20. Unfinish Business

86 8 5
                                    

Sumakto sa gitna ng halimaw na zombie ang bala. Sumabog ang katawan nito at nag pira-piraso na tumalsik sa paligid. Umangat uli ang chopper. Nagtaka sila sa nangyari. "Patay na siya!" Sabi ni Virgil.

"Sigurado 'yan." Sagot naman ng kasama nila.

Nakatingin lang sila sa katawan nitong nag-pira-piraso habang lumalayo ang chopper.

"Kailangang matunton ang master mind. Hindi pwedeng laging ganito. Hindi ka matatahimik, Jessica." Sabi uli ni Virgil.

"Matatagalan bago sila makahanap uli ng mga zombie na kagaya niya." Sagot ni Jessica.

"Sana nga ganun." Napatingin si Virgil kay Jessica na tila nagtatanong. "Pero bakit mo nasabi?"

"Ang zombie na 'yun ay isang ordinaryong tao. Kailangang malakas ang nilalang at malaki para tumugma sa virus. Mahirap makahanap ng taong matangkad at malaki para gawing Master Zombie."

Napatango si Virgil. "Napansin ko nga na malaki sila at ngayon ko lang napagtanto na tao din sila na may angking lakas. Tama ka, Jessica."

"Pero naalala ko si Daddy."

"Ang ama mo ay matangkad din naman. Kaya siguro nagcompatible ang virus."

"Sa ngayon baka matagalan pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat."

"Tama ka, Jessica. Magtuloy muna tayo sa malayong lugar at makibalita sa nangyari."

Isang oras ang lumipas. Lumapag sila sa isang base militar kung saan sinabi ng heneral. Kinausap ni Virgil ang heneral.

"Sobrang dami ng naapektuhan ng virus." Sabi kay Virgil. "Mahihirapan na marecover ang buong Syudad. Mayroon na silang mga nailigtas at dinala sa ospital pero kulang ang sasakyan at pasilidad. Ang iba ay inilagay muna sa evacuation."

"Ano ang plano, Chief? Kailangang mailigtas ang mga tao."

"Nag-iisip pa ang Presidente. Kailangang i-abandona ng lugar. Triple nito ang Rainbow City. Baka kulangin sa Anti-virus kaya kailangan pang gumawa."

"Maghihintay ako ng balita, Chief."

"Asahan mo ang pinaka-magandang solusyon."

"Sana nga ang inaasahan ko ang mangyayari."

"Hindi ako nangangako. Inutusan ko sila na huwag masyadong agresibo dahil oras na madamay sila, tapos tayong lahat. Alam mo bang mas maraming mababangis na hayop doon?"

"Malamang, Chief." Napapikit si Virgil.

"Salamat at nai-ligtas mo ang bata at.." Tumigil magsalita ang heneral sandali. "Ligtas ka, Captain Narvaez. Napakahalaga mo. At si Arenas, hanggang ngayon nabibigla ako. Alam mo bang sinisisi ko ang sarili ko!" Napahinga ng malalim si Virgil sa pagpapa-alala nito kay Giselle. "Kasalanan ko. Galit na galit sa akin ang Presidente. Ako pa man din ang ginawang commander. Sa akin siya nagtiwala pero hindi ko sila nailagay sa ligtas na lugar. Kaya ngayon, hindi pwedeng pati ikaw madamay."

"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Nangyari na. Aral na sa ating lahat ito." Lumuha si Virgil at habang nakatingin sa kaniya si Jessica ay nalungkot naman ito.

"Sobrang kampante ako. Ngayong wala na si Arenas, baka habang buhay kong sisihin ang sarili ko sa maling desisyon. Sana diyan sa lugar na iyan ko sila dinala hindi sa probinsya."

"Chief, ako ang may kasalanan. Masyadong malaki ang tiwala ko kay Giselle. Tao din lang siya na may ordinaryong kakayahan. Sana pala sinamahan ko siya kahit tumutol pa siya. Sana nag-aaway lang kami ngayon. Sana buhay pa siya." Tuluyan na siyang umiyak kaya yumakap sa kaniya si Jessica.

Hindi na sila pinayagan na maka-alis pa. Sinara ang buong lugar kaya walang makakapasok na halimaw. Saka nila napansin na wala na talagang plano ang kalaban sa mga sandaling iyon.

"Hindi natin alam kung kailan sila aatake." Sabi ng isang sundalo kay Virgil.

"Ano ang balita?" Tanong niya.

"lockdown pansamantala ang buong syudad. Maraming narescue na tao na buhay pa pero marami din ang napahamak. Ayon 'yan sa balita." Humiga ang sundalo na kampanteng kampante pa. Napatingin sa kaniya si Virgil.

"Buti ka pa, pare. Wala kang iniisip na problema."

Tumagilid ang sundalo sa pagkakahiga. "Marami akong problema. Alam mo bang problema ko din ang nangyari sa syudad? Sa ngayon ayoko munang isipin ang masaklap na nangyari."

"Hindi ka namatayan ng mahal sa buhay."

"Oo masakit ang pinagdadaanan mo. Pero oras na makabangon ka at makapagsimulang muli, mababaliktad tayo. Masyado kong pinangarap makatulong sa bayan pero kapalit ay kalungkutan na hiwalay ako sa asawa't anak ko." Napayuko si Virgil na kahit anong isipin niya ay hindi niya magawang tanggapin na mas malala ang kalagayan ng sundalong ito sa nangyari sa kaniya.

Dumating ang heneral sa base at sinalubong nila ito. Sumaludo si Virgil. Lumapit sa kaniya ang heneral at tinapik ang balikat niya. "Nakikiramay ako. Sa totoo lang, maging ako dapat damayan din. Siya nga pala, pinaayos ko na ang libing ni Arenas. Ako na ang bahala sa lahat.

-

Nakaharap si Virgil, Raquel, Veron at Jessica sa puntod ni Giselle paglipas ng dalawang Linggo. Ilang araw bago mailibing ni Giselle ay nagsama-sama sila para dalawin ito. Lahat sila ay nakatingin lang sa larawan ng isang babae na napakaganda pero napakatapang na pulis.

"Kuya Gil." Tawag ni Raquel at lumapit kay Virgil. Inakbayan niya ito at nginitian.

"Bakit?"

"Is this true na nakikita tayo ni Ate Giselle?"

"Siguro pero hindi na natin siya makakapiling."

Lumapit si Jessica kay Raquel. Nagkasama din sila habang nakaburol pa si Giselle nang ilang araw. Kaya napalapit sila sa isa't isa. "Huwag ka nang malungkot, Raquel. Andito naman ako. Sa inyo ako titira hindi ba?"

"Tama siya, Anak." Sang-ayon ng ina niya na si Veron.

"I am disappointed. I don't think I can bear this quickly. But I will be happy." Tumingin siya sa puntod ni Giselle. "Thank you for saving Ate Jessica's life and also thanks again."

Nagyakap silang apat na nagmamahal kay Giselle.

End....

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon