Tumayo si Virgil. Nakita niyang si Jessica ang target ng malaking lalake. "Takbo na Jessica!" Utos ni Virgil at bumunot ng baril. Sunod sunod niya itong pinutukan habang tumatakbo na palalayo si Jessica. Ininda naman ng lalake ang bala na tumatama sa kaniya hanggang mawalan ng bala si Virgil.
Lumapit siya sa lalake. Sinuntok niya ito ng malakas kaya ang ulo ng lalake ay medyo lumihis. Sinundan niya ng sipa sa tagiliran pero nanatili itong nakatayo. Sinipa niya uli paharap pero hinawakan nito ang paa niya sabay tinulak kaya natumba siya. Napansin niyang tumakbo ang lalake papunta sa tumatakbo na si Jessica. Nataranta si Virgil. "Jessicaaaaa, bilisan mo!!" Tumayo agad si Virgil para tumakbo at pigilan ang lalake pero napatigil siya dahil malayo na ang distansya.
Nakita niya ang motor kaya ginamit niya ito. Umandar ang motor at hinabol niya ang lalake na tumatakbo. Nang maabutan niya ito ay hinarang niya ang motor niya. May nakita siya kasing tubo na nakakalat. Bumaba siya ng motor at kinuha ang tubo. Lumampas ang lalake kaya muli siyang sumakay ng motor. Sinabayan niya ang lalake at hinampas sa likod. Napatigil ito sa pagtakbo. Napansin niyang lumiko si Jessica kaya nakahinga siya ng maluwag. Bumaba siya ng motor at hinampas ng malakas ang lalake sa mukha. Pero hindi ito natinag at lumihis lang ang ulo. Hahampasin niya uli pero sinangga nito ang tubo. Nagulat si Virgil.
"Hayop ka! Ang dami ng bala ang nakabaon sa katawan mo pero malakas ka parin!" Singhal nito. Pilit nitong kinuha ang tubo kaya nabitawan ito ni Virgil. Hinampas siya nito kaya umiwas siya. Binato ng lalake ang tubo sa kaniya. Umiwas siya pero mabilis na lumapit ang lalake. Sinuntok siya nito ng malakas sa sikmura kaya namilipit siya sa sakit. Binayo pa nito ang likod niya at sinipa siya ng ilang ulit. Masakit ang tama kaya hindi agad siya nakabangon. Tumingin ang lalake sa kalsada. Iniwan siya nito at tumakbo na naman ng mabilis. Nakita ito ni Virgil pero masakit pa ang tama niya sa sikmura. Dahan dahan siyang tumayo at kinuha ang motor. Nakita niyang nawala na ang lalake.
"Nakakainis!" Sabi niya at pinaandar ang motor. Tinungo niya ang Avenue na nilikuan ni Jessica. Luminga linga siya. Tinantya niya ang minuto kung saan na nakarating si Jessica pero marami pang likuan. Sa isang likuan ay napansin niya sa malayo ang lalake. Maliit ito sa paningin niya pero nakita niya itong tumatakbo. Agad niyang iniliko ang motor. Hindi niya nilubayan ng tingin ang lalaking tumatakbo. Nilampasan niya ang ilang sasakyan. Nang malapit na siya ay may humarang sa daanan niyang malaking truck.
"Hoy, bilisan mo?!" Sabi nito. "Pulis ako." Sa inis niya ay pinalitan niya ang magazine ng baril niya at nagpaputok. Lumampas ang truck pero wala na ang lalaking tumatakbo. "Patay, nasaan na siya? Mukhang naaamoy niya si Jessica. Luminga-linga siya sa paligid dahil wala sa tinutumbok niya ang lalake. "Lagot na!" Nagring ang telepono niya. Habang umaandar siya ay sinagot niya. "Hello, G."
"Kamusta diyan?"
"Delikado ang lagay ni Jessica!"
"Bakit?"
"Makinig ka G, alam niya kung nasaan si Jessica kaya nagtataka ako. Nasundan niya kami at ngayon matapos kong patakbuhin si Jessica para tumakas--nagawa ng lalaking 'yun na bugbugin ako. Ang sakit pa nga ng katawan ko eh."
"Nasaan na si Jessica?"
"Hinabol na siya kaya hindi ko na alam ang nangyari." Umaandar ang motor. Nakarinig siya ng putok ng baril. "Ibababa ko muna G, tawagan kita mamaya." Agad niyang ibinaba ang telepono at pinaandar ang motor sa lugar kung saan nanggagaling ang putok. Isang paikot na daan ito at nagkakagulo ang mga tao. Nakarinig na naman siya ng putok. Hanggang mapansin niya ang mga pulis na binabaril ang lalaking humahabol kay Jessica.
"Jessica!!" Sigaw niya. Napansin siya ng mga pulis.
"Ang bata ba ang hinahanap mo?" Tanong sa kaniya.
"Oo nakita niyo ba?"
"Humingi siya ng saklolo sa'min dahil hinahabol siya ng taong 'yan." Tinuro ng pulis ang lalaking nakaluhod na dahil sa tama ng bala.
"Oo nasaan siya?!"
"Tumakbo siya sa kabilang highway. Baka naabutan na siya ng mga pulis dahil kailangan siyang ma-imbestigahan."
"Ganun ba?" Nakahinga ng maluwag si Virgil. "Salamat sa tulong niyo. Pulis din ako." Tumingin si Virgil sa lalaking ngayon ay nakadapa na at wala nang malay. "Itali dapat ang lalaking 'yan."
"Kanina pa namin siya pinaphinto pero ayaw niya. Nakakapagtaka kasi bakit ang lakas ng katawan niya. Napilitan lang kaming barilin siya."
"Sir!" Tawag ng isang pulis sa kausap niya. "Titignan namin. Malamang patay na siya."
"Mag-iingat kayo!" Paalala ni Virgil. "Infected siya ng virus kaya ganiyan siya kalakas. Kailangan ng matibay na panali dahil baka bumangon pa siya."
Lumapit ang isang pulis para tignan ang lalake. "Sir, humihinga pa!" Sigaw nito.
Dumating ang sasakyan ng mga pulis matapos talian ang lalake. Kasama ng mga pulis si Jessica. Nakita ito ni Virgil. "Jessica." Tawag nito at lumapit.
"Kailangan siyang imbestigahan." Sabi ng inspector."
"Kaso namin 'to." Sabi ni Virgil at agad lumapit sa kaniya si Jessica. Nakatingin lang ang mga pulis. "Salamat uli sa tulong niyo pero kailangan kong dalhin ang bata sa main office."
"Pero paano ang lalaking ito?" Tanong ng inspector.
"Huwag na huwag niyo siyang pakakawalan at mas maiging ilihim niyo ang pangyayaring ito."
"Pero bakit?"
"May taong naglagay ng virus sa lalaking 'yan. Kapag nalaman nito na nahuli niyo siya, gagawa siya ng paraan dahil nahuli na ang tauhan niya. Kung sino man siya ay gusto niyang patayin ang batang ito. May kinalaman ito sa nangyari sa Rainbow City kaya ipaubaya niyo sa'min ang kasong ito."
"Kilala mo ba siya?" Tinuro ng inspector ang bata.
"Isa ako sa nabalitaang nakaligtas sa Rainbow City. Ang batang ito ay anak ng isa sa nagmamay-ari ng RDI na napatay na. Marami pa kaming itatanong sa kaniya. Kaya namin siya nakilala ay dahil pinahanap siya ng kaniyang ina sa'min."
"Ganun ba?"
"Aalis na kami sa lalong madaling panahon."
Sumakay ng motor si Virgil. Umangkas si Jessica sa kaniya. "Ayos ka lang ba?" Tanong ng inspector kay Jessica.
Tumango lang ito. Umandar ang motor. "Kunin muna natin ang gamit mo at kami na ang bahala muna sa'yo. Kailangang matunton natin ang taong gustong patayin ka."
"Mabuti na lang hindi niyo sinabi na anak ako ng taong gumawa ng zombie virus."
"Huwag kang matakot kahit malaman nila. Kami ni Giselle ang bahala sa'yo."
BINABASA MO ANG
Virus: Must Kill Jessica
Mystery / ThrillerThis story is a sequel of Virus; Saving Raquel. All that will happen here is connected in the said story. This story entitled Virus; Must Kill Jessica. Jessica is a young teen and the only daughter of Glenn Frampton, who invented the zombie virus. T...