8. The Secrets Of Z-Virus

153 4 0
                                    

Itinuro ni Jessica ang iba pang gagawin kaya kasalukuyan silang nagtitimpla ng kemikal. Nakatingin sila sa isang taong gumagawa.

"Aabutin pa tayo ng ilang oras bago masimulan ang pagtimpla nito." Sabi ni Jessica. Nasa loob sila ngayon ng laboratoryo.

Nasa isang chemical factory sila. Mahaba ito na merong apat na palapag. Nasa pang-apat na palapag sila kung saan na andoon ang laboratoryo. Sa kabila nito ay may isang freezer na 400 square meters ang laki. Pinto lang naman ang pagitan ng laboratoryo at ng freezer. Nasa palapag din ang ibang kemikal na nakatambak. Dahil magsasara na ang gusali ay wala nang gaanong tao sa mga oras na ito. Umuwi na ang ibang empleyado na aabot sa isang libo. Dahil sa panganib sa zombie virus na kumalat sa Neon City ay pinayagan silang okupahan ang laboratoryo. Marami pang sasakyan sa labas habang nakaabang sa apat na sulok ng gusali ang mga pulis. May ibang sniper na nakapaligid. Mapapatingin ang mga tao na dumadaan at nagtataka ang iba.

"Ano bang meron?" Tanong ng isang dumadaan habang nakatingin sa malaking gusali.

"Hindi ko alam." Sagot ng kasama niya. Pinaalis sila ng isang pulis na lumapit.

"Mapanganib ngayon sa lugar na ito kaya umuwi na kayo." Sabi ng pulis.

Maya maya lang ay halos wala nang taong nagdadaan sa lugar. Napakatahimik dahil miski mga sasakyan ay walang nagdadaan.

"Matagal pa ba 'yan?" Tanong ni Giselle kay Jessica habang nakatingin sila sa kemikal na nakalagay sa malaking chemical tube.

"Kailangan itong malamigan bago itimpla sa ibang virus at sa katas ng mint herb." Sagot ni Jessica. "Magkakaroon kasi ng reaction ito kung malalamigan. Malamig ang mint herb. Ang red blood cells ng tao na sangkap sa zombie virus ay makikiugnay sa iba pang sangkap para magkaroon ng panibagong buhay at kapag pumasok ito sa tao ay gagawa ito ng panibagong buhay sa pamamagitan ng pagkapit sa puso. Kung walang puso ang tao ay hindi ito mabubuhay. Ang hindi ko lang alam kung mabubuhay ito sa taong may sakit sa puso. Kokontrahin naman sila ng antivirus."

Nagtaka at nag-isip si Giselle. "May posibilidad na tumalab ito sa taong may sakit sa puso dahil halos lahat ng tao sa Rainbow City ay naging zombies." Sagot ni Giselle.

Tumango si Jessica. "Narinig ko kasi sa usapan ni Daddy at ng kaibigan niya ay babagal daw ang virus kung mabagal ang pagtibok ng puso. Hindi lang malinaw sa'kin kung ano talaga ang mangyayari. Ang laway ng isang zombie ay maaapektuhan ng virus. Lahat ng likido sa katawan ng tao ay apektado ng virus maliban sa hindi kayang kapitan ng basa tulad ng balat na madaling punasan. Malakas kumapit ang virus."

"Kailangang makapasok ang likido o laway ng zombie sa isang tao para mahawaan ito."

"Tama at mabilis na gagawa ito ng buhay sa pamamagitan ng puso na konektado sa utak."

"Sa makatuwid, tatakbo ang ilan pang segundo upang maging ganap na zombie na ang isang tao."

"Ganun na nga po."

"Pero bakit may isang tao na napakalakas? Alam mo bang ang ama mo ang pinakamalakas na nakaharap namin sa Rainbow City? Papatayin niya kami. At ang Mommy mo ay pinatay niya. Hindi na siya nakakakilala."

"Ang direktang virus mismo ang pumasok sa katawan niya." Nalungkot ang itsura ni Jessica.

"I'm very sorry, Jessica pero kailangan kong sabihin sa'yo para magkaroon ako ng alam."

"Walang problema."

"Isa pa, nagkaroon ng panibagong ulo ang ama mo noong naputol ang ulo niya."

"Kasi ang direktang virus na pumasok sa katawan ay makakabuo ng halimaw sa tulong ng katawan ng tao at mga bahagi nito. Maninirahan ang halimaw na ito sa katawan ng tao. Hindi ito lalabas hangga't buo ang katawan ng tao. Parang isang nagmamanehong tao sa loob ng sasakyan. Pinapaandar ng nabuong halimaw ang katawan ng tao. Pero oras na mahanginan ito ay mabilis na lalaki at lalabas sa katawan ng tao."

Nagulat si Giselle. "Hindi pala dapat natin pinapatay ang taong infected ng direktang virus."

"Pero paano niyo siya mahuhuli? Gagawa at gagawa siya ng paraan para makalabas. Hindi siya papayag na hindi makagalaw ang katawan na pinapaandar niya. Bubutasan niya ang katawan ng tao para makakilos lang. Mas nagiging mabagsik ito kapag hindi makagalaw."

"Pero kaya ba siya ng antivirus?"

"Oo kaya siyang pigilan nito dahil ito ang papatay sa halimaw at sa zombie virus."

"Paano mo ito nalaman? Narinig mo?"

"Si Mommy ang nagsabi sa'kin. Hindi pa ito sinusubukan sa tao pero ayon sa narinig ko sa'yo ay totoo ang nalaman ko dahil nasubukan na ito sa Daddy ko."

"Bakit hindi mo sinabi ito agad para alam ng mga pulis ang gagawin."

"Wala na silang magagawa. Ayoko pang mamatay dahil ako ang solusyon sa lahat. Kailangan kong makalayo sa taong 'yun. Mahirap ipaliwanag ang gagawin lalo pa't natatakot ako."

"Naiintindihan ko."

"Siguradong nakawala ang taong infected na 'yun at aksidenteng nahawaan niya ang isa sa mga pulis kaya kumalat ito."

"Aksidente?"

"Opo. Dahil ang taong infected ng zombie virus ay walang ibang inisip kundi pumatay lang. Oras na makakita siya ng tao ay agad niyang papatayin."

"Bakit ang ibang zombies ay kumakagat para manghawa?"

"Ang isang infected ng direktang virus ay mas malakas sa ordinaryong nahawaan lang. Kaya nitong pumatay ng tao nang hindi kumakagat. Pero ang nahawaan lang ay bibig ang sandata para makapatay."

Nagtatakang tumango si Giselle. "Hindi totoong umiinom sila ng dugo?"

"Hindi 'yun totoo. Oras na makagat nila ang tao ay maaamoy na agad nila na isa na itong zombie kaya bibitawan na nila ito. Hindi ko lang din alam kung may komunikasyon sila sa isa't isa pero kilala nila ang isa't isa."

"Hindi Bampira ang zombie." Sabi ni Virgil na kanina pa nakikinig sa usapan nila. Lumapit ito. "Natatandaan kong gusto nila akong abutin sa itaas at gumawa sila ng paraan para maabot ako. Malaki ang chance na may komunikasyon sila sa isa't isa."

"Natatandaan ko nga 'yun." Sang-ayon ni Giselle.

"May isa pang nakakapagtaka." Sabi uli ni Virgil. "Bakit ikaw lang ang gustong sundan ng lalaking 'yun?"

"Gaya nga ng nalaman natin.." Sabi ni Giselle. "May device na nakadikit sa taong 'yun na nakakonekta sa utak. Ang DNA ni Jessica ay kilala niya. 'Yun ang pinakamalapit na dahilan."

"Pero wala siyang alam." Sagot uli ni Virgil. "Hindi siya marunong gumamit ng kahit ano dahil kung marunong siyang bumaril dapat may baril siya."

"Tama ka, Kuya Gil." Sagot ni Jessica. "Hindi din siya marunong magmaneho pero kung nabubuhay pa si Daddy ay maiimbento niya ang virus na kasing talino ng tao. Sa pagkaka-alam ko may nakaimbento na kagamitan para gumawa ng tao na hindi na dumadaan sa pagbubuntis."

Namangha ang dalawa sa sinabi ni Jessica. "Gagamit sila ng artificial na katawan ng tao para makabuo ng tao?"

"DNA ito." Sagot ni Jessica. "Kaya kahawig ng magulang ang anak dahil sa DNA na pinaghalo. Pero kaya nilang gawing kambal ang tao dahil isang DNA lang ang gagamitin nila."

"Isang clone? Totoo ba ang kwento tungkol doon?"

"Oo pero hindi pa ito matagumpay sa ngayon dahil sabi ni Daddy hindi pa naiimbento ang naimbento niyang Fast Raiser Virus na sangkap sa Zombie Virus. Madali itong magpamature kaya mabilis na nabubuo ang halimaw sa loob ng katawan ng tao."

Gulat na gulat si Giselle. "Kung buhay pa ang ama mo ay kumpleto na ang imbento na 'yun?"

"At oras maisakatuparan ang bagay na 'yun ay magkakaroon ng isang tao na kamukhang kamukha ng taong may ari ng DNA at iseset nila ang edad ng tao na 'yun para maging magkapareho sila maliban sa gupit ng buhok o pinagdaanan ng original. Pero ang memorya ay hindi kayang kopyain maliban sa skills at talino. Kaya totoo ang tungkol sa clone kung magtatagumpay sila."'

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon