7. Formulation

167 6 0
                                    

"Chief, hindi kami pwedeng sumama sa oparation." Sabi ni Giselle sa General nila na kausap niya sa telepono. Nakikinig si Virgil at Jessica sa usapan. "Nanggaling sa Neon Police Station ang virus ayon sa report. May pagkakamali na naman kaming nagawa. Ang kanina lang na nahuli nila ay killer ng anak ni Glenn Frampton na pasimuno ng zombie virus. Infected siya ng zombie virus na may device na naimbento ng kaibigan niya kaya alam nito kung nasaan si Jessica."

"Hindi ko maintindihan, Arenas. Ano ang kinalaman ng kaibigan ni Framton sa anak nito."

"Makinig ka Chief, kailangan nilang patayin si Jessica sa maraming dahilan. Masusundan na kami ng taong gustong pumatay kay Jessica kaya plano naming dipensahan ang bata."

"Naharangan na namin ang mga labasan ng syudad. Pero hindi na namin nailigtas ang ilang tao. Baka mangyari na naman ang nangyari sa Rainbow City na ang mga rescuer ang nahawaan. Kaya sinigurado na lang namin na hindi na makakalabas ang mga zombie."

"Mabuti't mabilis kayo."

"Ayaw na ng Presidente na gawin uli ang ginawa namin sa Rainbow City. Kaya hangga't wala pang air strike ay makagawa na tayo ng plano. Plano na lang namin na harangan pansamantala ang syudad. Paghahandaan natin ang pag-atake hanggang maubos ang zombies. Uunti-untiin na lang ang pagpasok."

"Pasensya na talaga, Chief. Hindi pwedeng mamatay si Jessica dahil kaya niyang lumikha ng antivirus. Nalulungkot man ako sa mga tao doon." Nagulat ang General.

"Talaga?"

"Effective ang antivirus dahil nasubukan na ito sa isang tao. Pero kailangan naming dipensahan ang bata."

"Makakagawa ba siya?"

"Susubukan namin."

"Dapat hindi muna patayin ang mga tao dito."

"Limitahan niyo lang muna siguro. Kailangang masagip sila. Hindi pwedeng tumunga-nga ako."

"Sige, magpapadala ako ng maraming pulis para makasama mo. Kung hindi mapapagod ang killer zombie ay sa loob ng walong oras--nandiyan na siya kaya maghanda kayo."

"Sige, Chief."

Binaba ni Giselle ang telepono. Tumingin siya kay Jessica. Bigla itong umiyak. "Pasensya na kayo. Nang dahil sa Daddy ko--maraming namatay."

Niyakap siya ni Giselle. "Okay lang. Tulungan mo na lang kami. Nanganganib ang buhay mo."

"Baka magalit sa'kin ang mga tao."

"Wala kang kasalanan. Ako ang bahala sa'yo. Ang mga taong hindi marunong mag-isip lang ang magagalit sa'yo. Ang mga taong hindi dapat pinapansin. Ang importante ay ligtas ka at matulungan mo kami sa lalong madaling panahon."

"Ayoko nang mabuhay." Umiyak pa si Jessica. "Hindi na ako malaya. Baka habang buhay na akong mahirapan nang dahil sa ginawa ng Daddy ko."

"Ililigtas ka namin. Hahanapin namin kung sino ang totoong may sala dito. Huwag kang mawalan ng pag-asa."

Patuloy lang sa pag-iyak si Jessica.

"Hi-hindi ko akalain na makakahawa siya." Sabi ni Virgil. Tumingin sa kaniya si Giselle. "Sinabihan ko na ang mga pulis pero wala akong idea kung paano nakatakas ang lalaking 'yun."

"Nangyari na 'yan." Hinawakan ni Giselle ang kamay ni Virgil. "Walang ibang pwedeng sisihin dito kundi ang taong gustong pumatay kay Jessica."

"Makakagawa ako ng antivirus pero kailangan ko ng katulong."

"Sa lalong madaling panahon dahil papunta na dito ang lalaking papatay sa'yo!"

"Tutulungan ko kayo. Ihanap niyo ako ng laboratory at isang scientist."

Nagkatinginan si Virgil at Giselle. "Ngayon na dapat para wala nang masayang na panahon. Nanganganib ang buong Pilipinas." Seryosong turan ni Dionne.

Maya maya lang ay nakasakay na sila sa kotse. "Kailangan ng mga chemical sa laboratory at maraming mint herb." Sabi ni Jessica.

"Sige, gaano karami ang kukunin kung gagawa ng limang kilong antivirus?" Tanong ni Dionne. "Kailangan kasi itong ibala sa sandata."

"Isang kilong mint herb ang gagamitin kung limang kilo. At kung ibabala ang antivirus, kailangan ng sealed case ito dahil bawal itong mahanginan kung hindi gagamitin agad."

"May gamit naman kami na kayang magbala ng pang-inject kaya madali 'yan." Nagmamaneho si Virgil pero wala itong kibo. "Nakausap ko na ang scientist, handa daw siyang tumulong." Sabi uli ni Giselle habang nakatingin sa telepono. "Pumunta tayo sa Bonifacio City, ngayon din." Hiling ni Dionne kay Virgil.

"Bakit doon?"

"Andoon daw ang pinakamalaking laboratory ng Chemical Industry dito. At nasa itaas ito ng chemical factory building."

"Ganun ba?" Niliko ni Virgil ang kotse at nag-iba ng daan.

"Konting tiis lang Jessica." Tumingin dito si Giselle. "Hindi tayo pwedeng magpahinga dahil bukod sa may gustong pumatay sa'yo ay maraming tao ang nakakaawa. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Basta ang importante ay matulungan ka namin at ganun ka din sa'min."

"Opo, gagawin ko po ang lahat."

"Salamat."

Nakarating sila sa Factory. Tinawagan ni Dionne ang General. "Hello, Chief, kamusta diyan?" Tanong niya agad.

"Parating na diyan ang ilang pulis. Nakakalungkot lang dahil hindi na namin nailigtas ang iba. Hinihintay na lang namin na magpunta ang mga zombie sa boundary ng lugar."

"Salamat. Oras na matapos ang antivirus ay pupunta kami agad diyan."

"Sige, maghihintay kami."

Sa Neon City ay marami pang tao ang nakakulong sa matataas na gusali. Hindi sila makababa dahil sa mga zombie na naghihintay sa kanila. Walang tumutulong sa kanila kaya karamihan sa kanila ay nagugutom at umiiyak na. May ilang barangay ang humanap ng evacuation center pero ang ibang barangay naman ay nahawa na ng virus. May mga taong nakaligtas na nakatira malapit sa kabilang syudad kaya agad silang lumikas.

Dumating ang scientist na gustong tumulong. Nakita niya ang formula habang inutusan na ni Giselle ang ibang pulis na kumuha ng mint herb.

"Para siyang Arabic." Kumento ng scientist.

"Alam ko po basahin 'yan. Isusulat ko po ng limbag para maintindihan niyo at kayo na pong humanap ng ibang chemicals pa. Wala po kasing timplado na."

"Sige, iha." Sagot ng scientist. "Kumpleto kami dito sa gamit."

Umakyat sila sa itaas. Nakabantay sa labas ng factory ang ibang pulis. Nakapalibot ang mga ito para sa posibleng pasukan ng lalaking zombie na gustong pumatay kay Jessica. Maya maya pa'y dumating na ang mga pulis na may dalang mga halaman. Dinala nila agad ito sa itaas. Naihanda na sa laboratoryo ang kailangan nila. Habang gumagawa ang scientist ay natapos na ni Jessica ang ilan niyang sinusulat. Sa dami ng kopya ay kasalukuyan parin siyang nagsusulat. Nakatingin lang si Giselle at Virgil sa kanila at alertong nakabantay sa posibleng pasukan ng taong gustong pumatay kay Jessica.

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon