Maya maya lang ay nawala na ang mga zombie kaya binuksan uli nila ang ilaw. Sumilip ang lalaki sa labas. "Wala na sila." Sabi nito. "May grocery store sa kabilang Avenue. Maraming foods doon pero hindi tayo makakalabas."

"Ano ang gagawin natin?"

"Anyway, guys, mabuti at nakita ko kayo. Ako nga pala si Orlie. Ikinagagalak ko kayong makilala." Pakilala nito. "Magtulungan tayo para makatakas sa lugar na ito."

"Ako si Kervie." Pakilala ng lalaki.

"Ako si Joanna."

"I'm Beverly."

"Nice meeting you. Kailangan nating magtulungan. Kailangan nating makapunta sa Grocery Store para makakain tayo." Tumingin ito sa kanila. "Girlfriend mo ba siya?" Tanong nito kay Kervie at tumingin kay Joanna. Tumango ito. "Iligtas mo siya." Binigyan nito ng pamalo ang lalaki. Isang matibay na bakal. "Ako na ang bahala sa kasama niyo." Tumingin ito kay Beverly.

"Huwag na." Tutol ni Beverly. "Bigyan mo na lang ako ng pamalo."

"Bakit?" Tanong ni Joanna.

"Hello, kayo pwedeng maghawak kamay o magyakapan pa. E hindi ko boyfriend 'yan no." Pag-iinarte nito.

Napakamot si Orlie. "Wala akong choice. Kung ako ang tatanungin, ayokong parang may bitbit na bata. Ililigtas ko ang sarili ko."

"Ikaw pa ang walang choice sa lagay na 'yan? Wow! Ililigtas ko ang sarili ko. Patas lang." Katwiran ni Beverly.

"Tayo na nga itong tinulungan!" Katwiran ni Joanna kay Beverly. "Dapat ngayon zombie ka na! Maarte ka talaga!"

"Kahit sino gagawin 'yun. Kahit ako na nasa kalagayan niya para tulungan niyo ako. Gets mo?"

"Grabe ka talaga!"

"Bahala ka!" Sabi ni Orlie kay Beverly.

"Kaya ko ang sarili ko." Nagcross hand lang siya at tumingin sa labas. "Ano pa ang hinihintay natin? Tara na. Wala na sila. Gutom na gutom na gutom na gutom na ako."

Dahan dahan silang lumabas. May isang zombie na dumaan sa kabilang kalye kung saan sila papunta. Iika-ika itong maglakad. Napakapit si Beverly kay Orlie. Nagtitigan sila. "Akala ko ba--"

"Oo na! Nakakatokot eh. Ikaw kaya babae?"

Sinenyasan niya itong huwag maingay kaya tumahimik sila. "Huwag ka nang maarte, Beverly, nakakainis ka kala mo ba!" Singhal ni Joanna sa kaibigan.

"Ewan ko sa inyo. Bakit kasi dito niyo pa ako dinala?!"

"Malay ba namin na magkakaganito dito. Manghuhula ba kami?"

"Tama na 'yan. Let's go." Saway ni Orlie kaya kumapit si Beverly dito. Dahan dahan silang naglakad. Sumilip sila sa kanto. Napapikit sila nang makita ang mga naglalakad na zombie sa tapat ng Grocery Store na tila ayaw mag-si-alis.

"Lagoot." Halos umiyak na si Beverly.

"Huwag kayong mag-alala. Gagawa tayo ng ingay." Pumulot ng bagay si Orlie at ibinato sa kabila. Nagtakbuhan ang mga zombie nang marinig ang pagbagsak ng bagay na ibinato. "Tara na." Agad silang nakapasok sa Gorcery Store. Kumuha agad sila ng makakain.

Kung sa itaas mo titignan ang kinalalagyan nila ay makikita mong imposible silang makatakas dahil walang kalye na hindi dinadaanan ng zombies.

To be continued ....

This book is completed

May 29, 2019

Thanks for reading. Wait for the next chapter.

Virus; Where Is Joanna?

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon